Chapter 35 - the Break up

4.6K 141 13
                                    

"If you love someone, set them free. If they come back they're yours; if they don't they never were."
- Richard Bach

.

Thesa POV

"Ano ba'ng pinagkakaabalahan mo't napapansin kong araw-araw  ka ring umaalis ng condo at buong araw pang hindi makontak ang phone mo?" nagtatakang tanong ni Mark isang hapon nang muli na naman niya akong sunduin sa isa na namang boutique.

Halos isang linggo na akong pumupunta sa Sunriser ngunit hindi ko naman masabi-sabi sa kanya dahil ayaw kong panghimasukan niya ang mga desisyon ko.

Kapag office hours ay sadya ko talagang ini-off ang phone ko. At pagkauwian ay nagpapahatid na ako sa driver ni daddy sa mga establisimento saka doon na nagpapasundo sa kanya.

"Nabo-bored kasi kami ng mga babies 'heart at saka lagi ka namang on-duty sa HRC." pagsisinungaling ko at tahimik na akong pumasok ng sasakyan.

Pagkasara niya ay dumeritso na siya sa driver's seat.

Magpapa-enroll pa ako bukas para sa MBA. Kailangan kong paghandaan ang pagpasok ko ng Sunriser, na kahit sa pinakababang posisyon sa Marketing Department ay ayos lang naman habang pinag-aaralan ko pa ang mga proseso.

.

"Napakalalim ng iniisip mo." basag ni Mark.

Natigilan naman ako saka natauhan. Napakagat-labi ako at napatingin sa kanya.

"Diba dapat ang nalalapit na kasal natin ang uunahin natin?" kunot-noong patuloy pa niya. "Nag-abiso na pala ako kay Charles na huwag muna akong hahawak ng mga projects."

Oo nga pala ang kasal? Gosh, ang KASALAN? Napalingi-lingi na ako. Gusto ko 'ata munang unahin ang Sunriser at ang mga pangarap ko. Ang pangarap ni daddy.

"May dapat ba akong malaman sweetheart?" tanong niya habang titig na titig sa mga mata ko. "May tinatago ka ba sa akin?"

Ghad, mabubuko ako! Hindi pa naman ako magaling magsinungaling. Napababa ako ng tingin dahil hindi ko na matagalan ang tila nag-uusig na mga titig niya.

"Maglilihim ka na naman ba sa akin?" tila may pagkainip na tanong niya at hinawakan ang baba ko saka pinaharap sa kanya. "Tandaan mo, wala kang maililihim sa akin. Kaya bago ko pa malaman sa iba'y magtapat ka na ngayon pa lang..." seryosong sabi niya, na tumatagos sa kaibuturan ko. Puno ng pagdududa sa mga titig niya, na para bang nasa hotseat ako at ini-interrogate.

Tangka kong kunin ang kamay niya na nakahawak sa baba ko ngunit mas lalo pa niyang idiniin ang pagkakahawak roon. "Tell me now!"

"Bitiwan mo ako Mark, nasasaktan ako!" nasasaktang sabi ko.

Hindi naman siya umimik. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya sa akin.

Hindi ko pa siya nakitang magalit kaya nakaramdam ako ng matinding kaba sa aking dibdib.

Napabugtung-hininga na ako, "Nakapag-desisyon na akong magtatrabaho ako sa Sunriser." nauutal na amin ko.

Marahas na binibitiwan niya ang baba ko, "Nagdidesisyon ka na namang hindi muna kumukunsulta sa akin." may nagpipigil na sambit niya. "Hindi pa naman tayo naghihirap para magtrabaho ka. May gusto ka pa bang hindi ko naibigay sa'yo?"

Napalingi naman ako, "Isa lang naman ang gusto ko sa ngayon, ang huwag muna tayong magpakasal Mark!" mahinang sabi ko ngunit maging ako'y natigilan sa mga katagang lumabas sa aking mga labi.

Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi ko, na tila ina-absorb ang ibig kong sabihin.

Isang katahimikan ang naghari sa pagitan namin.

"Ano ba'ng nagawa kong kasalanan? May nagawa ba ako?" malungkot na tanong niya ngunit hindi na ako umimik pa.

Mabilis na niyang pinatakbo ang sasakyan at hindi na kumibo pa hanggang sa narating namin ang bahay niya.

.

.

.

.

"Mark palabasin mo na ako?" nagmamakaawang sabi ko kay Mark. Tatlong araw na akong nakakulong sa loob ng bahay niya. "Gusto ko ng umuwi."

"Makakalabas ka lang dito sa bahay kapag ikinasal na tayo at sa oras na maisilang mo na ang mga babies natin." sagot pa niya habang inilalapag ang dala niyang pagkain sa center table. "Kumain ka na!" utos pa niya.

Hindi na ako kumibo pa. Nahiga na lang ako ulit sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Simula noong araw na sinabi ko sa kanyang huwag muna kaming magpapakasal ay tuluyan na ngang nagbago ang mga pakikitungo niya sa akin.

Kung dati ay sweet siya at maalaga, ngayon ay ibang-iba na siya.

Hindi narin niya ako pinapalabas ng bahay at tuluyan na akong  ikinukulong niya dito sa silid.

Hindi ko na nga alam ang mga nangyayari sa paligid dahil kinuha narin niya ang phone ko.

Gusto ko na lang ang umiyak. Umiyak nang umiyak.

Alam kong nakakasama sa mga babies ang pag-iyak at ang hindi pagkain ng tama ngunit wala na akong pakialam.

"Kapag sinabi kong kumain ka'y kumain ka na!" nagpipigil na sabi niya at marahas na hinila ang kumot.

"Hindi mo ako mapipilit." salubong ko naman sa mga galit niya at naiinis na tinitigan siya. "Umalis ka na... hindi ako kakain hangga't hindi mo ako hinahayaang makalabas dito." nakipagsukatan narin ako ng tingin sa kanya.

Nagtitimping napatayo siya at napalapit sa bintana. "Saan ba ako nagkulang?" may hinanakit na tanong niya.

"Ang pagkakaalam ko'y ginawa ko naman ang lahat na alam kong makakabuti sa atin. Pero may kulang parin?" patuloy pa niya.

Hindi naman ako nakakibo. Marami pa siyang itinatanong ngunit wala akong makapang isasagot sa mga katanungan niya.

Tuluyan na ngang pumatak ang mga luha ko.

Mapait na napatingin siya sa akin saka muling hinarap ang bintana.

Napatili ako nang nakita kong malakas niyang sinuntok iyon. Nabasag ang salamin at may mga dugong pumatak buhat sa kanyang kamao.

Sobrang kaba ang naramdaman ko at nakaramdam ako ng matinding takot. "Huwag mong saktan ang sarili mo Mark. Ako na lang!" ang naiiyak kong sabi saka napatayo ako.

Nanginginig ang mga tuhod ko kaya naisandal ko ang aking likuran sa walling.

Walang tigil sa pagpatakan ang aking mga luha.

"Kumain ka na dahil ayaw kong may mangyaring masama sa mga anak ko." walang emosyon niyang utos at tinungo ang pintuan.

"Ipahahatid na kita..." huling katagang binitiwan niya saka pinihit ang lever at tuluyang lumabas ng silid.

---------------------------------------------

Please don't forget to press the star and leave a comment!
Thanks a lot! Lovelots! 💖

-NyllelaineNyeNight

Be Mine!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon