Kapag Nakita mo na siya, Wag kang Mag-taka kung hindi ka agad niya makilala.Kung ano ang naramdaman mong kilig, Baka yun naman ang Naramdaman niyang Inis. Kung Paano mo siya titigan, Baka Ganun ka lang din niya Lagpasan, Baliwalain, At Hindi Pansinin. Kung Gaano ka-bilis yung tibok ng puso mo nung nakita mo siya, Baka Ganun din ka-bilis ang pag alis niya. At Sigurado akong Itataboy ka niya palayo. Kapag Nangyari yon, Wag mo sanang isiping wala ng pag-asa. Siguro sanay na din talaga siyang mag-isa. At sa Hinaba-haba ng panahon ng pag-iisa niya, Iniisip niyang Hindi na niya kailangan ng iba. Ng Isang Katulad mo, Na maaaring mag-dala sa kanya sa ibang mundo. Marahil ganyan ang turo sakanya ng buhay at pag-ibig. Ng Damhin ang lahat ng sakit, ang Tanggapin ang ano mang ibato ng buhay. Ang Palayain ang Lahat ng Emosyon hanggang sa wala na siyang muling maramdaman pa. Kaya't kapag nakita mo na siya, Hindi na Siya naniniwala sa Pag-hiling sa mga bulalakaw, Hindi na siya namamangha sa mahika ng buwan at mga bitwin, O sa kung ano mang pwersa ng uneberso na maaaring magtulak sa kanya patungo sayo. Hindi na siya naniniwala, Sa anumang Salita na nilikha ng pag-ibig. Hindi na siya naniniwala sa pag-ibig. Kapag nakita mo na siya, baka ang tanging papel na lamang ng puso niya ay ang panatilihin siyang buhay. Baka tumitibok na lamang ito para padaluyin ang dugo sa katawan niya. Dahil kapag nakita mo na siya, Hindi na niya alam ang pakiramdam ng mag-mahal at ng mahalin. Nang Arugain at Yakapin. Ngunit Huwag kang mag-alala, Dahil Mukha lang naman ng pag-ibig ang nakalimutan niya. At Ipa-alala mo Ito sa kanya. Huwag kang mag-sasawang ipaalala sa kanya kung gaano siya ka-ganda. Huwag kang Titigil Sabihin sa kanyang MAHAL MO SIYA kahit na sa bawat pag-banggit mo ng salitang MAHAL KITA, ay pait at sakit ang naaaalala niya. Huwag kang titigil na sabihin ito sa kanya hanggang sa maalala niya na sa likod ng bawat pait ay may tamis. Sa Likod ng bawat sakit ay may Ligayang dulot ng mga salitang Mahal kita. Kung saktan ka man ng mga salita niya, Gantihan mo ito ng Yakap. Kung Mag-pumiglas siya, Hatakin mo siya pabalik at yakapin Ulit. Kung Paulit-ulit siyang Umalis, Paulit-ulit mo rin Siyang Habulin. Kung Paulit-ulit siyang Bumitaw, Paulit-Ulit mo rin siyang Hawakan. Paki-usap, Wag na wag mo siyang bibitawan. Wag na wag mo siyang pakawalan. Ipa-alala mo sa kanya na minsan rin siyang naniwala sa pag-hiling sa mga bulalakaw. Na Minsan Rin siyang Namangha sa mahika ng Buwan at Mga Bitwin. Na Minsan Rin siyang naniwala sa mga salitang nilikha ng pag-ibig. Na Minsan Rin siyang naniwala sa Pag-ibig. Ipakita mo sa kanya ang bagong Mukha ng pag-ibig. Paki-Usap, Wag na wag mo siyang susukuan. Hanggang sa maisip niya na ang pag-iisa ay Mayroon ding hangganan.
Crdts. Katleya Marie Baybayan.
BINABASA MO ANG
Libro para sa mga BROKEN HEARTED
Randomitong librong ito ay puro hugot ang laman!hahahaha♡♡ for friendship and for love. On going updates,Slow updates