Chapter 19 - the Truth

5K 163 84
                                    

''We are all broken, that's how the light gets in.''
- Ernest Hemingway

.

Thesa POV

Isang araw ang lumipas. Nandito lang ako sa unit nina Charles at Jazmine.

Okupado ko ang isang kuwarto sa unit nila. Gusto nga sana akong samahan ni Bes kanina ngunit sinabihan ko siyang okay lang ako dito at gusto ko lang munang magpahinga.

Ayaw ko rin namang makadagdag pa sa kanyang alalahanin, lalo na ngayong marami na naman silang mga projects sa HRC.

.

Hindi naman ako makakapasok sa unit ko dahil naiwan ko ang susi sa bag. Wala nga akong pera sa bulsa ko kahit pangload ay wala ako, pamasahe pa kaya papuntang bahay ni daddy para kunin ang duplicate key. Ano ba naman ito?

Pumunta pa ako ng Metro Wedding kahapon para kunin ang TF ko ngunit sabi ng Accounting ay naihulog na raw nila sa ATM ko. Paano naman ako makakarequest ng replacement kung wala din naman akong maipapakitang ID? Nasa bag ko lahat.

Mas lalo pa ngang sumakit ang dibdib ko nang makitang nai-publish na nga pala ni Jessa ang magazine na naka-feature ang proposal ni Mark sa akin.

Hawak-hawak ko pa ngayon ang isang kopya. Hindi ko na naman mapigilang mapaiyak habang tinitingnan na naman ang mga larawan namin ni Mark dito sa magazine.

Alam kung masakit na masakit na, pero talagang sadista lang siguro ako! Paulit-ulit mang nasasaktan ang puso ko'y hindi parin ako tumitigil sa kakatingin ng mga larawan namin.

Mahal na mahal parin kita Mark at sobrang namimiss na kita! Kasabay naman ng pagpatakan ng aking mga luha.

.

Maya-maya'y narinig ko na ang sunud-sunod na katok sa may pintuan. Pinahid ko ang aking mga luha saka tumayo narin ako at tinungo iyon.

Pagbukas ko ay nakita ko si Jazmine, napangiti pa siya sa akin habang ipinapakita ang hawak-hawak na mga paper bag, mga supot saka isang box.

"Hello Crying Lady!" ang bati pa niya saka hinalikan pa niya ako sa pisngi.

Bahagyang napasimangot naman ako, "Ikaw talaga Bes! Alam mo namang emo ako ngayon!"

"Hindi halata!" napatawa narin siya saka hinila na niya ako papalabas ng kuwarto.

"Kung may magha-hire lang sanang intsik sa akin Bes para umiyak sa burol ng namatay na pamilya, malamang ay kumita na ng malaki itong kakaiyak ko!" napangiti naring kumento ko.

"Pasado na ba akong maging crying lady sa burol Bes?" ngiti paring tanong ko sa kanya.

Hindi naman niya napigilang napahalakhak. "Sinabi mo pa!"

Ilang saglit lang ay nag-aalalang napatingin na naman siya sa akin. "'yan ang gustung-gusto ko sa'yo Bes, kahit na nga mabigat ang dibdib mo'y nagagawa mo pa talagang magpatawa."

Napatango naman ako saka tiningnan ang mga pinamili niya. "Nag-abala ka pa talaga Bes!" pang-iiba ko dahil baka maiyak na naman ako.

"Hindi iyan lingerie Bes ha, gaya ng ginawa niyo sa amin ni Charles noong gabing ikinulong niyo kami dito sa unit!" ngiti pang sabi niya.

Napapangiti narin ako ng maalala ang gabing iyon. Kahit pa nga'y nahuli kami ng papa ni Jazmine ay epektibo din naman eh. Nagkatuluyan pa din sila ni Charles. Sobrang pakipot lang kasi talaga itong si Charles.

Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon