BoyGirl [4]

187 6 0
                                    

Sorry kung super fast ang storyline. Short story lang po kasi eh. :(( Basta lalagyan ko nalang ito ng bonus chapter, pramsi. Ay mali, wrong spelling/ Promise pala. XD

===

Francis's Point Of View

Bwisit.

Nakakainis. SILA NA PALA ULIT. Para lang akong tanga! Umasa pa ako. Tang na moo!

Pwes, kung ayaw niya saken, dapat ayawan ko 'din siya. Dapat, mutual ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Hindi naman pwedeng siya lang yung masaya. Na ako lang yung laging nagpapakatanga sa kanya. Ako nalang ba laging masasaktan?

Nagbago na isip ko. Hindi na siya yung ipapakilala kong babaeng nagugustuhan ko sa lolo ko. Ayaw ko na. Susuko na ako. Magmomove on na ako.

"Hey Francis!" tawag ni Nina sa akin. Ang saya ng boses niya. Para bang may naalis siyang isang malaking tinik sa lalamunan niya. Siya yung babaeng lapit ng lapit sa akin kahit hindi ko pinapansin. Mula pa 'to nung first year eh. -________-

"Bakit?" tanong ko na walang pakealam at patuloy pa sa paglalakad.

"Wala lang, masama bang maging proud sa sarili ko? Tara? Ititreat kita ng starbucks! Good vibes ako eh." sabi niya pa sabay cling sa braso ko. Kung makaasta, amp!

"Busy ako."

"No! Kailangan mong sumama, your presence is a must!" Umakto siya na parang hinihila hila pa ako. Hindi naman ako kaya. Napa-iling nalang ako.

"Eh sa ayaw ko nga." Kulit nito! ._.

"Tsh, hindi ito date, don't worry."

"Oo na! Sasama na!" guguluhin niya lang ako at hindi tatantanan kung hindi pa ako papayag. Magaling mang-epal to eh!

Ngumisi nalang siya ng pagkalaki-laki. Napakababaw talaga ng kaligayahan nitong babaeng 'to! Bahala na! Kailangan ko ring makalimot.

"O? Akala ko ba, starbucks? Bakit andito tayo sa bar?" Takang tanong ko. Menor de edad pa lang kami, siguradong hindi kami papapasukin.

"Let's celebrate! May bagong tagumpay na naman kasing nangyari sa buhay ko."

"Tssss. Hindi tayo makakapasok."

"Ano ka ba, wala ka bang tiwala sa charms ko?"

"Wala." maganda naman siya, oo. Pero wala pa'rin sa kalingkingan ni - Aish.

"Tss. Pasalamat ka,.. ano kita. Kundi baka nasapak na kita. Engot mo, hindi ito bar, restaurant ito. Pam-bar lang yung design sa labas pero pagpasok mo, desente talaga yung lugar na 'to." sabi niya. Aba! Bakit ako magpapasalamat? Pero anyway, libre naman mangarap.





"Magandang gabi, ma'am Nina, boyfriend niyo po?" bati nung guard, aba teka, mam daw? Ano sya? Boss?

"Ahm.. Malapit na po kuya guard. *chuckles*" Ano daw? Malapit na? Di kaya may gusto sya sa akin? Aish! Pumasok na kami. At tama nga sya, ang ganda! May mini garden pa yung resto, nakakarelax yung ambiance, ang sarap pakinggan ng music nila. May orchestra pa sa harap.

"Uy, teka lang, CR lang muna ako." paalam ko kay Nina.

"Oh sige, hanapin mo nalang table natin maya.'' Tumango ako.


*Insert ringtone here*

Tumawag pala si lolo.

"Lolo! Kamusta po?"

"Oh, apo. Bukas na ang kaarawan ko ah. Naimbita mo na ba siya?"

Boyfriend-Girlfriend Thing [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon