Vince's POV
Andito kami ngayon ng pinakamamahal kong babae sa Mcdo. Kumakain kami nang tanghalian.
"By, may idadare ako sayo. Sana makaya mo." Nakangiting sabi nya pero malungkot ang mata nya. Hindi ko sya maintindihan. Tumango na lang ako.
(A/n: Ang pronunciation nang By ay 'Bhi'. Parang huli ng baby.)
"Wag mo akong kakausapin ng isang linggo. Wag mo akong itetext o tatawagan. Ano deal ba?" Naglaho ang ngiti ko nang sabihin nya ang ipaguutos nya. Iniling ko ang ulo ko.
"You know I can't." Natigas kong saad. Ngumiti sya nang malawak at totoo. Natawa naman sya nang mahina.
"I Know you can do it. Just one week." I sighed.
"I'll try." Saad ko at kumain ulit. Napahagikgik naman sya.
"Don't try it, just do it." Natatawa nyang sabi at kumain ulit. Hayy, nako! Nakukunsumi ako sa babaeng 'to.
"Fine, fine. Ang kulit mo. Pasalamat ka mahal kita." Natatawang sabi ko. Magkaharap kami nang pwesto.
"Thank you!" Kulit talaga. "Ang prize mo ay Mamahalin kita hanggang sa mamatay ako. I promise. I know promises meant to be broken but I promise to you that I will always love you." Nakangiting sabi nya kaya napangiti na lang ako. Kahit makulit 'tong babaeng 'to, mahal na mahal ko sya.
"Kailan tayo magsisimula?" Tanong ko. Ano kayang pakiramdaram na hindi ko kausapin ang pinakamamahal ko nang isang linggo.
"Bukas. Monday naman bukas ee. Punta kana lang sa bahay pagkasabi mo." Nakangiting saad nya. Bakit ba ang saya lagi ng babaeng 'to?
"Sige." Napailing na lang ako. Nagpatuloy lang kami sa pagkain.
***
Natapos kaming kumain at pumunta kaming WOF. Naglaro kami nang naglaro. Dito kami unang nagkakilala. 3 years ago. Akalain mo? 2 years na kami. 1 year din akong nanligaw.
~Flashback~
Naglalakad ako dito sa WOF. Yung mga tropa ko kasi parang bata. Laro nang laro. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa may na bangga akong babae. Natapon ang mga gamit nya kaya tinulungan ko na sya.
"Sorry miss." Saad ko nung na ibigay ko na ang mga gamit nya. Napakahinhin naman nang babaeng 'to.
"Ok lang po. Mauuna na po ako." Nagbow sya at akmang aalis na nang pigilan ko sya. Nagulat naman sya sa ginawa ko.
"May I know your name, miss?" Nakangiting saad ko. Ngumiti na lang din sya pero halatang pilit.
"It's Hannah Cuenca." Pagpapakilala nya. Sa totoo lang, maganda sya.
"I'm Vincent Alcaraz." Inilahad ko ang kamay ko at ibinigay naman nya ang kanya kay nakipagkamay ako.
"Thanks, anyway. I have to go." At kumaripas nang takbo. Napailing na lang ako.
~End of Flashback~
"Naalala mo pa ba, by? Dito tayo unang nagkita?" Natatawang sabi ko. Natatawa talaga ako. Sa isang pagkabungguan nagkakilala kami.
"Oo naman. Du'n ko nakilala ang pinakamamahal kong lalaki bukod sa tatay ko." Hinawakan ko ang kamay nya at nagsimulang maglakad.
***
Lumipas ang dalawang araw at ngayon ang pangalawang araw ko na hindi papansinin si Hannah. Nalulungkot lang ako kasi wala akong kausap na maingay, makulit at maharot. Gustuhin ko mang puntahan sya at yakapin kaso bawal. Kaya ang ginawa ko ay nagbabasketball but wala ako ngayon sa court. Guess what kung nasaan ako? Here I am, standing in front of her house. I just missed her. Umuwi na lang ako at nagpahinga.
Hannah's POV
Ito ang pangapat na araw nna hindi ako kakausapin ni Vince. Sumusulat ako kay Vince. This is the only way I can do to him. Masakit para saakin pero kailangan.
Patuloy ang pag-agos nang luha ko habang binabasa ang sulat ko. Hindi ko pinapahalata sa kanya kung gaano din ako nasasaktan sa ginagawa ko. Bukas na ang huling araw at huling araw na iiyak ako.
Magpapahinga na ako.
Vince's POV
Ito na ang huling araw na hindi ko na sya kakausapin. Sa wakas. Makakausap ko na ulit sya. Kamusta na kaya sya? Sana ok lang sya.
Bago ako pumunta sa kanila ay pumunta muna ako sa Mcdo para bumili nang paburito nyang fries. Nang makabili na ako ay pumunta na akong bahay nila.
Sumalubong saakin ang nanay nya. Nakita kong namamaga ang mata nya. Ano kayang nagyari.
"Si Hannah po?" Tanong ko. Ngumiti sya nang pilit.
"Nasa kwarto nya. Nagpapahinga." Sagot nya kaya pumunta na akong kwaryo nya. Hindi na ako nagabalang kumatok pa. Sanay naman na sya ee.
"Andito na ak---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang nakita ko syang nakahandusay sa kama at hinang hina na. Binitawan ko ang hawak kong pagkain at tumakbo sa kanya.
Hinawakan ko ang pulso nya at nanlumo ako nang wala na itong pintig. Tumulo ang luha ko. Napansin ko ang isang papel na nasa tabi nang lamesa nang higaan nya kaya kinuha ko 'to at binasa.
Dear by,
You did it... then do it everyday. I'm sorry for not saying to you that I have a leukemia. I don't want you to hurt. Thank you for taking care of me. You passed my dare and my prize is I going to love you every second, minute and day before died and I did it. I WILL ALWAYS LOVE YOU.
I'll set you free, by.
Goodbye.
Love,
Hannah Cuenca.
Nagsimula magagusan ang luha ko. Sobrang sakit. Sa loob ng dalawang taon, tinatago nya lang saakin na may sakit sya pero hindi ko sya masisisi. Ayaw nya lang akong masaaktan.
I will always, by.
Goodbye.
***
Hope you like it. Hehehe. Thank you sheisinvisible07/ Titania Cz Fairfaux for the book cover.