#71

171 0 0
                                    

"PA(NGA)KO”

May mga bagay na hindi ko malaman ang sagot Mga bagay na nagdudulot satin ng lungkot Isang magandang halimbawa ay ang ating mga pangako Na itinaga natin sa bato noong masaya pa tayo Mga pangakong walang iwanan na tila di ko malaman ang kahulugan kung bakit hindi natin maisakatuparan Gabi gabing iniisip ang dahilan Na maaring dahilan ng iyong paglisan Naguguluhan Nasasaktan Hindi ko na maintindihan Kung bakit ang pangako ay nasundan ng paalam Ano ba ang dahilan? Hindi ko alam, hindi ko alam At hindi ko malaman laman kung bakit ba nasambit ang mga pangako nating hindi makatotohanan mga pangakong sana'y matupad man lang Ninais kong paniwalaan ang lahat ng ito Pinghawakan ko lahat ng pangako mo Pero mas mabuti na sigurong bitawan ko na ito Dahil sa higpit ng kapit ko dito Di ko namalayang nasasaktan na pala ako Walang magawa kundi ang matulala Kasabay ng pagpatak ng luha Iniisip kung lalaban paba o susuko na Kasi mahal ang hirap lumaban lalo na kung ako lang mag isa Pero bakit ganun? Gusto ko parin marinig Ang iyong bawat himig Ang iyong bawat tinig Ang mga pangakong galing sayong bibig Lalo na ang dati nating pagibig Kahit na ansakit sakit Kahit anong pilit patuloy mo parin akong napapaniwala sa mga pangakong mahal mo pa ako Sa mga pangakong barbero na alam ko namang di magkakatotoo Kaya aking napagtanto maraming kahulugan ang pangako Pangako na tumatatak sa puso't isipan Pangako na gugulo ng yong isipan Pangako na di mo mapigilang paniwalaan Pangako na panghahawakan mo Pangako na mag babago sa mundo mo Pangako na nasasabi lang kapag ikaw ay masaya Pangako na ginawa lang para masira Masakit pero totoo Yan ang nalaman ko sa bawat bitaw mo ng pangako Kaya naman mahal wag mo akong intindihin Wag mo na ko isipin Magiging okay lang ako PANGAKO

~ellah.

Libro para sa mga BROKEN HEARTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon