Sixth Part: Tuloy pa rin

7.1K 78 8
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tambay ng ilang bwan sa bahay. Walang allowances o hindi pwede maglalabas kase hindi pinapayagan saka walang budget panggala. Hirap din pala nakatambay lang sa bahay, walang halos ginagawa. Nakakasawa din pala ng walang ginagawang kabuluhan sa buhay sa loob ng ilang buwan. Nakakapagod din pala umiyak at maging malungkot. Nakapanghina ang paulit ulit na ginagawang 'wala'. Kaya nagdecide na ko, ayoko na ganito. Nakakaawa na ko. Nakakapagod na mabagot sa bahay at baka matuluyan na kot mawala na sa katinuan. Nasesermonan na ko ng nanay ko.

Pinilit ko tatay ko na mag-aaral ako uli, ayun naawa naman kaso may kondisyon.. magTeacher daw ako kase ngaun daw siyan naman ang pagbigyan ko. Nasayang lang daw lahat ng tuition fee na binayad nya simula nung high school nung lumipat ako from private to public tapos college naman nagloko ako.. sangkatutak na paalala muna ang sinabi bago sabihin na hindi naman daw teacher talaga ang gusto nya para saken. Mura daw tuition fee don sa isang College school na nirefer ng waitress ng restaurant namin. Don daw nag-aaral ang kapatid nya, pakelam ko naman sa kapatid nya noh. Ayoko nga magteacher!!! Syempre ang nanalo pa rin eh ang tatay ko.. Mag-enroll daw ako don o wag na daw ako mag-aral? Eh naisip ko hirap maging tambay lang sa bahay kaya GO, pudra! payag na ako.

Nung una, hirap kase di mo naman trip yung course saka hindi ko pinangarap sa buong buhay ko na maging teacher noh. Habang tumatagal natatanggap ko na saka medyo na enjoy ko na rin yung course. Hanggang naka-graduate na kot nagtuturo na sa Catholic School. Na-enjoy ko na rin ang pagiging isang guro. Mahirap pero masaya lalo na pag naappreciate ka o mga nagawa mo para sa mga estudyante.

One time, nakita ko classmate ko nun high school. Kwetuhan ng tungkol sa isat isa sympre napag-usapan din ang tungkol sa amin ni Jonas. Pag-uwi ko naalala ko na naman siya. Almost six years na kaming walang communication at six years na rin palang wala akong boyfriend. Hindi ko alam kung bakit.. sabi ng mga kaibigan ko mahal ko pa rin daw kase si Jonas at palaging kinukumpara ko sya sa ibang lalake pag may gustong pumorma saken. Hindi ako makatulog, pagulong gulong na ko sa kama, hindi pa rin ako makatulog. Tumayo na lang akot uminom ng gatas ng mapatingin ako sa landline phone. May naalala pa rin akong number na madalas kong I-dial noon. Sinubukan kong i-dial, nag ring sa kabilang line.. may sumagot..

"Hello" boses lalake ang sumagot.

"He--llo.." tagal ko bago sumagot..

"Hello.. " sagot naman sa kabilang line.

"Good evening. Pwede po ba...." sagot kong kabado kaya napahinto ako. Gusto ko ng ibaba pero mas bastos naman yun..

"Sinong gusto mo makausap?" tanong ng lalake.

"Si Jonas po ba eh andyan?" ngatal na tanong ko (haha)

"Wala sya dito. Sino ba ito?"

"Katrabaho po nya. May kelangan po kase itanong sa kanya. " pagsisinungaling ko juicecolored!

"Wala siya dito eh. Hindi na masyado nauwi dito yun. "

"Ah ganon po ba.. Pasensya na po sa abala.. " dyahe moment.

"Tawagan mo na lang siya sa number na toh 454......"

"Salamat po. "

Binigay yung number sa kabilang bahay nila. Nakatitig ako ng matagal sa papel kung san ko sinulat yung binigay na number. Hanggang nakatulugan ko na nasa tabi ko yung papel..

Hanggang school nakatitig pa rin ako sa papel. Biro ng co-teacher ko, "numero ba yan na tatayaan mo sa lotto haha.. kanina mo pa tinitigan eh."

Kinuwento ko sa kanya yung tungkol kay Jonas at tungkol sa number na yun.

"Call him. Pag nakausap mo na siya, matatahimik ka na. "

"Hindi ba dyahe?"

"Medyo syempre. Nasa telepono ka naman eh. Six years, Liz! Grabe ka.. nakaya mo yun. Umasa ka talaga sa sinabi nya sayo na kung kayo, kayo talaga.. Ngaun andyan sa papel na yan yung chance mo na kung totoong para kayo sa isat isa.. Now or never, girl!"

Nasa tapat ako phone, nakatitig lang. Hanggang sa nag dial na ako ng number... Rrrringgg rrringgg. click..

"Hello" sagot sa kabilang line. Pamilyar yung boses.

"Hello, can I speak with Jonas, please? " Pa-inarte kong tanong (haha)

"Speaking. Who's on the line?"

Hingang malalim (haha) "Liza. " sobrang ikling sagot

"Liza?"

"Liza Obado."

"Liz, oh my! Liz! Musta na?" excited na sagot nya.

"Mabuti naman. Kaw?" nabawasan ang kaba ko..

Kamustahan at kwentuhan ng mabilisan about sa buhay buhay namin. Hanggang may nag-interrupt ng call..

"Hello sino toh?" boses babae

"Si Liza. Sino po yung nasa line?"

"Asawa ako ni Jonas. Liza classmate ex ni Jonas, kaw yun diba?"-

"Ano ba tama na yan..akin na yung phone." parang inaagaw ni Jonas yun handset.

"Ah anoh?" naguluhan ako na nabigla kaya di ko tuloy masagot ng maayos..

"May asawa na si Jonas kaya tigil tigilan mo na siya. Siguro matagal na kayong nag-uusap pag wala ako noh?" sabi ng asawa ni Jonas.

"Ha? Hindi ah! Ngayon lang kami nagkausap ni Jonas. Saka wala naman  kaming ibang pinag-uusapan. Nabanggit ka niya. Pasensya ka na kung awkward tong sitwasyon na toh pero wala.. wala kaming masamang ginagawa. Sana wag kang mag-isip ng masama sa kanya o sa amin. Matagal na yun high school pa yun sa amin, mga matatanda na kami ngaun." mahabang sagot ko na may halong lungkot. Kahit ang totoo walang nasabi si Jonas na may asawat anak na siya

"Natural lang ang magiging reaction ko syempre ex ka nya. " sagot ng asawa ni Jonas.

"Hello.. Liz.. sorry" si Jonas na ang nasa line.

"Okay lang. Naiintindihan ko siya. Mali nga na tumawag pa ko. Hindi tama na mangamusta pa ko. Pasensya na baka mag-away pa kayo..baba ko na fone. Thanks for the talk. Take care. Bye" mabilisang sabi ko sabay baba na ng phone, hindi ko na inantay yung sasabihan pa nya.

Nakatingin lang ako sa phone. Napaluha ako sa nalaman ko. Six years! Six years akong naghintay pala sa wala. Wala naman nagsabi na mag-antay ako sa kanya, ako may gusto nun kase siya ang gusto ko makasama hanggang sa huli pero ako pala yung mag-isang umasa sa huli. Tama na. Tigil na. Tapos na. Nakuha ko na ang sagot na hinintay ko after long six years na paghihintay.. pero parang ngayon ako napagod at hiningal  sa ginawa ko. Sana noon pa pala ko huminto.. nung pagsakay ko sa jeep. Matagal na pala talagang tapos.. ako lang pala ang nagpupumilit na meron pang 'kami' kaso na wala na pala talagang 'kami'...

Iyak emote ako kagabi kaya paggising ko... Sinabi ko sa sarili ko "Tuloy pa rin ang buhay. Hindi naman matatapos ang takbo ng buhay ko ng dahil sa kanya.. Nakaya ko naman wala siya, ngayon mas kaya ko na ngayon."



Joke ng tadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon