Friendzoned

70K 2.2K 242
                                    

dedicated to her. Kinilig kasi ako sa Fifteen Days eh. Hahaha tsaka stalker niya ako sa tumblr. Lels. Hi pilosopotasya / Rayne :ppp

 ***

Hanggang dito nalang ba talaga tayo?

***

Breaktime na naman. At ayan na naman ang kantahan ng mga kaklase ko. Syempre nangunguna na dyan si Yuji. Isa siya sa mga naggigitara at sinasabayan naman ng mga classmate ko. Ako naman, patingin-tingin lang. Pangiti-ngiti.

 

“Just take my hand, fall in love with me again

Let's runaway to the place

Where love first found us

Lets runaway for the day

Don't need anyone around us”

Napasabay na rin ako sa pagkanta. Ang galing niya talagang maggitara. Ang ganda pa ng boses niya. Parang matutunaw ka kapag nakatingin siya sayo habang kinakanta niya yun. Maya-maya lang ay natapos na sila at nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan dahil parating na si Sir Solomon.

“Hay! Kapagod! Nakalimutan ko tuloy kumain,” sabi niya habang nilalagay niya yung gitara niya sa lalagyan.

“Masyado mo kasing naenjoy pagkanta eh.” Tinignan ko lang kung paano niya ilagay yung gitara niya. Oo nga pala, seatmate ko siya.

“Ang saya kasi eh. Hahaha!” tapos ngumiti siya na halos mapangiti rin ako dahil dun.

“Oh eto oh, may natira pa akong pagkain. Gusto mo?” Inabot ko sa kanya yung biscuit na hindi ko nakain dahil busog na ako.

“Uy! Salamat Rae! Ang bait mo talaga!”

At nagulat ako sa sumunod niyang ginawa. Pinisil niya yung ilong ko kaya napatalikod ako bigla. Baka kasi makita niya na namumula yung buong mukha ko. Nakakahiya naman yun di ba?

“Salamat ulit!” narinig kong sabi niya at alam kong nagsasalita siya habang kumakain. Tumango nalang ako at nakatalikod pa rin sa kanya.

Siya si Yuji Valera, isa sa mga kaibigan ko pero higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Mahal ko siya. Pero sino nga naman ba ako? Kaibigan lang naman niya ako. At hanggang doon lang ako. Alam ko yun. Friendzoned kung baga.

Yung hanggang kaibigan lang.

Yung hanggang doon nalang.

Yung may limit.

Halos araw-araw ay kumakanta siya tuwing breaktime. Iba’t ibang kanta. At nakakainis dahil tinatamaan ako sa bawat kanta niya. Kung pwede lang siyang batukan doon at sabihing, “Itigil mo nga yan! Panama ka masyado eh!”

 

Naiinis rin ako sa mga babaeng laging nakapaligid sa kanya pag tumutugtog siya. Palibhasa kasi maganda ang boses nila kaya nakakalapit sila sa kanya at sumasabay sa pagkanta niya. Habang ako, nakatanaw lang dito sa upuan ko.

“Natapos rin! Ang sakit ng kamay ko!” bumalik na siya sa upuan niya at bigla akong kinabahan nung nagkadikit yung balat namin. Parang may kuryente na dumaloy sa katawan ko.

Short Stories (Oneshots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon