"One Last Time"
Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko sa kanya, nakatingala lamang ako sa kanya at sinasalubong ang mga tingin niyang di ko mabasa ,tumayo ako upang magpanatay kami, tangka ko nang babaliwalain ang kanyang sinabi ng hapitin niya ang aking braso,
"Avoiding again??? Hanggang kailan ka ganito?, hanggang kaylan mo ako sisisihin sa pagkawala ng kapatid mo??",
Hindi ako kumibo at tahimik lang na itinago ang emosyong kumawala sa aking sarili, binaklas ko ang kamay niya sa braso ko at tangka nang ng tatalikuran siya ng magsalita ulit ito,
"Ano pa ba tayo???, tayo pa ba???, o ako lang ang nag'iisip na tayo pa? ",
Doob na kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan,
"Ano ba Adrianne!!!, kausapin mo ko, harapin mo ko please!!!",
Naramdaman ko nalang na asa harapan ko na siya at pilit na inaangat ang aking ulo upang masalupong ang mga titig niya, pinahid niya ang aking mga luha gamit kanyang mga labi,
"Sssshhhh!!!!, please stop crying Bheb, i don't wanna see you cry because of me, it kills the ass of mine",
Bumaba ang mga labi niya pababa sa aking labi at walang sabi sabing hinalikan ako, nung una banayad lamang iyon hanggang sa naging mapusok ito, halik ng pangungulila, pagnanasa yun yung naramdaman ko habang tinutugon ko ang ang bawat paggalaw ng kanyang mg labi, di ko na naisip kung nasa sementeryo man kami, na baka may makakita sa amin basta alam ko sa sarili ko na mahal ko ang lalaking ito , and God's knows how much i miss his touch and kisses on me, siya na mismo ang kumawala sa halik na sinimulan niya,
"Please Nally, ayosin natin to",
Umiling ako sa kanyang sinabi, di ko alam, di ko alam ang gagawin ko, ang isasagot sa kanya, oo mahal ko siya pero sapat na ba yun?, sapat na bang mahal ko siya para kalimutan ang lahat?,
"Anong ibug mong sabihin?"
"Di ko alam, di ko alam! ",
"Paanong di mo alam?, Nally what do you mean??",
"Di ko alam Chris, di ko alam kung kakayanin ko, masyado pang masakit ang lahat para sa akin",
"Nally please, don't say that kaya pa naman natin di ba?, kakayanin natin it's just a trial para sa atin",
"No, no, no, Chris ayokong maging unfair sayo, ayokong maikulong ka kita sa isang sitwasyong walang kasiguraduhan, i don't know kung kaylan ako magiging ok, kung magiging ok nga ba ako, kung kakayanin ko bang kalimutan ang lahat, kasi sa tuwing nakikita kita naaalala ko si Gavin",
"Are you telling that it's over??!!",
Hindi ako sumagot sa halip ay isinubsob ko ang aking kamay sa aking mukha at doon humagulgul, ilang minuto ng katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa bago ko naramdaman na niyakap niya ako, sinubsob niya ang kanyang mukha sa balikat ko at naramdaman ko nalang ang pagbasa ng aking balikat indikasyong umiiyak ito, parang pinipiga ang aking puso na makita siyang ganito dahil sa akin pero wala akong magawa nilalamon ako ng galit, pangungulila at hinagpis sa mga oras na to, parang may sariling isip ang aking mga braso na yumakap pabalik dito na parang wala ng bukas, yun lang ang tanging bagay na kaya kong gawin ang yakapin siya,
"Ayaw na kitang mahihirap, ayokong makitang nasasaktan ka ng dahil sa akin",
Singhot lang ang tanging sisagot ko sa mga sinabi niya,
"Kaya kahit masakit, kahit ayoko gagawin ko parin dahil mahal na mahal kita Nally, Thank you, thank you sa ilang taon na minahal mo ko at minahal kita at patuloy kitang mamahalin, sa pagiging malaking parti ng buhay mo,
Doon ako kumawala sa pagkakayakap niya at tiningala ko siya, isang ngiti ang gumuhitbsa kanyang mga labi na kahit kaylan ay di ko pa nakikita, sari saring emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya na di ko mabasa,
"Mahal kita Nally ,tandaan mo yan, kaya gagawin ko to, please tumalikod ka, "
Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya, naguguluhang di ko alam o pinapaniwala ko lang aking sariling wala akong maintindihan sa mga nangyayari, ani ba ang gusto ko??, Pero kahit ganun naguguluhan man ay sinunod ko paring ang sinabi niya, nakatalikod na ko ng bigla niya akong iniharap at hinalikan ako ng walang pahintulot,
"Sa huling pagkakataon gusto kitang mahalikan, "
Sabi niya sa pagitan ng paghalik niya sa akin, pagkatapoz nun ay kumawala na siya,
"Sige na tumalikod kana",
Na siya ko namang sinunod, hindi sa gusto ko ang nagyayari pero siguro ito ang tama sa mga oras nato, masakit pero kaylangan kong kayanin,
"Maglakad ka at wag na wag kang lilingon please",
Kahit masakit, naguguluhan ay sinunod ko ang bawat salitang binibitawan niya, ang boses niyang nanginginig habang nagsasalita na alam ko kahit di ako humarap alam kong umiiyak siya at nahihirapan katulad ko, Mabibigat ang mga paang humahakbang ako palayo sa kanya, mga ilang metro narin ang layo konsa kanya ng pasigaw itong nagsalita,
"I love You, mahal na mahal kita Nally that's why I'm setting you free!, "
Doon ako natigilan at lalong lumabo ang aking paningin sa mga luhang nag'uunahang pumatak sa aking mga mata, tangka ko na siyang lilingunin ng magsalita ulit ito,
Please wag!!! Wag kang lilingon baka di ko kayanin, baka paglumingon ka ngayon magbago ang isip ko at di na kita kayang pakawalan, just keep on walking away from me,!
Gustuhin ko mang lingunin siya ay di ko ginawa, siguro tama na rin ito ang pakawalan niya ko, naririnig ko ang bawat paghikbi niya sa likuran ko, ang boses niyang umiiyak, nahihirapan. Pero bago ako nagpatuloy sa paglalakad nagsalita ako,
"Mahal na mahal din kita tandaan mo yan, kaya gagawin ko rin to, sana dumating ang araw ba mahanap mo yung taong mas hihigit sa akin ,yung taong di ka tatalikuran tulad ko, because you deserved the best, not like me, thank you, thank you for everything, thank you for
Letting me go
And for
Setting me free,
A/n:ayan na siya medyu maikli lang po sorry, sabaw na po utak ko, sorry din po kung natagal medyu busy lang,,
Salamat po sa lahat ng mga nagbabasa,, 😘😘😘
🍒
YOU ARE READING
LOVE between PAIN (The COPY1 Series 1)
قصص عامةShe used to believe in forever not until that day come,, Now how can she deal with the pain she's feeling right now,, when the person she love the most,,, was the reason why her brother died,, can she forgive the one she loved and believed again...