Chapter 1: First Trouble

0 0 0
                                    

Rfea's POV

"ANAK! GISING NA! IHAHATID MO PA ANG KAPATID MO SA PAARALAN NIYA!"

Alarm clock ko na ang sigaw ni Nanay. Pero gising nako kanina pa. Akala mo nasa kabilang bayan ako kung makasigaw si Nanay. -_-

"Andyan na!", sigaw ko din pabalik.

"ATE! NAKITA MO BA YUNG MEDYAS KONG KULAY PUTI?", sigaw ng kapatid ko sa kabilang kwarto. Ganito na talaga kami. Nakasanayan na xDDD

"LAHAT NAMAN NG MEDYAS MO KULAY PUTI! EWAN! HANAPIN MO!", sigaw ko din habang nagsusuklay ng buhok ko.

Ang bait kong kapatid diba? Hahaha. Anyway highway, I'm Rfea Dess Marcos. Ganda ng name ko noh? parang ako (choss xD). Pang mayaman pero mahirap kami wag kayo. 😂😂

"ANAK! MATAGAL PA BA KAYONG DALAWA?! ANTAGAL NIYO AH?!", sigaw na naman ni mother sa baba. Haist. Makababa na nga.

"Nay! Sa school nalang po ako kakain. Magbabaon nalang po ako ng luto niyo.", rinig kong sabi ng kapatid kong lalaki na si Ryl. 11 years old.

"O sige. Ganun na din ang ate mo."

"Mabuti pa nga 'nay.", saad ko.

Pinagbaon na kami ni Nanay ng luto niyang dinuguan at kanin. Hinatid na din kami ni Tatay sa paaralan namin gamit abg traysikel. Yun kasi ang trabaho niya.

Pareho kami ng paaralan ng kapatid ko pero anlayo ng building niya sakin. Kaya nauna siyang nakapasok, samantalang ako maglalakad pa. Sad life T_T

"Uh..Miss?", tanong ko sa babaeng nasa harap ko habang nagchichikahan sa mga kaibigan niya.

"What is it?", medyo inis niyang sabi.

Luh? Magtatanong lang eh. Grabe to.

"Alam mo ba kung saan ang section 1-A?", Yes. First year college nako *0*

Scholar ako dito sa ubod ng laki na school. Talino ko noh? hohoho!

"The hell I care? Find it yourself.", supladang sagot niya.

Breath Rfea. First day mo remember? Be nice muna.

"Eh kasi bago lang ako dito so pwede bang ituro mo kung saan?", yes Rfea. Magpakumbaba ka. Tiis muna.

"I said find it yourself! Are you deaf? or just plain stupid?!"

Kanina pato english ng english ah? Akala niya di ko napapansin? Hello? Pilipinas to tapos mag eenglish ka? Siya ata stupid eh.

AT isa pa. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante.

"oh my god. How dare she mess with Tiara?"

"Bitch."

"Papansin siguro. Di na nahiya."

Bwisit tong mga nagbubulungan ah?! Bulong bulong pa eh rinig ko naman!

"Ano bang masama dun sa tinanong ko? Sabihin mo nalang kasi kung saan! Sa laki ng school siguradong maliligaw ako! Bago lang kay---"

"So now you're talking back?! Bitch, don't you even  know who I am?"

Abah! Bastos to ah? Nagsasalita pa kaya ako! At anu daw? Bitch?  That's it! No more nice girl!

"BITCH?! ME?! I am not a bitch! Its you who is bitch! You stop me from talking! You are a bastos!"

leche! hirap kalabanin ang isang englishera. Dumudugo ilong ko.

"YOU WANT WAR?! I'LL GIVE YOU WAR!", at bigla niya nalang akong sinabunutan! Pucha! Ang sakit ng mga kuko niya!

"HOY! TAMA NA! ANO BA?!"

Bigla kaming inawat ng isang guard at isang teacher. Patay!

"You two! DETENTION! 2 HOURS!", sabi ng striktang teacher.

Waaaah! First day ko DETENTION AGAD?! Patay ako kay Nanay nito!

"You'll pay for this!", sabi ng kaaway ko. lampaki.

First day... First trouble. ANg ganda ng buhay! *note the sarcasm*

I Mirrored His First LoveWhere stories live. Discover now