CHAPTER 6

5.2K 111 5
                                    

HAPPY NEW YEAR! Yes, sinabi ko sa inyo na hindi ako magpost hanggang sa maka-20 votes ang chapter 5 pero dahil mabait naman ako at maganda (choz lang!) iponost ko na ang chapter na ito. May all of my readers have a Prosperous New Year sa Year of the Wood Horse! Weeeeeeeeeee! Enjooooooooooooooy!

-------------------------------------

“Aann, meron ka bang schedule today?” tanong ni Kiel sa kanya habang natingin siya sa mga damit na nakalagay na sa spare cabinet ng binata. Na-postpone kasi ang niyang pagbisita sa dating bahay sa QC. Tanghali na kasi at nagluluto na ang binata ng tanghalian nilang dalawa. The same day na napagkasunduan nila ang arrangement na ito ay nagsimula na itong alagaan siya and it was almost a week na ang nakakalipas.

It’s like playing house except calling each other sweetheart. “Yes, actually nung isang araw ko pa napagdesisyunan yun bago pa mangyari ang lahat ng kaguluhan kahapon,” sabi niya at kumuha ng limang summer dresses. Para sa kanya, ang weather sa Pilipinas kahit na nga ba hindi summer season ay napakainit dahil na rin lagi siyang nasa lugar na hindi mainit. “I’m not sure kung dapat kitang tanungin but I might as well ask you. Ano ang mas babagay sa akin?” sabi niya dito at ipinakita dito ang mga summer dresses niya.

“Hindi talaga ako experts sa mga ganyan but let me see it one by one then I’ll tell kung ano ang babagay sa iyo. Saan ba ang punta mo? You want a chauffeur?”

“Dapat yung summer dress na nasunog ang gagamitin ko but I need to look for another one, so I just need to have a little fashion show infront of you tapos tutulungan mo akong mamili?” na-excite na turan niya. One of her dream was to be a model kaya lang kinapos siya sa required height. “Pupunta sana ako sa dating bahay naming sa QC at bibisitahin ko na rin ang tita ko na natingin sa bahay na iyon,” sagot niya sa unang tanong nito then napaisip siya sa pangalawang tanong nito. “Bakit ihahatid mo ako?” She was hopeful dahil na rin sa napakaraming dahilan. Gwapo kasi ito at matikas plus the fact na baka mawala pa siya papunta doon dahil di na rin siya sanay mag-biyahe mag-isa papunta sa QC.

“Yes, tutulungan kita to find a suitable dress para makapunta at makadalaw ka sa QC and another yes, because I am your personal server at wala rin naman akong gagawin dito. I cleared all my schedules. Hindi pa naman kasi retired si Daddy so I asked for him to help me,” sabi nito and shrug.

“Okay, umpisahan ko na ang mini-fashion show ko!” excited na turan niya at lumakad na ito sa bedroom kung saan siya matutulog at nagbihis na. The first dress she wore was a mint Chloe mini dress made by Tricia Fix. Lumabas na siya at nakita naman niyang napalingon si Kiel.

“Hmmm…” tinitigan siyang mabuti nito. Mula ulo hanggang paa niya without even batting an eyelash at infairness, the way he looks at her ay parang trip niyang mag-full blast ng aircon. She turned around to hide her embarrassment at ng makaharap ay tumungo-tungo ito. “Can I see the other dresses first before I comment?”

“Sure!” sabi niya at nagmamadaling pumasok sa kwarto. She closed th door behind her while breathing heavily. Hindi niya kasi alam na naitigil niya pala ang paghinga simula ng tignan siya nito ng ganoon. Sumunod na isinuot niya ay ang belted mini bubble dress na kulay brown at lumabas na. As usual ay tumungo-tungo lang ulit ito kahit na nung lumabas siya wearing her collective tiered print dress niya at yung yellow and white strapless flutter dress niya.

It was her last dress at nawawalan na siya ng pag-asa. Mukha kasing walang gusto ang binata sa mga summer dresses na nadala niya dito sa Pilipinas. She wore a silk scarf-hem dress na ang kulay ay black and pink. One of her favourite dahil na rin sa may kulay itong pink, after all, she definitely love pink. She sighed and held her head high bago siya lumabas at nag-ala catwalk sa harap ng binata na ngayon ay nakaupo sa sofa na nakaharap sa kwarto niya. Tapos na kasi itong magluto ng lunch nila and the only thing that kept them from eating ay dahil wala pa itong napipiling dress niya.

KALMIA Series 1: Kiel's Story - Hotelier of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon