CHAPTER 5

5K 133 22
                                    

Clap! Clap! Clap! Wow! Napakagaling niyo my lovely readers! Ang bilis maka-17! Hahahaha! Yeheeeeeeeeeey! Anyways since nabibilisan ako sa proseso ay mas tataasan ko pa ang votes na required para mabasa ang next chapter...what about 20 votes? Hehehehe! Share, vote and comment guys! Love you all and enjooooooooooy!

=======================================

CHAPTER 5

“Ms. Janihim, Mr. Cristobal would like to have a moment to talk to you,” sabi ng magandang receptionist sa kanya ng makarating siya doon at sabihing magcheck out na siya. Napakunot ang noo niya, as far as she knows, tapos na ang paguusap about her matters kagabi at kahit naman ano pang sabihin ni Mr. Cristobal ay wala nang makakapagpabago pa ng isip niya na umalis sa hotel.

“Okay,” she said and shrugged. Wala na naman siyang gagawin kundi ang mag-travel saglit para makalipat sa ibang hotel. Sam emailed her last night sa hotel details niya. It’s a good thing na nakakuha pa ito ng room kahit na nga ba madalian ang pagbobook.

“Oliver will take you to Mr. Cristobals office,” sabi pa nito at biglang sumulpot ang dating bellboy na kumuha ng lugguage niya nung unang dating niya sa Hotel. Lumakad sila papunta sa golden elevator sa gilid ng ordinary elevator na ginagamit ng mga guest. She was amazed how nice it was in that elevator at iisang numero lang ang nakalagay doon. Oliver pressed that number at tahimik silang tumaas papunta sa lugar kung saan sila mag-uusap nung Mr. Cristobal na iyon.

“Ms. Ja—.”

“Aann, remember? Kung sana kasing ayos ng serbisyo mo ang ibang serbisyo dito sa hotel ay baka di na ako umalis na pinagsisisihan kong nag-book pa dito. Keep up the good job, Oliver,” sabi niya naman and gave him a sweet smile.

Napangiti naman ito at tumungo. “Anything for this hotel’s guest, Aann, atsaka ayaw kong mawalan ng trabaho kaya naman ginagawa ko ang lahat to do great in my job,” sabi nito at lumabas na ito sa elevator. “This way, Aann, Mr. Cristobal is waiting for you at his office.”

Yun lang at lumakad na ito at kumatok sa nag-iisang pintuan doon sa floor na iyon. Narinig nilang may nagsabi ng ‘come in’ kaya naman binuksan iyon ni Oliver. Isang napakagandang office-slash-condominium ang bumulaga sa kanya. If only she got this room, then maybe mag-iba pa ang isip niya at dapat nasa package si Kiel Cristobal. Napangiti siya sa iniisip.

“Have a sit, Ms. Janihim,” sabi ni Kiel. Hindi niya namalayan na nakaharap na pala ito at wala na si Oliver sa office nito. Umupo naman siya sa upuang itinuro nito habang ito ay abala sa paggawa ng kape nito. “Would you like coffee, tea or juices?”

Wala bang ibang optiong like…you? Napangiti ulit siya sa kabaliwan ng isip niya. “Coffee would be lovely,” sabi niya dito at nakita niyang naglabas ito ng isa pang cup para sa kanya. Natutuwa naman siya sa nakikita. Eventhough, the only man in the room was the owner, ay wala ito ni isang assistant na nakapaligid dito at ito pa ang gumagawa ng kape niya na pwede namang ipagawa kay Oliver bago ito umalis.

Pinanood niya ang bawat galaw ng binatang nasa harap niya. Mula sa paggalaw ng kamay, daliri, ang sexy body nito at syempre and yummilicious na… ahem! Ang mga mata, Aann, tanggalin sa pang-upo at tumingin ka sa iba! Saway ng kabilang bahagi ng isip niya. Gusto na niyang mapabungisngis kung hindi lang niya inaalala nab aka kuwestiyunin ng binata ang kanyang mentalidad lalo na at nagcomplaint ito sa hotel.

Nagulat na lang siya ng mailapag nito ang kape sa lamesa sa harap niya at umupo naman ito sa upuan na katapat niya. What a nice view! Woot woot! She can’t believe how easily can this man take her concentration. She’s so proud of herself lalo na kung concentration ang pag-uusapan. As a varsity player in her school days ay kailangan talaga ng concentration.

KALMIA Series 1: Kiel's Story - Hotelier of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon