Chapter 2

18 2 0
                                    

"Happiest day"

Sophia's P.O.V

Habang naglalakad kami ni Tristhan sa corridor ng University, nararamdaman ko pa din ang matatalim na tingin ng mga babaeng desperada at plastik sa'kin.

As if naman na papatulan ko sila.

Bakit pa? Eh ako naman ang pipiliin ni Tristhan kahit na anong mangyari. Hangin lang sila para kay Tristhan. 😏

Akala ko titingin na lang ang mga babae sa'min habang naglalakad kami palabas ng University, hindi pala.

Biglang may humila sa'kin paalis sa tabi ni Tristhan.

Tiningnan ko kung sino yung humila sa'kin.

-_-

Mga alipores ni Janice.

Nung tingnan ko si Tristhan, na sa harap na niya si Janice.

Hinila ako nung mga alipores ni Janice sa may mga lockers at nagtago kami dun.

Tinakpan pa nila bibig ko. -_-

"Hi, Tristhan!", malanding sabi ni Janice.

Yuck!

"Ako si Janice, yung nasa School Cafeteria kanina?"

Gusto kong tumawa ng malakas dahil dada siya ng dada dun kay Tristhan na hindi man lang umiimik.

"Hey, pipi ka ba?"

Nagulat ako nung kumunot bigla ang noo ni Tristhan.

Patay! Naiinis na siya!

Nakita kong natingin-tingin na din siya sa paligid, hinahanap na siguro ako. 

"Where's Sophia?" sabi nito kay Janice.

"Haha, hindi ka naman pala pipi eh." sabi ni Janice na hindi manlang pinansin ang tanong nito habang tinetrace niya ang braso ni Tristhan. Aba sobrang naiinis na talaga ako sa kaniya.

Pero hindi nagtagal ang kamay nito dahil biglang inalis ito ni Tristhan.

"I'm asking you, where is Sophia?" may halo ng pagbabanta ang boses nito.

Malapit na talaga ako humagalpak ng tawa dito dahil halata sa mukha ni Janice ang takot kay Tristhan at ang pagkainis niya sa akin ng lumingon siya sa direksyon kung nasaan kami ng mga alipores niya.

Ng nakita ako ni Tristhan ay mabilis siyang lumapit papunta sa akin. Pati ako natakot na din sa kaniya at kahit sino siguro matatakot sa kaniya dahil sa aura niya ngayon. Hindi ko pa pala nasasabi, ang best friend ko ay mabilis magalit at ayaw na ayaw niya ng pinapakialaman at inaagaw kung ano ang kaniya. Pero sanay na naman ako sa kaniya at ako lang ang pwedeng gumawa ng mga ayaw niya sa kaniya, dahil wala naman siyang magagawa eh haha mahal ako niyan eh.......... Syempre bilang BEST FRIEND.. Hayyyy 😔😔

Pero iba talaga ang aura niya ngayon. Tinitigan niya ng masama ang mga alipores ni Janice kaya naman binitawan nila ako. Hinila na ako ni Tristhan palapit sa kaniya, tapos tinalikuran na sina Janice at pumunta na kami sa may parking lot.

Tahimik lang na nagmamaneho si Tristhan. Simula pa kanina ay hindi ko na siya narinig pang nagsalita pagkatapos ng ginawa nina Janice. Galit pa ata siya. Kainis naman kasi sina Janice eh..

"Ahmm Tris, san tayo pupunta?" biglang tanong ko sa kaniya. Lumampas na kasi kami sa subdivision na tinitirhan namin.

Nilingon niya ako, pero saglit lang ito at tumingin na ulit sa daanan.

"San mo ba gusto?" cold na sabi nito. Pero ayos lang atleast kinausap na niya ako.

"Uhmm sa favorite place na lang natin hehe" sabi ko sa kaniya... At ang favorite place namin na sinasabi ko sa kaniya ay ang Park:-):-).

"Namiss ko to." sabi ko habang tumatakbo pa papunta sa may swing.

"Bakit, hindi ka na ba madalas pumunta dito?" tanong niya habang umuupo sa may katabing swing na inuupuan ko.

"Simula nung umalis ka dati para mag aral sa ibang bansa, hindi na ulit ako pumunta dito. Kasi baka mas lalo lang kitang mamiss non kapag pumunta ako dito." sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

Namiss ko talaga ang best friend ko. Napansin niya ata na medyo nangingilid na ang luha ko kaya napangiti siya. Tsk, naiiyak na nga ako dito, nginingitian pa ako. Kaya inirapan ko, tumawa naman siya, kaya napangiti na rin ako kasi namiss ko yung tawa niya eh.

Bigla siyang tumayo at pumunta sa may harapan ko. Tumingala ako para makita ko siya. Tapos bigla niyang nilahad yung kamay niya sa akin. Inabot ko naman ito at tumayo. Maya maya pa ay niyakap niya ako.

"I'm sorry, ngayon lang ako nakabalik at sorry din dahil hindi manlang ako nagparamdam sayo nung nasa ibang bansa ako." binulong sa akin.

Kaya naman tuluyan na akong naiyak habang yakap yakap niya.
7 years, ganong katagal ang nakalipas nung umalis siya tapos ni hindi manlang siya nagparamdam sakin akala ko nakalimutan na niya ako.

"Kainis ka." sabi ko sa kaniya habang umiiyak. "Kala ko kinalimutan mo na ko." tapos hinahampas ko pa siya.

Tawa naman siya ng tawa. Kaya ko siya hinahampas ng hinahampas. Pinusan niya ang mga luha ko, habang halatang nagpipigil lang siyang tumawa ulit, kaya naman hinampas ko ulit siya.

"I'm sorry again." bigla siyang naging seryoso. "Iyon kasi ang naisip kong paraan para tumagal ako kasama ng pamilya ko don. Kasi I'm sure na kapag nakita ulit kita kahit sa picture mo lang hindi na ako magdadalawang isip pa at babalikan kita." ngumiti siya. Kaya naman napangiti rin ako.

"Am I still your best friend?" tanong niya.

"Ikaw lang naman ang nag iisa kong best friend eh, hanggang ngayon."

"Good." sagot niya.

Maya maya pa dahil dumidilim na ay napagdesisyonan na naming umuwi.

Pagkarating namin sa bahay ay nakita ko sina mommy sa may living room kasama ang magulang ni Tristhan.

"O iha, bakit ngayon lang kayo?" tanong sakin ni mommy. Kiniss ko naman siya sa pisngi.

"Namasyal lang po kami ni Tristhan"

"Tristhan ang tangkad mo na" bati sa kaniya ni mommy at niyakap siya ni mommy.

Habang ako naman ay yakap yakap ng mommy ni Tristhan at nagkakamustahan. Super close kami ni Tita Trisha at sobra ko din siyang namiss, pati na din si Tito Patrick. Ang mommy ko nga pala at ang mommy ni Tristhan ay mag best friend simula pa lang nung elementary sila kaya simula bata pa lang ay magkakilala na kami ni Tristhan.

Habang nagdidiner kami ay nakita ko si kuya na pababa ng hagdanan, bagong gising ata. Ang cute naman ng kuya Stephen ko haha kahit laging nakapoker face.

"Kuya!" sinalubong ko kaagad ito at kiniss sa pisngi. Napangiti naman ito. Haha kahit na cold si kuya makitungo sa iba ay sweet naman sakin yan at super close din kami nan.

Kinamusta lang nina tita si kuya at naghigh five lang sila ni Tristhan.

Matapos namin mag dinner kanina ay hindi na rin nagtagal ang mga magulang ni Tristhan at nauna nang umuwi sa kaniya.

Nasa may tabi kami ng kotse ni Tristhan at pinagmamaadan namin ang mga bituin sa kalangitan.

"Tristhan magpahinga ka na muna, gabing gabi na. Alam ko namang wala ka pang pahinga simula kanina." tinitigan niya ako saglit.

"Okay. Susunduin kita bukas, sabay tayo pumasok." Nginitian niya ako at... Hinalikan niya ako sa noo tulad ng palagi niyang ginagawa dati tuwing uuwi na siya..:-):-):-):-)

"Bye!" pumasok na siya sa kotse niya at hinintay niya muna akong makapasok sa gate namin bago umalis.

Hayyy.. Ito na ang pinakamasayang araw ko..:-):-):-) sa wakas kasama ko na ulit ang best friend ko.

Bago ako pumasok ng bahay ay tumingin ulit ako sa mga bituin sa langit. " Sana hindi na uli kami magkahiwalay" wish ko, na sana matupad...

*****

Nagising ako dahil sa nararamdaman kong sakit sa aking dibdib. Halos masuka na ako. Hindi ako makasigaw para humingi ng tulong sa mga kasama ko sa bahay. Maya maya pa nawalan na ako ng lakas, at hindi ko na alam ang nangyari....

END OF CHAPTER 2

When She Was GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon