Kim's PovNagising ako dahil sa ingay ng alarm clock na nasa may table ko, sinadya kong iset yun nang maaga, kaya alas-singko palang gising nako dahil first day of school na naman, sa totoo lang ngayon lang ako naexcite na gumising ng maaga para pumasok sa school dahil sa ibang school na ako papasok ngayon, sa school nang kapatid ko na mas malapit sa bahay namin dahil last year ko na to bilang highschool student
At nang tatayo na sana ako sa kama ko bigla nalang akong nalaglag, "aray ko naman" sabi ko sa sarili ko, at nang tatayo na sana ako bigla nalang akong dinaganan ni Mj,(Michlia Joyce) siya nga pala yung little sister ko este childish sister, ambigat niya umagang-umaga nanlalambing na naman, naku naman! Ginawa ba naman akong kama eh mas malaki pa yata yung katawan niya sakin, pero joke lang yun
"Mj tumayo ka na nga, ambigat-bigat mo oh dimo ba napapansin, mukha ka nang oink oink" pang-aasar ko pero hindi naman totoo
"Anong sabi mo kuya, ako mabigat tapos mukhang oink oink? Wag ka nga ikaw nga tong mukhang payatot eh! Wahahah!" Nang-aasar niyang sabi tapos mas lalo pa siyang nagpabigat haist
"Oo na, sige na tumayo ka na nga jan maliligo nako oh baka malate pako mamaya" naka kunot noo kong sabi sa kanya
"Kuya naman eh nanlalambing lang naman ako sayo eh, dimo ba ako namiss?" Naka puppy eyes pa niyang sabi
"Ako, namiss ka?, hindi noh" haha joke lang,oo naman namiss talaga kita
"Kuya naman eh sige ka tampo nako niyan sayo" sabi niya tapos naka nguso pa siya
At sa wakas tumayo na din siya, ambigat niya talaga kanina pa siyang nakahiga sa may likod ko mula nang mahulog ako sa kama ko, at nang nakatalikod na siya, binuhat ko siya bigla papuntang kusina dahil may naamoy akong pagkain, ang ingay ni Mj kakasigaw at ang galaw-galaw pa niya ihulog ko kaya siya haha, para namang kaya kong gawin no "kuya ibaba mo na ako diba mabigat ako!!" Sigaw niya, pero hinayaan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa kitchen at tama nga ako kasi, nagluluto si mama ng breakfast, niyakap agad namin siya tapos hinalikan
"Goodmorning mama kong maganda!" Sabi ko
"Goodmorning mama kong napakasweet" sabi naman nito ni Mj tignan mo to di talaga nagpapatalo
"Mama where's dad?" I ask
"Baka tulog pa, kasi kakadating lang niya kaninang madaling araw galing sa tagaytay nak" sabi ni mama
"Eh ikaw ma, kamusta ka?" Nagulat yata siya sa tanong ko kaya hindi siya nakapagsalita agad, palagi kasing nasa work si mama kaya minsan lang siya makapagluto ng breakfast namin, meron naman daw kasi si ate Gina
"Ah ako? Ayos lang naman ako anak, bakit moko natanong niyan?" Mama naman eh obvious na ngang hindi, tinanong ko pa kasi hindi rin naman siya aamin na pagod na pagod na siya
"Wala ma, I just miss you--"
"Ahem, ahem!" Biglang singit ni Mj
"Este WE MISS YOU pala ma" sabi ko nalang baka magtampo si Mj eh isip bata pa naman haha
"Okay kain na tayo, wala kasi akong work today nag leave muna ako ng ilang days masyado na kasi akong stress sa office, tsaka meron naman yung secretary ko para asikasuhin yung mga naiwan ko sa office na papers konti lang naman" mukha ngang stress si mama buti nalang at andito kami palagi para tanggalin yunv stress niya, stress reliever kaya kami *smile*
"Mama may sasabihin sana ako" sabi ni Mj, ano na naman kayang irerequest nito?
"Okay baby, ano yun?" Sambit ni mama na nakangiti
"Ma can you buy a pet for me, kahit na gift niyo nalang sakin yun ni daddy sa birthday ko, promise ko I will study hard and do things more better ma, tsaka magbebehave na po ako sa school, IF! you buy lang naman" sabi na nga ba eh, tsaka diniin pa talaga yung IF ah, seriously tsk
YOU ARE READING
DESTINY TRAVEL
Fiksi RemajaAko si Ken Ivan Mc V. Avalse at sa kwentong to hindi lang ako ang bida dahil madami kami, lahat nang mga kasali sa Tropang Travelers ay bida rito dahil kung wala kaming mga members ng grupo hindi magkakaruon ng tinatawag na Bida, dahil lahat kami ay...