Voice: 1

95 3 0
                                    

One-Decision

Katelyn's POV


"Have you decided?" Simpleng tanong pero kapag nasagot ko na ang matagal ko ng desisyon ay mayroon na ito kaakibat na pagbabago sa pagkatao ko

Habang hinihintay ni ma'am karen ang magiging sagot ko. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkabahala at kaba. Saglit muna ako napayuko at napalunok bago ako nakapagsalita

"Opo, pumapayag na po akong magpanggap bilang si trisha" that's my final decision. Sa sinabi kong yon, unting-unti sumilay sa labi ni ma'am karen ang ngiti ng marinig na niya ang pagpayag ko

"I'm so glad that you agree with this. Don't worry it's just a temporary. I just want my son to get back as a normal life, like he does" napatingin ako sa mga kamay ko ng hawakan at pisilin

Mula sa mga kamay namin sinundan ko ng tingin hanggang sa madako ulit ako sa mukha ni ma'am karen. Masasabi kong wala ng papantay sa mga ngiti niya ngayon. Punong-puno iyon ng pag-asa. Hanga ako sa kanya bilang isang ina. Para sa kapakanan ng anak lahat gagawin para sa nag-iisang anak niya

"Thank you so much Hija for accepting my offer, I know this is all I can do as his mother" bakas ang lungkot sa mga mata niya

"Anyway, here is the signing contract as we agree from the start" sabay nilabas ang isang folder, ipinatong sa glass table at ini-slide ito papunta sa akin

Tinanggap ko at binuklat. Sinimulan ko basahin ang mga nakasulat. Walang labis, walang kulang mula sa matatanggap ko na pera kada buwan, mananatili ako sa bahay ng mga Guevarra sa loob ng isang taon, hindi rin ako pwede magsalita sa kahit sinong tao tungkol sa kalagayan ni Carl, kahit sa pamilya ko

Ang maganda sa lahat, success or fail ang mission ko, buo ko parin makukuha ang pera. Basta matapos ko lang ang isang taon doon lang matatapos ang pagpapanggap ko bilang si Trisha Salcedo

Ang nagbabalik na Ex-Girlfriend ni Carl..

Dinampot ko ang ballpen sa may glass table at pinirmahan kasama ang pangalan ko

Signed by: Katelyn Collantes

~•~

*Katelyn's Home*

"Ate!" Excited na tawag ng makita ang pagdating ko. Si ashley ang unang sumalubong sa akin. Nakakabatang kapatid ko

"Ash, diba sabi ko wag kang tumakbo! Bawal na bawal sayo ang mapagod?" Suway ko

Napangiti nalang siya sabay peace sign sa akin, umiling na lamang ako

"Asan si mama?" Tanong ko sa kapatid ko

"Nasa kusina si mama, ate.." nakangiti niyang sabi

"Ma!.. Ma!." Tawag ko. Ilang saglit lumabas narin si mama sa kusina

"Anak, nandito ka na pala kumain ka muna, nagluto ako ng paborito mong pininyahang manok" sabay inilabas ang malaking mangkok at nilapag sa hapagkainan kasama ang kanin

"Sige po ma," tamang-tama at alas dose na (12 nn)

Saka konti lang din ang nakain ko na breakfast meal. Ang totoo niyan wala kasi talaga ako gana kumain kanina pero ngayon ayoko palagpasin ang luto ni mama. Itinabi ko muna ang mga gamit ko sa gilid ng cabinet at saka pumwesto sa hapagkainan kasama si ashley at mama

Tahimik lang kami tatlo na kumakain. Hanggang sa nagsimula ng magtanong si mama sa akin

"Kamusta pala sa bagong inaapplayan mo anak?" Tanong ni mama habang naglalagay siya ng ulam sa pinggan niya

Behind Her VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon