《Chapter 2》

4.6K 184 17
                                    

Chapter 2: Ms. President

"Very well. Let's vote"

Ano daw? Kailangan talaga mag vote? Hindi ba pwedeng siya nalang? Bago pa lang kasi ako dito eh.

"The table is now open for the nomination of the position for the class president."

Taasan ng mga kamay.

"I respectfully nominate Andrew Reyes." sabi nung isa kong kaklase. Lahat naman nag si palakpakan.

"I nominate Alyssa Chu!" alok nung isa pa naming kaklase.

"I close the nomination." sabi nung ka tropa ni Andrew.

Nag taas ako ng kamay. "I second the motion."

"Who is in favor for Andrew Reyes?" Madaming nag taas, kasama na ako doon. Halos mga girls at yung ka tropa ni Andrew.

"Who is in favor for Alyssa Chu?" Halos nag taas ay yung mga boys at konting girls.

Andrew-22 votes
Alyssa-22 votes

It's a tie...

"Class, forty-four lang ito pero forty-five dapat kayo, sinong hindi nag taas?" walang nag taas. Ano to pahirapan?

"Anybody?" alok ulit ni miss.

Nagtinginan kami ni Andrew at nag nod siya. Bigla nalang niya tinaas yung kamay niya.

"Ma'am, I vote for Alyssa Chu." sabi niya ng may tono na may pagka seryoso. Bakit ako pa?

Inencircle ni miss yung name ko at nagsulat sa gilid nito na President at sa tabi naman nung kay Andrew ay Vice President.

"Whoo!"

"Ang galing mo naman Alyssa!"

"May bago tayong president!"

"Congrats!"

Nakalbit yung likod ko, nashake paulit-ulit yung kamay ko at natap ang balikat ko sa pag congrats nila saakin kahit alam ko na hindi ko yon deserve.

Pagkatapos noon ay nakita ko na nakapalibot yung mga Mr. Arrogants kay Andrew.

"Bro, bat nagpatalo ka?"

"Bakla mo talaga."

Hindi nakatingin si Andrew sa kanila dahila nakatingin siya sakin. Nag congrats nalang siya ng mahina at nag reply naman ako sa kanya ng salamat.

"Congratulations to our new Prsident, Alyssa Chu!"

Palakpakan.

Nakita ko naman na ang sama ng tingin nung mga ka tropa nila Andrew sakin.

Lumapit ako sa kanila, "Problema niyo?"

"Ikaw." sabi nung pinaka maliit sa kanila.

Wow, maka maliit ka diyan, mas matangkad nga siya sayo eh.

"Talaga?" pabebe kong tanong sa kanila.

"Ay hindi man. Kakasabi nga lang eh." sabi nung kasama nilang matangkad na may dimples.

"Alam ko."

"Buti naman alam mo." sabi nung lider nila.

"Kaka sabi nga lang diba? Kailangan ulitin?" mataray kong tanong sa kanila.

"Edi shing." sabay flip hair at balik pwesto.

"Maka shing naman 'yun." sabi nung maliit boy.

"Guys, bayaan ninyo na siya. She deserves to win." pakiusap ni Andrew.

"Ewan ko. Maiwan ka na nga diyan." sabi nung kasama niyang naka shades at kanina pa tahimik.

Umalis na yung mga Mr. Arrogants sa tabi ni Andrew at lumapit sakin.

"Congrats, Alyssa. Alam ko naman na mananalo ka kasi pagod na din ako maging prsident. 6 years straight ako naging president mula grade school hanggang last year. Alam mo naman kung gaano ka bigat yung trabaho bilang leader ng klase."

Aww. Ang kyut-kyut ni Andrew habang nag rant siya.

"Wala yun. Congrats din pala." ngiti ko sa kanya. "Bakit iniwan ka nung mga iyon?"

"Ahh. Ba malay ko. Lagi naman silang ganyan eh. Mamaya babalikan ka din nila." Ang bait bait niya!

Biglang bumukas ang pinto.

"Drew! Maglilibre daw si Jerome--" natigil yung lider nila sa pag sasalita dahil nakita niya kami.

"Huy, Josh. Bayaan mo na sila." sabi ni maliit boy.

"Wag ka nga makialam diyan Jerome!" sigaw nung Josh yung pangalan.

"Anong wag? Nakita mo na may ginagawa sila eh." patol ni Jerome.

"Ganoon ha?" sabi ni Joshua habang sinuntok si Jerome. Natumba ito at tinuloy sa pagsusuntok sa kaibigan. Sinusubukan na din siya pigilan nila Evan at Matthew.

"Bro, easy lang."

"Okay ka lang Jerome?" tanong nung lalakeng naka shades. Georg ata name nun?

Biglang tumayo si Andrew, "Sasama na ko sa inyo."

"Siguraduhin mo lang." sabi ni Joshua na may masamang tingin pa saakin.

Hindi lang siya, lahat sila.

7 Arrows 1 Target [HIATUS]Where stories live. Discover now