Kaagad akong pumunta ng ospital ng sinabi sa akin ni ate rose.
Natakot ako at kinabahan kung anong nanyari kay ian.
Pagbukas ko ng pinto ay nandoon na ang pamilya ni ian.
Ang kanyang nanay, si ate rose at ang pinsan nya.
Nakita ko si ian nakahiga at tulog sa kanyang higaan.
Tinanong ko si tita, nanay ni ian.
“ano pong nangyari sa kanya?”
(tanong ko kay tita)
“nadiagnose syang may leukemia!”
(sagot sa akin ni tita habang umiiyak)
“mah! Ano kaba ma! Matagal ng alam natin na maaaring magkaroon sya noon dahil yun din ang dahilan ng pagkamatay ni papa!”
(sabi ni ate rose)
“pero bakit sya pa! na wala na nga ang papa nyo tapos mawawala pa ang kapatid mo dapat ako nalang!”
(sagot ni tita)
Tinanong ko ang doctor kung anong findings nya kay ian.
“doc ano po bang sakit ni ian?”
(tanong ko sa doctor)
“ahm…may chronic leukemia ang pasyente”
(sabi ng doctor)
“doc. Ano po bang ibig sabihin nun? Ang alam ko leukemia ay isang cancer tama po ba?”
(tanong ko ulit sa doctor)
“tama ka! Isang cancer sa dugo ang sakit na leukemia,”
(sagot sa akin ng doctor)
Hindi ko alam ang naging reaksyon ko noong gabing iyon.
Umiiyak ako sa labas ng pinto at naghihiyaw-hiyaw.
Lumapit sa akin si ate rose at niyakap ako.
“ate…bakit sya pa?! napaka-bait na tao ni ian, bakit sya pa ang binigyan ng ganoong sakit ate?”
(sabi ko kay ate rose habang naiyak)
“hindi pa sya mamatay!”
(sabi ni ate rose)
Base sa findings ng doctor malala na raw ang cancer na kumapit kay ian.
At ito ay nasa stage 4 na.
Ang crucial level of cancer patient.
Ibig sabihin himala na lamang kung gagaling pa sya sa sakit nya.
Himala na lamang kung makakasurvive pa sya.
Tinanggap ko ng buong puso ang sitwasyong nya yun.
Ni ian.
At mas lalo ko pa syang minahal at pinahalagahan dahil sa sakit nya.
Dahil mas kelangan nya ako ngayon.
Ayaw nya akong nakikitang malungkot at umiiyak.
At nahihirapan sa sitwasyon nya.
“hinding-hindi kita iiwan, hanggang huling hininga mo andito lang ako sa tabi mo”
(Sabi ko kay ian)
Itutuloy.