2.

18 10 4
                                    


Victim's POV

I was hiding all the time dahil natatakot akong may makapansin sakin. Damn! Bakit ba ako natatakot ng ganito kung hindi ko naman alam ang tunay na sitwasyon. If this is a prank then it's not funny.

"What should I do now?" I whisper. Asking myself for a move that I should do.

Nararadaman ko na ang panunuyo ng lalamunan ko. So I walk gently and carefully papunta sa gripo. Nang mabuksan ko ito ay laking inis ko. Baket? Tatlo o apat na patak lang lagi ang lumalabas.

Sinahod ko ang dalawang kamay ko upang makaipon rito ng tubig at ng sa gayon ay makainom na ako. Hindi ko na inalintana ang dumi ng kamay ko dahil mas mahihirapan ako kapag nanatiling uhaw ako.

I sat down to the floor. I think I need some rest. I feel sleepy again...

I was about to close my eyes when I saw a walking shadow. Nanggaling ito sa bahagyang ilaw na dala ng bintana.

"Shit!" I whisper again with my heart beats fast. I pinned myself to the wall so that person will not see me when it take a glance.

Damn! Underground rest room is very bad place to be. Nakikita ko lang ang kalahati ng labas dala ng mga damong nakaharang na sa bintana.

Gaash! Why is this happening to me? "Dahan dahan. Dahan dahan" Pabulong ko itong sinasabi ng paulit ulit upang ako ay makarating sa loob ng pinakadulong cubicle room.

Krikrikrikrik~

Haysh! "Please please wag kang maingay" Konti nalang mabubuksan ko na. "Dahan lang, dahan"

Tik~!

Geez! Great! Napaupo ako bigla sa kinaroroonan ko ng biglang tumunog ng malakas ang pinto.

Asar! kapag nag iingat nadidisgrasya! Nakakainis!

"Hmmp..." Napatakip ako ng bibig ng biglang dumaan na naman ulit ito. But this time nakatayo na siya sa harap ng bintana.

Kitang kita ko ang anino ng dalawang paa at binti nito. Kumakabog na ng malakas ang dibdib ko sa kaba.

Lalo pang nadadagdag ang bilis ng kaba ng dibdib ko ng unti-unting bumaba ang katawan nito at kung hindi ako nagkakamali ay malamang pinagmamasdan nito ang loob at paligid nitong rest room.

Go away! Go away! Sigaw ko sa utak ko na para bang narinig niya ng bigla itong tumayo at naglakad paalis.

Naghintay ako ng ilang minuto bago sumilip sa bintana. Walang tao, madilim pa rin sa labas at tanging ilaw lang ng poste ang nagbibigay ilaw.

Anong oras na ba? Anong oras ba kanina nang mawalan ako ng malay? Inaantok na talaga ako and I know na delikado ito para sitwasyon ko. But I need to get some sleep or a nap.

Kailangan kong magpahinga muna para makabawi ng lakas at para makapag isip ako ng magandang hakbang kung anong gagawin ko.

Sana walang mangyaring masama. Sana.

-

Haha sorry kung maikli at matagal. Busy kase sa event namin nitong nakaraang araw. Hehehe!

Mark

ESCAPE or DIE (The Rest Room)Where stories live. Discover now