Voice: 2

53 2 0
                                    

Two-Past

Katelyn's POV

Tulad ng napag-usapan namin kahapon ni nancy. Maaga ako dumating sa dating meeting place namin dito sa pizza parlor. Sa ngayon inaantay ko nalang ang pagdating niya sa loob

Mamaya pa naman ako pupunta kila ma'am karen, ipapasundo nalang raw ako sa driver nila. Good thing para walang makasunod na mga reporter or media

Habang nag-aantay ako, sinariwa ko ang dating masasayang alaala noong nasa college palang kaming tatlo nila nancy at grace. Dito mismo kasi ang tambayan namin lalo na kapag may mga projects kami ginagawa

Solid mag best friend kaming tatlo. Parehong mga kurso ang kinuha namin kaya lagi kami magkakasama sa mga subjects pero after graduation nagsarili-sarili na kaming buhay para sa mga career naming tatlo

Si Nancy, nagpunta ng canada para sa family niya. Actually two years ko na siyang hindi nakikita kaya masasabi kong ngayon palang. Oo may komunikasyon naman kaming dalawa kahit papaano updated kami sa isa't-isa

Si Grace naman, ang alam ko sa call center industry parin siya nagtatrabaho with higher job position. Naputol nalang ang communication ko kay Grace. Simula nagkahiwalay na kami ni Jared, siguro totoo nga talaga yung kasabihang walang forever (hindi ako bitter ah..)

Kahit papaano tumagal din ang relasyon namin ni Jared ng apat na taon. Sa ngayon 3 months na kami hiwalay. Kung hindi niyo tatanongin

Si Jared Mendes ang naging first boyfriend ko

First year college palang kami ng una makilala ko siya. Magkaiba kami ng kurso na kinukuha, siya kasi Business Administration. Kahit ganon pa man naging malapit si Jared sa aming tatlo

Sa katunayan, unang magkakilala sina Jared at Grace, malapit sila sa isa't-isa,  kaya may mga oras na sumasabay si Jared sa amin, lumabas at gumala

Sa lagi namin siyang nakakasama, hindi ako manhid para di maramdaman ang kakaibang tingin at pakikitungon ni Jared sa akin

Hindi nagtagal, umamin si Jared ng nararamdaman niya para sa akin. Noong una hindi ko pinansin dahil naikwento rin ni Grace sa amin ni nancy na may gusto siya kay Jared

Alam ko komplikado na sa sitwasyon na yon sa pagitan naming tatlo, kaibigan ko si Grace at ayoko masira ang pagkakaibigan naming dalawa dahil lang sa i-isang lalaki

Simula ng araw na 'yon, pinilit ko iniwasan si jared pero sadyang hindi maiiwasan ang kakulitan niya. Kahit anong taboy at pag-iwas ko hindi parin siya tumigil sa panliligaw

Second year college ng mabalitaan ko biglang nagkaroon ng boyfriend si Grace at iyon si Mark. Nagulat ako sa nalaman ko pero habang pinapanuod ko sila. Kahit papaano nakikita ko naging masaya si Grace kay Mark. Kaya naisip ko baka nakamove-on na siya kay jared

Third year college. Coincidence nagkita ulit kami ni Jared sa isang event ng university at sumunod ulit ng maki seat-in siya sa isang subject namin. Sa tuwing magkasama kami ay mas lalo ko nakikilala ang ugali niya. Masasabi kong parehas kami ng pananaw sa buhay at magpahalaga sa pamilya

Sa mga panahon lumipas, inamin ni Jared na hindi nawala ang nararamdaman niya para sa akin. Kaya naisipan kong bigyan siya ng chance na sagutin, dahil sa pag e-effort niya sa akin at sa pamilya ko. Hindi nagtagal nahulog ang loob ko sa kanya. Nagdesisyon ako na sagutin siya bilang boyfriend ko

"Oh em gee! Kate!" Naputol nalang ang pag-iisip ko ng marinig ko ang boses ni Nancy. Inikot ko ang paningin sa paligid para hanapin siya. Hindi ko na naiwasang mapangiti ng makita ang pagkaway niya sa malayo

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Her VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon