CHAPTER 3

5.9K 144 4
  • Dedicated kay Apple Roquero
                                    

ANG BILIS NAMANG MAKA-15. hahahaha! Okay, enjoy the next chapter!

NOW, medyo taasan ko ng konti ang otes! hahahaha! Para mas matagal. :P

Mga...17 pong votes  and next chapter! GOODLUCK! Share it, and vote it! I love you guys!

“KYAA! Gwapo talaga, Aann? From one to ten, ten pinakamataas, saan siya nababagay?” kinikilig at excited na tanong ni Samantha sa kanya.

“Definitely a tenner!” natatawa niyang turan dito. As soon as matapos niya ang pagkain ng pasta, na infairness super sarap, ay tinawagan niya kaagad si Samantha sa mga nangyari sa kanya at sa pagkikita nila nung Kiel Cristobal na iyon. Sa sobrang pagka-mesmerize niya nga sa binata ay natagalan siyang makabawi sa shock at nakasagot sa binata. It was a good thing na on time ang pagkakabawi niya doon at nakausap pa ng medyo matagal ang binata. Actually, narinig pa lang niya ang boses ng binata ay may kung anong epekto na ito sa kanya na ikinapagtataka niya.

“Sabi ko na nga ba at tama ang gut feeling ko na i-book kita sa JAC Hotel eh! Narinig ko ngang napaka-gwapo ng anak ng may-ari! Wait lang, mag-eempake na ako! Iiwan ko na itong si Scott dito dahil gusto ko ring makita ang tenner na Kiel na iyan!” sabi pa nito sa kanya at tumili ulit. She literally needed to pull her ears out of her cell para lang ma minimize ang ingay sa kabilang linya at natatawang ibinalik niya ang cellphone sa tenga.

“Siraulo ka! Huwag ka na pumunta dito! Di kita kailangan dito para lang agawan ako ng pinapantasya!”

“Sows! Alangan namang aagawan kita eh I am so happy with Scott no! Ang gusto ko lang makita talaga yang gwapong may-ari na pinapantasya mo para makilatis,” sabi nito at bumungisngis.

“Sows, di ka ba naniniwala sa taste ko? Sinabi ko nan gang 10 out of 10 siya eh.”

“To see that handsome view is to believe, Aann! Nakakatampo ka ha! Nung magkakilala kami ni Scott, kinilatis mo siya, now, ako gusto kumilatis ayaw mo naman,” kunwari ay nagtatampong turan nito sa kanya.

“Ang arte mo, Sam, hindi bagay sa iyo! Yuck! Sige na at lumipad kayo dito ni Scott as soon as ma-arrange niyo ang flight niyo,” sabi niya dito. Miss na rin naman niya ang kaibigan-sister-assistant niya e.

“As soon as makakuha kami ng tickets, makikita mo kaagad ako diyan! O siya at mag-beauty rest ka na! Madaling araw dito eh ginising mo pa ako,” natatawang turan na nito bago humikab.

“Akala mo naman di ka na-excite sa ibinalita ko at nagrereklamo ka pa. Sige kapag may magandang nangyari sa akin dito with that Kiel ay di ko sasabihin sa iyo!”

“No! Kahit pa kakukuha ko lang ng tulog ko, sasagutin ko lahat ng tawag mo kapag tungkol sa Kiel na iyan ang pag-uusapan natin at hindi ang mga bad things na nakikita mo sa hotel na iyan.”

“Tse! Kapag may ikukwento ako, mapa-Kiel man or hotel, dapat sagutin mo!”

“Oo na po! Sige na at matutulog na ulit ako. Ciao,” sabi nito and ended the call.

Actually, kanina ay badtrip talaga siya doon sa Jasper, if she didn’t ask kung anong uri ng pasta and started eating it ay baka nasa hospital na siya. One of the things she hate ay ang mga incompetent food servers lalo na at may allergy siya. It’s a good thing at nagpunta ang manager to sort it out or malamang na magrereklamo siya simula sa under decorated na hotel mula sa incompetent staff ng mga ito. Naawa nga lang siya sa waiter na iyon dahil baka mawalan ng trabaho. She knew how hard to be a newbie dahil naging newbie rin naman siya before she reach her spot as Louise Margaret. Kapag may ,amgyaro

Napangiti siya dahil naalala na naman niya ang gwapong mukha ni Kiel Cristobal. Indeed, his a looker—a god-damn looker and one of the sexiest man she ever saw. Muntik na nga siyang maglaway kung hindi lang siya sanay na makakita ng mga gwapong mukha. Natawa siya dahil mukhang napadaldal siya ng husto, meaning, hindi niya talaga napigilan ang sarili niya dahil doon. Kaya pala napansin niyang mas marami ang mga babaeng employee sa hotel kaysa sa lalaki.

KALMIA Series 1: Kiel's Story - Hotelier of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon