Chapter 3

10 0 0
                                    

       Kurt where are you? Inis niyang sabi sa isip. “ Wag ka lang talaga magdadala ng babae dito dahil manghihiram ng mukha iyon sa aso!” aniya sa isip.

   Maya-maya dalawang lasing na lalaki ang lumapit sa kanya.

    “ Wow, pare pagkain. Pulutan din ito!” aniya ng isang lalaking lasing.

       “ Huwag ninyong galawin yang pizza, dadagdag pa kayo sa problema ko eh no!” hiyaw niya sa mga ito

.

       Tumawa ang isa. “ mukhang mas masarap na pulutan ‘to, wag na lang iyan, total ayaw naman niyang ipagalaw sa atin nya, siya na lang ang galawin natin,” tumawa din ang isa.

       Nahintakutan siya sa sinabi ng mga ito, pero pilit niyang tinatagan ang sarili. Umasang darating na ang saviour niya . . . . . si Kurt.

       “ Oo nga, sige pare ikaw na ang unang tumikhim, balato ko na sa iyo!” halakhak ng dalawang lalaki ang narinig niya.

       Walang katao-tao sa lugar na iyon kaya wala siyang mahingian man lamang ng tulong.

       “ Mga balie!” iyon ang katagang lumabas sa bibig niya.

       “ Wow, pare palaban ‘to! Matitikman mo ang lupit ni Diego,” humalakhak muli ito.

       “ Huwag nyo syang kakantiin!” isang mahinang boses ang nakapag palingon sa mga lasing.

       Siya man ay nagulat sa pamilyar na boses, ang mahina at matiim nitong boses ay di niya malilimutan . . . . . si kurt. Napakadilim ng mukha nito. Bahagya itong nakayuko kaya hindi gaanong kita ang mabangis nitong anyo.

       “ Lumayo na kayo sa kanya.” Hindi pa rin nagbabago ang tono ng boses nito.

       “ Wow pare, hero!” humalakhak ang dalawa at umilang pagitan kay Kurt.

       “ I said, get out.” Tumaas na ang boses nito.

       “ Wag mo kaming englesin!” umigkas ang kamao ng isa sa mga lasing papunta sa mukha ni Kurt.

       Nasalag nito iyon. Pinilipit nito ang kamay ng lalaki.

       “ D-diego halika na, malakas siya! May sa engkanto ang lalaking iyan!” sigaw ng isa sa mga lalaking lasing at halos magkandarapa sa pagtakbo.

       Napayakap at napasubsob siya sa malapad na dibdib nito, umiyak siya at lalo pang isiniksik ang sarili dito.

       “ B- bakit ba kasi ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay, namuti na ang mga mata ko! Magpapasalamat lang----

       “ Eh ikaw bakit hindi ka nagsasabing pupunta ka? Ttignan mo tuloy ang nangyari sayo. Oh god. . . . . Angela I would blame myself, kung may masamang ginawa sa’yo ang mga hayup na iyon,” isinuot nito ang black coat sa kanya. “ Let’s go inside,” pumasok sila sa bahay nito.

       “ Eh kasi gusto kitang i-surprise, if I would tell you, hindi na yun surprise,” paliwanag niya. “ eto yung pizza at softdrink, hindi na nga lang mainit yung pizza at yung softdrink wala ng lamig.”

       He sighed. “ Angela, ano ka ba? Parang kanina lang muntik ng may masamang mangyari sa’yo, tapos ngayon parang relax ka pa! you make me nervous kaya pala hindi ko na magawang mag-off because I was bother with something,” natulala siya ng bahagya sa sermon nito.

       “ Then, what do you want me to do? Gusto mo magmukmok ako Kurt! I’m safe now, can’t you understand that I’m doing this for you! I’d like to thank you kaya ako nagpunta dito.” Naiinis siya sa inaakto nito.

Dinurog Ako ng Pag-ibig mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon