Friendzoned (Tagalog)

796 7 0
                                    

Freindzoned kung tawagin. Yung ang lapit mo sa kanya pero parang ang layo mo naman. Tipong kausap mo nga siya pero may limitansyon naman. Yung feeling na iiyak ka nalang tuwing gabi kasi di mo siya kayang abutin. Yung feeling na masaya ka pero bigla na lang mapapawi ang lahat ng kasiyan yun kasi nga hindi mo alam na may pagtingin nga ba siya sayo.

***

Dear Pablo,

Hi naalala mo pa ko? Uy. Oo ikaw! Dati tinatadtad kita ng chat diba? Hi/hello panga e. Tapos lagi mong sine-seen yung iba dedma, tapos like zone lang yung iba. Kahit konti lang mga reply mo umaasa parin ako kasi tanga tong puso ko e, sobrang gusto yung taong kagaya mo.
Tapos one time nag kita tayo tumingin ako sayo tapos nagulat ako kasi nakatingin ka sakin, parang sasabog yung puso ko sa sobrang kilig, syempre ako si tanga, umasa na naman. Naging kaibigan kita, sa bawat araw na nakakasama at nakakausap kita lalong lumalalim ang pagkagusto ko sayo.
Hanggang ngayon ikaw parin talaga e! Kahit ayaw na ng katawan ko at utak ko, yung puso ko hindi parin sumusuko sayo! Kasi alam mo ikaw kasi yung pinapangarap ko e, yung ramdam kong sayo ko na ibibigay buong puso ko. Kaso wala e meron kang ibang mahal, mahal mo pari sya kahit iniwan ka nya, naghahangad ka parin na bumalik sya. Oo nasasaktan ako pag nakikita ko sa mga mata mo ang sakit na nararamdaman mo.
Kahit na ilang beses mong sabihin na hindi mo na sya mahal, talagang sya pa rin eh. Kahit dedma lang sakin yun pero pag uwi ko umiiyak ako ng walang dahilan at walang karapatan.
Siguro nga ganito talaga ang buhay masasaktan ka muna bago mo maranasan yung gusto mong pagmamahal at bago mo mahanap yung taong pinapangarap mo.
Pero sana one time kapag gusto mo ng mag mahal muli? Pwede bang ako naman? Ako naman yung importante? Ako naman yung tatanungin mo kung nakakain na ba ako o hindi. Ako naman yung kakamustahin mo. Pwede bang ako naman ang alagaan mo? Ako yung ihahatid mo pauwi. Ako yung babaeng matatakot kang mawala sayo. Pwede bang ako naman? Ako naman yung mahalin mo? Pwede ba? Pero wag kang mag-alala, alam ko namang hindi mangyayari yun eh. Alam ko namang malabo. Pero alam mo namang tanga ako diba? HAHAHA. Ang tanga ko para umasa. Ang tanga ko na hilingin na ako naman kahit na alam kong SIYA lang naman yung importante para sayo. Siya lang yung taong mamahalin mo. Kasi ako? Ano nga ba ako sayo? HAHAHA. Kaibigan. Hanggang dun lang. Yun lang ako. Yun lang. 💔

Love,

Chanel

Short Stories (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon