"Hahaha! Putek! Hahahaha! Kuya di ako makarecover-- BWAHAHAHAHAHA! Love.. love at first talk? HAHAHAHA! Ang bading mo kuya!!"
Pasalamat siya at wala akong hawak na unan ngayon dahil kinuha niya lahat. Nyemas, kahapon niya pa ako inaasar eh. Mukha ngang di siya makarecover. Taena naman kasi, bigla-bigla nalang lumalabas yung mga kabaklaan sa bibig ko kahapon. Shit talaga.
"Kuya!!" gumapang siya papalapit sa akin. Oo, gumapang. Baliw yan eh. Nainsecure ata sa uod. -__- "Ligawan mo na si Karrisza dali! Sige ka, maraming nagkakagusto dun sa campus! Mamaya maunahan ka!"
Tinignan ko naman siya ng masama at hinawakan ko yung laptop ko na akmang ibabato ko sa kanya. At ayun, gumapang siya pabalik sa sofa. Buti naman. Tss.
"Napaka mo kuya! Tinutulungan na nga kita tapos babatuhin mo pa ako ng laptop?! Batuhin kita ng ref eh!!" tinignan ko ulit siya ng masama. "Sabi ko nga tatahimik na ako!!" umakyat na siya sa hagdan at mukhang magbababad na naman sa panonood ng kung anu-anong singkit na drama. Ah basta! Pero napatingin ako sa kanya nung tinawag niya ako.
"Kuya! 0917*******! Number yan ni Karrisza! Hahaha! Oh ano nakabisado mo? Sorry isang beses ko lang pwedeng sabihin. Bleeeeh!"
-___-
Baliw talaga yun. Aanhin ko naman yung 0917*******?-- Ampucha.. bakit natandaan ko? Nak ng.. Tsk. Maisave na nga rin, baka makaimutan ko bigla >_>
***
Ilang linggo ko na ring nakakatext si Karrisza at nakakatuwa lang dahil lumalabas na yung kakulitan niya. Naging close na rin kami at weekly kaming nagkikita dahil kay Xandra. Mga pakana niya sa buhay.
"Kuya ha! Bayaran mo dapat ako. Aba! Kundi dahil sakin eh wala kang landi life ngayon!" sabay lahad niya ng palad niya sa akin nung nasa SM kami. At wag ka, kasama pa namin si Karrisza nung sinabi niya yan. Walang hiya talaga. Binigyan ko nalang siya ng 100 para tumahimik na.
"Yes! Haha! Magaarcade akoooo! Babayuuuu! Magdate nalang kayo tapos sunduin nyo ko sa Quantum. Byeeee!" sabay takbo niya palayo sa amin. Sana masubsob siya. -__-
"Tara Xander! Ano.. ahh.. la..laro din tayo sa arcade! Ha..ha." bigla niyang hinawakan yung braso ko at nakitakbo rin siya kay Xandra. Ako naman, nakatingin lang sa braso ko.
"Xandraaaaa! Hintaaaay! >_<" Ang cute niya talaga pag nagpapanic. Hahaha. Hay, sana talaga magawa ko yung agenda ko mamaya. Taena kinakabahan ako. Pag ako pinahiya ni Xandra, siya talaga ang ishoshoot ko sa basketball ring mamaya.
Nagsimula na silang dalawa na maglaro. Ang una nilang pinuntahan eh yung sa basketball. Haha ang weak nila pareho! Hanggang second stage lang. Tsk. Pasalamat sila ayoko munang magpasikat ngayon. Baka mamaya maraming manood eh. Pucha, yabang ko. Hahaha.
Sinabihan ko naman sila na bibili muna ako ng pagkain at itext nalang nila ako kapag tapos na silang maglaro. Well, it's time...
********
BINABASA MO ANG
Short Stories (Oneshots)
Short StoryCompilation || Short/one-shot stories about love and life.