Chapter 6

10 0 0
                                    

       “ Betsey, hindi ako mahilig manakit ! marahil hindi lang kami ni Kurt ang tanga . . . . . ikaw din ! hanggang kaya ko pang kontrrolin ang galit ko umalis ka na!” hiyaw niya ditto.

       “ Easy! Aalis ako at kapag nagkaharap-harap ulit tayo, I’ll assure you that I’m the winner!” nagmartsa na siya palabas ng bahay nito.

       May plano siyang puntahan si Angela.

       “ Ako ngang magdidikit nyan?” aniya kay Cristine na parang iritado na sa pagdidikit ng sign na ‘WANTED: BARTENDER’

       “ Eh kasi naman tong si Phoebe . . . . . pwede naming ilagay sa classified ads na kailangan ng bartender dito eh,” reklamo pa nito.

       “kasalukayang kausap nina Phoebe at Julie ang nasa honeymoon pang si Madeline. Sa London nagpunta ang mag-asawang Franz at Madeline para sa one month honeymoon nila.

       “ Eh kung sa akin nga mas agree ako dito eh, diretso na! kung sa dyariyo pa eh marami pang etse buretse,” umismid naman ito.

       “ Look, nagmumukha namang low class tong business naming! Cheap!” napailing siya.

       “ Rist, wag mong pansinin ang iba, this bar was very good! Wala akong maling nakikita dito!” sermon niya dito.

       “ Ok-ok! Mukhang di tayo magkakasundo this time, Angela . . . . ganyan ba talaga ang in-love, nagbabago ang isip.”

       Natawa siya. “ Maybe!”

       “ Angela!” napalingon siya sa tumawag sa kanya si Julie.

       “ Oh bakit?” Tanong niya.

       “ May naghahanap sayo.” NAgtaka siya.

       Wala naman siyang inaasahang bisita. Si Kurt ay nasa trabaho kaya baka mamaya pa siya nito sosopresahin.

       “ Dun na lang daw sa office ni Phoebe kayo mag-usap,” ani pa nito.

       Tumalima naman siya ng pagsunod dito. Si Phoebe at isang napakagandang babae ang nabungaran niya duon.

       “ Ah sige, lalabas na muna ako para makapag-usap kayo,” makahulugang tumin gin si Phoebe sa kanya na tila ba sinasabing ‘ tawagin mo lang kami, were here to rescue you?’

       Maging si Julie ay wala ding tiwala sa babae.

       Ano kayang kailangan nito? Umiral na naman ang pagiging mapaghinala niya.

     Tuluyan ng lumabas si Phoebe ng magsalita ang babae. “ Hi, I’ Betsey Corpus,” pakilala nito sa kanya sabay lahad ng palad.

    Nagkamay sila nito. “ I’m Angela Kira . . ahmm. . . . . ano po ba ang kailangan nyo?”

       “ About Kurt . . . . . “ bigla siyang kinabahan.

  Lalong lumaki ang curiousity niya. Huwag ka lang talagang makakamali, Kurt . . . . . sisiguraduhin kong mata mo lang ang walng latay.

     “ What about him?” tanong niya.

       “ I’m just a concern person, ayokong makabiktima pa siya ng kalahi ni Eva.” Pinalamlam pa niya ang mga mata na tila ba lumbay na lumbay.

       “ Miss can you please me it straight?” naiinis na siya.

     “ Kurt your boyfriend is the cousin of your EX, Ganny.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng babae. “ That’s true! At ako, liligawan sana ako ni Kurt, pero I’ll assure you, hindi ko siya sasagutin dahil manloloko siya, sila ni Ganny, gusto ka lang nilang gantihan dahil sa pang-iiwan mo kay Ganny.” Nadurog ang puso niya sa mga isiniwalat nito.

Dinurog Ako ng Pag-ibig mo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon