First Part

1.8K 20 0
                                    

HELLO READERS!!!

ANOTHER HORROR STORY AS PER MY READERS's REQUEST!

SALAMAT SA MGA NAGBASA NG BAKASYON PART 1 AND 2.

SORRY, HINDI KO NA ITINULOY ANG BAKASYON SERIES KAYA ETO, MAY PART 3 NA ANG BAKASYON!

SANA MAGUSTUHAN NIYO AT SANA MATAKOT KO KAYONG MULI.

NEW YEAR'S EVE NA AT BAGO MAG HIWALAY ANG TAON, NAIS KONG MAG SULAT PARA SA INYO.

 

12.31.13

============================================

 Copyright © 2010 by Hardie Westie Brawler

"ALL THE CHARACTERS IN THIS STORY HAVE NO EXISTENCE OUTSIDE THE IMAGINATION OF THE AUTHOR AND HAVE NO RELATION WHATSOEVER TO ANYONE BEARING THE SAME NAME OR NAMES.


THEY ARE NOT EVEN DISTANTLY INSPIRED BY ANY INDIVIDUAL KNOWN OR UNKNOWN TO THE AUTHOR, AND ALL INCIDENTS ARE PURE INVENTION. THANK YOU!"
++++++++++++++++

BAKASYON 3

"CATARINA"

BIYERNES NG HAPON, abala ako sa pag eempake ng mga damit at gamit ko.

Aalis kasi ako ngayon kasama ang barkada. Fiesta daw kasi sa probinsiya ng kaibigan naming si DINO. First time din daw niyang makakapunta doon. Sigurado akong magiging masaya ito dahil kumpleto ang tropa.

Tapos ko nang iempake ang mga gamit ko, nagsusuklay na ako sa harap ng salamin. Ang gwapo ko! LOL!

Siyempre dapat mabango din ako kaya naligo ako sa paborito kong pabango! Yeahhh, sigurado ako mai-inlove na naman sa akin ang Girl friend kong si AIRA!

Ayos! Konting pa-cute pa sa harap ng salamin, Basain ang labi at ipakita ang malalalim na dimples! :')

May kumakatok sa pinto.

"MIGS! MIGS!"

Si Mama pala. Pinag buksan ko siya.

Migs: Oh, Ma.

Natigilan si Mama ng makita niya ako.

Elsa: Aba, ang gwapo ng anak ko ah!

Migs: Naman! Mana ako sa inyo ni papa!

Elsa: Lumaki na naman ang ulo mong bata ka! Bumaba ka na dun at naghihintay na sa iyo ang mga kaibigan mo! Napaka bagal mong kumilos, ka lalake mong tao daig mo pa ang babae sa tagal mong mag ayos...

Nagtakip na ako ng tenga habang patuloy na nag sesermon ang napaka ganda kong mama na kahit nakalayo na sa kwarto ko ay patuloy pa rin sa pagsesermon. Haha, ganyan talaga ang mga nanay...

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Totoo nga, nandun na ang mga kaibigan ko.

Si Dino.

Si Kara.

Si Tonton.

Si Mia.

at siyempre ang mahal konng GF na si Aira.

BAKASYON 3 (CATARINA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon