Pilantod

12 1 0
                                    

“Half Meant”

5…

4…

3…

2…

1…

“Happy New Year!” sabi nila mommy, kuya saka nila tito at tita. Yan. Di ko na naman mapigilan tong tears ko. Birthday mo na kasi bukas e. Sabi mo, sabay tayong magccelebrate ng 8th monthsary natin, ng New Year saka sabay din tayong magpprepare para sa birthday mo.

Bat ganun? Mag-iisang buwan ka nang wala sa piling namin, sa piling ko. The worst part is, namimiss na talaga kita. Bat ba kasi di ka nagpa-alam ng maayos. Binigla mo kaming lahat sa pag-alis mo! Alam mo bang para kong pinilayan sa ginawa mo? Alam mo ba kung gaano kasakit? Alam mo ba na hanggang ngayon, umiiyak pa din ako dahil wala ka na? Oo, nakikita nila kong ngumingiti pero it doesn’t mean na okay ako. Deep inside, namamatay ako! Sana alam mo yung mga pinagdadaanan ko ngayon.

Gusto kitang sisihin kasi, hanggang ngayon, di ko alam kung san mag-uumpisa. Natatakot ako sa tuwing gagawa ako ng move pa-abante. Natatakot akong humakbang nang wala ka sa tabi ko. Nasanay kasi ako na mula pagkabata ko, nasa tabi kita. Nasubaybayan mo yung paglaki ko kasi mas matanda ka sakin. Lagi mo akong sinasamahan sa kung saan ko gusto ko magpunta. Dinaig mo pa nga yung biological family ko kasi alam mo talaga saka kilala mo talaga kung sino ako.

Ako na laging maluwag ang damit.

Ako na maangas ang porma, yung tipong magkikipagbasag-ulo ba, pero kapag nilublob mo sa drum ng tubig, lumalabas ang kaliskis at palikpik.

Ako na pala-tawa.

Ako na pala-ngiti.

Ako na friendly.

Ako na malandi.

Ako na malibog.

Ako na moody.

Ako na magaling magpayo.

Ako na masayang kasama.

Ako na future architect.

Ako na sweet.

Ako na caring.

Ako na iyakin.

Ako na makulit.

Ako na mahilig sa pink.

Ako na mahilig manood ng porn.

Ako mahilig mang-asar pero pikon, mahilig sa sweets.

Lahat!

Sabi nga nila, love knows no gender. Ewan ko ba kasi parang napaka forbidden love ang meron tayo, Ilang ups and downs na yung pinagdaan natin. Andyan yung kamuntikan na tayo parehas maging tatay, 3rd parties, near death experiences, praises, lahat. Match made in heaven nga naman. Kaso eto nga, ako na lang mag-isa haharap sa mundong ito. Nakakatakot. Nakakakaba. Napakahirap. Lalo na ngayong forever ka nang wala.

Naalala mo pa yung relo na binigay mo sakin last December 2012? Diba sabi mo nun, kapag, huminto na yung relo na yun, mawawala ka na din? Nagalit ako sayo nun! Ayaw ko kasi sa lahat e yung nagbibiro ng ganun. Gusto ko, ako lang. A year after, last December 3, nagkatotoo nga yung Biro mo. Iniwan mo kaming bigla. Pero bakit ganun ulit? Ako yung pinakamalapit sayo tas ako pa yung huling naka-alam? Tang-ina lang! Akala ko nun binibiro pa ako ng kapatid mo saka ni mommy. Nasa Duty kasi ako nung sabihin nila sakin. Buti na lang foundation week nun kaya nakauwi agad ako. At ayun nga, pagdating ko sa bahay, totoo nga. Agad kitang pinuntahan nun at gumawa ng eksena. Tae naman kasi! Bat napakabiglaan? Feeling ko talaga, hindi ko na kakayaning tumayo pa ulit mag-isa.

Weeks after, Natutunan kong umpisahang bumangon sa umaga nang wala ng: GoodMorning Iyakin! Ingat sa pagpasok, I love you. Inumpisahan ko na ding umpisahan yung araw ko na hindi ulit kumakain ng almusal. At lalong higit sa lahat, sinusubukan kong mamuhay ng wala ka. Pero malapit na akong bumigay. Umiinom ako kahit walang laman yung sikmura ko. Naliligo ako kahit wala akong tulog. Gumagawa ng plates kahit wala na sa huwisyo. Diba ayaw mo ng nagkakaganito ako? Nahihirapan na kasi ako e. Anytime, baka bigla na lang kitang sundan dyan sa kinaroroonan mo. Napakahirap palang mabuhay na mawalan ka ng partner.

Kung nababasa mo to, Sorry kasi umiiyak ako ngayon.

Sorry kasi namimiss na kita.

Sorry kasi namimiss ko na yung regalo mong cheap chocolates(ChewyChoco, Hany, Bigbang, Nips, Cloud9 atbp) sakin na worth 200pesos lagi.

Sorry kasi hanggang ngayon, di ko matanggap na wala ka na.

Sorry kung ilang beses kitang binreak non.

Sorry kung hindi kita mapagbigyan kung gusto mong makipag-sex non o kulitin ako.

Sorry kasi alam kong dadating yung panahong makakahanap ako ng iba magiging boyfriend.

Sorry kasi lagi kitang pinagpapalit sa plates.

Sorry sa lahat ng kasalanan ko sayo. Kung maibabalik lang ng sorry ang lahat, lalo ka na, sana nakabalik ka na.

Thankyou kasi minahal mo ako sa kung ano ako.

Thankyou kasi kahit ilang beses na tayong nagbreak e pinagtyagaan mo pa din yung stubbornness ko.

Thankyou kasi inaalagaan mo ako kapag na-oospital ako dahil sa lintek na sakit na to.

Thankyou kasi sinakyan mo lahat ng hilig, flaws, kalandian, kakornihan ko.

Thankyou kasi ako yung pinili mong ligawan at pagtiyagaan.

Thankyou kasi kahit sa kahuli-hulihang hininga mo, ako pa din yung hinahanap mo.

Basta tandaan mo, mahal na mahal kita. Ipinapangako ko sayo na sa muli nating pagkikita, hinding hindi na kita papakawalan pa Erik.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

INSIGHTS. Blah blah blah.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon