Chapter 3

14 0 0
                                    


Stephen's POV

Nandito kami ngayon sa hospital dahil sinugod namin ang kapatid ko.

Nagising na lamang ako kanina dahil di ako mapakali. Lumabas ako ng aking kwarto at pupunta dapat ako sa may kusina ng may narinig akong parang umiiyak sa kwarto ng kapatid ko. Dali dali akong pumunta dito at nakita ko siya, sa may sahig, at namimilipit sa sakit. Bago pa ako makalapit sa kaniya ay nawalan na siya ng malay.

Sobrang nag aalala ako para sa kapatid ko.

Maya maya pa ay lumabas na ang doktor sa room niya at kinausap ang mga magulang namin, habang ako naman ay pinuntahan ang kapatid ko.

"Baby, bakit ayaw mo pa gumising? Ha? Naiinip na si Kuya dito oh." para akong tangang naka pout dito at kinakausap siya habang walang malay.

Maya maya pa pumasok na ng room ang mga magulang namin. Umiiyak si mama habang si papa naman ay malungkot ang mukha.

"Pa, anong sabi ng doktor?" tanong ko.

"Malala na daw ang sakit ng kapatid mo." sagot niya.

"At kapag hindi napaopera ito ay maari siyang mawala sa atin." dagdag ni mama, habang yakap yakap ni papa.

Napapikit na lamang ako habang hawak hawak ang kamay ng kapatid ko. Kung opera nga ang kailangan ng kapatid ko ay magaling na siya noon pa, kaso nga lang hindi namin siya mapapayag magpaopera dahil natatakot ito. Namatayan na kami dati ng ate. May sakit din ito katulad ng kay Sophia at namatay ito habang inooperahan. Kaya ang laki na lamang ng takot ng kapatid ko don, dahil ayaw niyang iwan kami. Ayaw niyang isugal ang natitira niyang araw para sa operasyon na wala naman kasiguraduhan.

"Stephen anak, alam kong ikaw lang ang pakikinggan ng kapatid mo maliban kay Tristhan kaya sana naman anak, mapapayag mo na ang iyong kapatid." pagmamakaawa ni mama sa akin habang umiiyak pa din.

"Susubukan ko po siyang kumbinsihin ma."

Umuwi muna ang mga magulang ko upang makapagpahinga si mama at makakuha na rin ng mga gamit ni Sophia. Dahil sabi din daw ng doktor na kailangan pa daw makapagpahinga ni Sophia ng 3 o mahigit pang araw dito sa hospital.

Kung itatanong niyo kung bakit wala dito ang bestfriend ni Sophia ay wala itong alam. Hindi nito alam na may sakit ang kapatid ko dahil ayaw ng kapatid kong ipaalam ito. Mahal niya ang bestfriend niya kaya hindi niya kayang maging malungkot ito pag nalaman niya.

Gumalaw ang kamay ng kapatid ko at maya maya pa ay dumilat na ito. Napangiti ako.

"Baby, kamusta na pakiramdam mo?" tanong ko sa kaniya.

"Medyo ayos na kuya." ngumiti din ito.

Bigla naman nanlaki ang mga mata nito.

"A-anong oras na?" gulat na tanong nito, pero halatang nanghihina pa rin.

"Mag-5 na ng hapon. Bakit mo naman natanong?"

Napa-pout ito at malungkot na napabuntong hininga. Ang cute talaga ng kapatid ko haha.

"Kasi naman eh, sabay kami papasok dapat kanina ni Tristhan eh." nanghihinayang sambit nito at ngumuso na naman.

Hahahaha gusto ko tuloy tumawa kaso baka lalong magtampo. Nakabusangot ba naman.

"Ano ba kuya.. Bakit parang natatawa ka pa?" ngumuso na naman ito at nilagay pa ang mga kamay nito sa bewang niya.

"Hahahahaha." at dahil don di ko na napigilan ang tawa ko. Ang sarap kasi niyang pagtripan, pikon kasi.

"Kuya naman eh.. Bahala ka nga diyan." at tinalikuran nga ako at nagtalukbong ng kumot.

"Haha hindi na nga eh. Titigil na ako. Baby, kausapin mo na si kuya." haha grabe na ang pagpipigil ko ng tawa.

"Ayoko, natatawa ka pa rin eh."

"Hahahahahaahaha.." dahil don natawa na naman ako..

Hayy sobrang saya ko talaga hindi lang dahil sa mukha niya haha kung hindi dahil ay umayos na ang pakiramdam ng kapatid ko. Sana hindi na muli ito maulit.

*****

Sophia's POV

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay puro puti lamang ang nakikita ko.

Hindi kaya patay na ako at nasa LANGIT NA? ⊙_⊙ Wahhh hindi pa pwede, hindi ko kayang iwan ang pamilya ko.

Habang unti unting nasasanay sa liwanag ang mga mata ko ay biglang may lumitaw sa harapan ko.

Nakangiti ito ng nakakatakot. Na akala mo'y mamamatay tao.

Sino to?? Napasigaw na lamang ako sa takot.

"Hey, Sophia bakit ka ba sumisigaw diyan?" inis na sambit ng kuya ko sakin. Wait, si kuya? Ahh so siya lang pala nakita ko akala ko kung sino na. Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na sinagot ang tanong niya.

"Hoy, ano nga nangyari sayo? Bakit ka sumigaw." tumingin naman ako sa kaniya bago sagutin ang tanong niya.

"Akala ko kung sino ang kaharap ko kanina, di kita nakilala." napatitig naman ito sa akin na para bang pinoprocess pa lang sa utak niya ang sinabi ko.

Maya maya bigla itong napangiti.

"Ikaw Sophia ha, di ko alam na kunwari pang nilalait lait mo ko pero napopogian ka rin naman pala sakin haha kaya ka napasigaw kanina." hayy napairap na lang ako sa kaniya. Bakit ba ang slow ngayon ng kuya ko.

"Buti nga sana kung pogi ang nakita ko pagkabukas ng mga mata ko eh, pero hindi eh, mukhang mamamatay tao." napatingin naman siya sa akin ng masama habang ako'y tumatawa. Haha i love his face, his face when got irritated.

"Ahh so kaya ka sumigaw dahil akala mo ay ako ay isang mamamatay tao." kunwari ay nag-iisip pa ako ng isasagot pero sa loob loob ko ay gustong guto ko ng tumawa.

"Uhmm parang ganon na nga." mas lalo naman siyang nairita sa sinabi ko. Kaya napatawa na lang muli ako.

Maya maya habang ako'y tumatawa ay nilapitan niya ako at bigla niya akong.............kiniliti.

"Haha kuya, stop it."

"Stop it? Ha?" pero imbes na sundin ang sinabi ko ay mas lalo niya akong kiniliti..


END OF CHAPTER 3

A/N: Hello guys.. Sorry matagal ako bago ulit nakapag update.. At sorry din kung short update lang ito.. Pero sana magustuhan niyo itong story ko.. Thanks😄😄😄❤❤

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When She Was GoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon