Nagkaroon ako ng problema sa school. May back subject ako na hindi ko pinasukan. Isang subject na home economics. Drop subject last year na pwede daw magcause ng hindi ko paggraduate. So tinapat na ko ng adviser ko na kelangan ko i-summer yung subject na yun kung gusto ko makuha yung diploma ko pero hindi ako makakasama sa graduation march namin. Nalungkot kami pareho ni Jonas. Ano pa nga ba ang dapat gawin kundi tanggapin. Sunod na araw, start na ng graduation march practice. Kaya hindi na ko makakasama pa, parang last na rin na pagsasama namin. Nalungkot ako nung naisip ko na highschool pa rin, sya magcollege na. Niyakap nya ko ng mahigpit. Feeling ko, sa ganon na lang nagtapos yung Kami namin kase nga nakakahiya mang aminin, sya aakyat ng stage, ako hindi.
Hindi pa alam sa amin na hindi ako makakagraduate. Kaya isa pang alalahanin kung pano ko sasabihin sa nanay ko. Sabi ko na lang "Malaking bahala na" tatanggapin ko na lang ang galit nya kase kasalanan ko naman naging pabaya ako.
Nagpagabi ako ng uwi nun kase kinakabahan ako kung pano ko sasabihin sa nanay ko. Hinatid ako ni Jonas samin. Pinapatawa nya ko para mabawasan ang kaba ko pero hindi nabawasan mas parang nalulungkot pa ko kase naisip ko matatapos na rin yung Kami tapos sasapukin pa ko ng nanay ko sa sasabihin ko. Ano na lang ako?!
Pag-uwi ko, nasa sala ang nanay ko. Nakatingin ako sa kanya, nag-iisip ako kung pano ko sisimulan sabihin yung dapat kong sabihin. Nung ready na ko magsalita.. inunahan nya ko magsalita na..
"Tumawag si Mrs. Dizon yung teacher mo sabi makakagraduate ka na daw. "
Namutla ako na nakatingin lang sa kanya..
"Ano bang pinaggagawa mo sa school ha? "
Kinuwento ko na lang yung nangyari. Laking pasasalamat ko na hindi naman masyadong nagalit nanay ko, medyo lang. Kaya excited akong pumasok kinabukasan. Nag thank you ko sa lahat ng teacher na nag Yes na makagraduate ako na bigyan na lang ako ng passing grade sa home economics subject. Behave student naman daw kase ako at okay naman ang grades ko sa lahat ng subject. Nagkataon lang na tinamad akong pumasok nung third year sa subject na yan. Palusot pa more!
Pagkalabas ko ng Faculty room, sympre hinanap ko agad si Jonas. Nung nakita ako ng iba kong classmates, ayun, para akong nanalo kung maka-congratulate sila. Touch naman ako syempre. Hinanap ko sa kanila si Jonas, wala daw simula kanina hindi pa daw nila nakikita.
Tinawagan ko siya sa telepono.
"Hindi ka ba aattend ng practice?" tanong ko ng makausap ko na siya sa fone.
"Hindi. Ipapakuha ko na lang ke auntita yung diploma ko."-Jonas
"Bakit?"- Liza
"Tinatamad ako eh. San ka ba ngaun?" -Jonas
"Andito sa school"- Liza
"Anong ginagawa mo dyan?"- Jonas
"Aattend ng practice ng graduation march. Makakagraduate na ako!!!!!" Excited na pasigaw kong sinabi sa kanya.
"Talaga?!!" Natawa siya.
"Kaya pasok ka na. Attend ka na ng practice ha. Pumasok ka na bukas." -Liza
"Opo. Sige po." -Jonas
Gaan ng pakiramdam ko ng pumunta na ko sa upuan ko, magsisimula na ang practice ng graduation. Gagraduate ako, yahooo!
Breaktime namin, nang may kumalabit sa likod ko. Pagharap ko si Jonas pala. Laking tuwa ko, nayakap ko siya agad. Walang lang tamang moment. Kilig moment bago ng graduation.
Natapos naman ng mapayapa ang graduation namin. Kala ko katapusan na ng lahat, syempre ganon agad naisip ko pano na lang kung di ako nakagraduate.. Feeling ko loser ako. Thank God ang bait Nya saken. Kala ko matatapos ang March na magiging isa akong sawi pero hindi pala kase etoh gagala kami ng mga classmates ko sa walang kamatayan SM para magsnack at para na rin sa simpleng celebration ng pagtatapos ng aming mapait, madrama, masaya, hirap, pighati, makulit, maingay na buhay estudyante sa Mataas na Paaralan ng Project 8, Quezon City. Ayos!
BINABASA MO ANG
Joke ng tadhana
Roman d'amourAkala ko ikaw na talaga, nag joke lang pala ang tadhana.