Naging kami na ni ian officially that day.
Isang araw lang sya nan ligaw, isang araw ko lang din sya sinagot.
Syempre baka magbago pa ang ihip ng hangin eh mawala pa ulit sya sa akin.
Sayang naman ang kagwapuhan nya.
Pangako nya na hindi nya ako iiwan at wala ng iba sa puso nya kundi ako lamang.
Syempre na niwala ako, pero may mga alinlangan sa puso’t isip ko.
Simula noong naging kami ay lagi nang masaya ang araw ko.
Umaga’t gabi ay lagi kaming nag-uusap.
Kundi nag-uusap at nagchachat naman kami, hindi nawawalan ng communication kaming dalawa.
Hindi sya nagseselos dahil may tiwala raw sya sa akin.
At ganun din naman ako sa kanya.
Minsan may problema pero kaagad naman naming inaayos para di na lumaki pa ng sobra.
Pero may mga problemang hindi na gagawan ng solusyon.
At ito ang dahilan kung bakit nag-lie low ang relasyon naming dalawa.
Hanggang isang araw.
OCTOBER 27, 2009
First year Anniversary naming dalawa bilang mag-kasintahan.
Excited ako sa apartment ko dahil pangako nya sa akin pag-balik nya sa america ay dederetso sya sa apartment.
Almost 3 months ko rin kasing hindi sya nakita at nakasama dahil sa isang importanteng bagay na kelangan nyang ayusin at hindi nya sinabi kong ano ito, na nirerespeto ko naman.
Halos isang oras na pero wala parin sya.
Pero inaantay ko parin ang pagdating nya.
Sabik na sabik na ako sa kanya.
Para hindi ako mabadtrip ay tiningnan ko nalang ang photo album naming dalawa.
Ang mga masasayang araw na kaming dalawa lang ang gumagawa.
Lumipas ang 2 oras wala paring text o tawag na nareceived ako sa kanya.
Kaya nagdesisyon na akong tawagan ang phone nya.
Ngunit out of coverage area naman ito.
Hanggang may tumawag sa cellphone ko.
Si ate rose, kapatid ni ian.
“ate bakit po? Bakit po kayo napatawag?”
(tanong ko kay ate rose)
Bigla syang tumahimik at parang narinig ko syang umiiyak.
“ate rose? Andyan kapaba?”
(tanong ko sa kanya)
Hanggang sa nagsalita na sya at ito ang sinabi nya.
“nasa ospital si ian ngayon!”
(sabi nya sa akin)
Nagulat ako at parang nadurog ang puso ko sa narinig ko sa kanya.
“bakit po? Ano pong nanyari? Saan? Saang ospital yan ate?”
(sunod-sunod na tanong ko sa kanya)
Nang biglang nahulog ang picture frame ni ian.
At tumulo na ang luha ko.
ITUTULOY.