The Good Girl's Bad Love

4 2 1
                                    

Epilogue

Mahirap talaga 'pag only child ka lang. Na sa'yo kasi nakafocus lahat ng atensyon at ang mga expectations ng parents mo lalong lalo na pag may kaya kayo. Sasaluhin mo ang lahat ng mga responsibilidad na ipapamana sa'yo. Kailangang puro A+ grades mo at dapat maganda ang performance mo sa school.You stand up for dignity, reputation and power. Kaya tinagurian akong The Good Girl sa school namin and a teacher's pet. Para akong robot na sunod sunuran. But the real problem of a good girl like me isn't like that, especially when I'm inlove with my bestfriend and I can't even honestly tell him how I feel. And I realise that it's over and too late.

☆☆☆

We became friends when I was assigned to tutor him sa Stastistics subject namin. Yung totoo napilitan lang talaga akong gawin 'yun. Unang una kasi I hate him. His guts, ubod siya ng yabang at napaka- arogante niya. Porke't gwapo siya at vocalist ng banda sa school e magyayabang na siya? Sumikat kami sa school at inaasar kami ng mga kaklase namin kasi bagay na bagay daw kami. Naasar ako ng todo dun. Pwe! Yuck! Never! Tinaga ko talaga sa utak at puso ko na hinding hindi ako maf- fall sa asungot na yun.

Ang kulit din niyang turuan tapos napakabobo pa. Hindi siya marunong sa probability. Lagi nalang niya akong iniinis and call me names like Goody Shoes, Good Girl, Robot, Teacher's Pet, Buntot at kung anu pa. Pinapahahabaan ko nalang ang pasensya ko sa letcheng kumag na 'yun.

Nakakasawa siyang pakinggan. Nakakaumay na. Ta's ang masasabi ko lang; "Wala na bang iba?"

Sabi naman niya kakaiba daw ako. I don't know what he means. And lumipas ang panahon na it happened no'ng binilhan niya ako ng ice cream. Weakness ko 'yun kaya medyo bumait ako sa kanya. Ngiting-ngiti pa nga ang loko dahil napaamo niya ako kahit sobrang bangis ko. Ang sabi niya kaya daw walang nagtatangkang manligaw sa 'kin kasi napakasungit ko, palagi akong yumuyuko at laging studies ang priorities ko. Naisip ko na tama nga siya. Kaya ng minsang nagyaya siya na magparty natuto akong tumakas sa mansion namin at sumama sa kanya. Ang sarap ng feeling ng freedom. At siya pa lang ang nakapagpatunay sa akin non. Para kasing preso ako sa bahay namin. Nakakalabas lang 'pag kinakailangan or when I am allowed.

Sobrang saya ko nong kasama ko siya, at unti unting gumagaan ang loob ko sa kanya. Paminsan minsan pumapasyal kami sa mall at gumagawa ng pranks na kung saan siya expert. Feeling ko nga 'di na titino 'tong bisugong 'to. Pero at those moments I can't measure up my happiness. Sinasama din niya ako sa EK for the first time kong makapunta. Lubos akong nagpasalamat sa kanya dahil dun.
May bago na ulit siyang pet name sa akin. Cave Man daw ako kasi ang ignorante ko. Psh! Bahala siya.

And then one time nagcutting kami, for the first time of my life ulit at alam mo kung anu? Niyaya lang naman niya akong uminom. Peste! Nalasing ako no'n pero tipsy pa. Nacarry ko pa, pero siya? Basag na. Brokenhearted daw siya kaya dapat damayan ko siya.

"At bakit ako pa? Ang dami mong kaibigan diyan?!" Asik ko kasi umiiyak na ang loko habang tinutungga ang bote ng alak.

"Because you're my bestfriend."

"Bestfriend? Kapal mo naman!" Nevertheless hinayaan ko lang siyang umiyak at ilabas ang poot sa puso niya. Naaawa ako sa kanya non kasi wala na siyang pambili ng alak. Oo dahil dun. Letche! Ako ang pinabili ng loko. Pero okay lang. Ngayon lang 'to sabi ko naman. Supposed to be that time tinututor ko siya pero nadala ako. At ayun! Kinwento niya sa akin ang break up nila ni Donna his ex. Medyo kumirot ang puso ko ng malaman ko ang story nila. Ang sweet pala niyang boyfriend yung tipong gagawin ang lahat mapasaya lang ang girlfriend niya. 2 years na silang break and that day was supposed to be their anniversary too. Lumipad daw ito ng ibang bansa para ituloy ang pangarap nito.

"Paasa talaga. Amputa." Aniya ko. Humalakhak siya.

"Nagmumura ka pala. Congrats!" Sabay tapik sa balikat ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE GOOD GIRL's BAD LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon