PROLOGUE(2): NEW BORN THIEF

6 1 0
                                    

Nakatitig lamang si John sa kawalan at pinagmamasdan ang bagong clone na kanilang isasagawa. 'Di niya batid na ganito kahirap ang sumama sa isang organisasyon na ang tanging layunin ay magkaro'n ng supling ang babae't lalaki ng hindi man lang sila nagkaroon ng interaksyon maski ang paglipat ng sperm sa eggcell ng babae.

"Sir, TM56 is now on the process sir." Sabi ng babaeng nakacoat na puti na wari'y isang scientist. Tumango si John at agad nagtungo sa loob ng Lab. Bumungad sa kanya ang bote na naglalaman ng fertilized egg and sperm na nanggaling sa mag asawang Tan. Maraming beses na nila itong inulit ngunit sila'y nabigo. Sa pagkabigo nila nalalaman ang kanilang dapat baguhin kung kaya't may 96% ang kanilang kasiguraduhan na ito'y magtatagumpay. Inilagay ni John ang laman ng bote sa isang Capsule 638 upang magpatuloy ang proseso ng pagfertilize. Unti-unti itong nagaanyong sangol.

"Sir, there's an assassin entered in our lab. There are going to get the baby. What're we gonna do?" Natatarantang wika ng Security Guard na kano habang pinagpapawisan.

"KILL THEM!!"Malakas na sigaw ni John. Kinuha niya ang Capsule at kinuha ang sanggol mula dito at inilapag sa lamesa at binalutan ng tela . Pansamantala n'ya itong itinago sa cabinet. 

"Sir! Patay na po si Mr. and Mrs. Tan. Natagpuan po ang bangkay nila sa closet ng kwarto nila." Naiiyak na sabi ng assistant nito. Kumunot ang noo ni John at sinabi.

"What about the assassination-!" 'Di na n'ya natapos ang sasabihin ng nakita na n'yang nakahandusay ang assistant n'ya sa sahig kasama ang iba pa at sumunod ang isang malakas na pagsabog sa gawi niya at nalaman na lamang na ang kan'yang sarili ay nakahandusay na sa sahig na may kasamang dugo na dumadaloy sa kan'yang pisngi.

"Where's the kid?" Tanong ng lalaking nakasuot ng lab coat at may hawak na baril. Sa sobrang sindak ay umurong ang dila n'ya. Kalauna'y nakarinig s'ya ng 3ng putok ng baril kasabay ng kan'yang pagbagsak. Natagpuan na lamang n'ya ang sarili na may tama sa balikat, dibdib at ang huli ay sa noo.

"SIR! The kid's in the Cabinet!" Ang huling salita at tinig na kan'yang narinig sa mundong ibabaw. 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Love Against the WorldWhere stories live. Discover now