Cassie's POV
"Hoy Cassie!" sigaw ni Louise. "Ikaw na," sabi niya sabay abot ng shotglass. Tinanggap ko naman yun at inisang lagok. Tinaggihan ko ang pahabol niyang chaser. Ihing-ihi na kasi ako eh. Sanay na rin kasi ako sa lasa ng empe light. Nakakaya ko na kahit walang chaser.
"CR muna ako," paalam ko sa kanila. Tumango lang ang dalawa habang yung isa naman text ng text sa boyfriend. Paniguradong nag-aaway na naman to. Ayaw kasi ni Paul na umiinom si Lauren. Ewan ko ba sa pinsan kong yun. Alam na niya nung nililigawan pa niya si Ren na umiinom ang gaga. Kaya magkaibigan kami diba?
Medyo late na at kakaunti na lang ang nandito sa Hub. Siguro mga kapareho ko lang to na sa boarding house o dorm lang inuuwian. Schoolmate ko lang rin ang karamihan na umiinom dito. Palapit na ako sa CR nang mapansin ko ang grupo ng mga lalaki na nagtatawanan dahil siguro sa kalasingan. May ilang bote na ng empe sa lamesa nila at beer na naman yata iniinom nila ngayon. Pamilyar ang iba sa kanila. Siguro napunta ako sa isa sa mga minor subjects ko sa klase ng mga taong to.
"Uy Cassie!" sigaw nung isa. Naningkit ang mata ko para makilala siya. Nakalimutan ko kasing dalhin ang salamin ko dahil galing na akong dorm. Nakapangbahay na nga lang ako.
"Ikaw pala yan Dex," bati ko. Medyo close kami nito kasi siya yung nakaupo sa harap ko at siya nagtetext sa akin tuwing walang teacher. Nginitian ko lang yung mga namukhaan ko. Di ko kasi sila kilala lahat. Ibang division kasi talaga sila.
Dumeretso na ako sa CR nang may nabangga ako. Papasok ako at palabas ang lalaki. "Sorry kuya," paumanhin ko. "Sorry miss," sabay niya namang sabi. Sabay rin kami pag-angat ng tingin. Para na nga siyang moment na tulad nung sa movies eh, yung parang slow motion raw lahat. Pero naging awkward nang makilala namin ang isa't isa. Naalala ko na kung saan ko naging classmates yung mga lalaki kanina. Sa Lit 1 pala. Muntik na ako naging bida at itong lalaking to ang leading man ko kuno. Nakailang practice na kami nun bago pinalitan ng story. Naalala ko rin ang mga scenes naming dalawa na nakatitig sa mga mata ng isa't isa at minsan magkayakap. Napaiwas tuloy ako dahil sobrang awkward na. Ngumiti na lang siya nang nahihiya. Nilampasan ko na lang rin siya.
Laking pasasalamat ko nang makaraos na ako. Paglabas ko, mas lalong kumonti ang mga tao. Ganun ba ako katagal sa CR? Pagkabalik ko sa table naming, wala na si Lauren. "Nasaan na yung isa?" tanong ko.
"Ayun. Sinundo na ng pinsan mo," inis na sagot ni Ash. "Oh, sayo na naman," sabi niya sabay abot ng baso. Ininom ko na lang yun at pagtingin ko, ubos na ang laman ng bote. Nakadalawang bote kami pero pucha, di pa rin ako tinamaan? "Ayan. Naubusan ka! Ba't kasi ang tagal mo?"
"May nakita akong kakilala dun sa kabilang table. May nabunggo pa akong tao kaya yun," paliwanag ko. Naglabasan na sila ng pera kay kinuha ko na lang ang pitaka ko at naglabas ng tatlong tig iisang daan na papel. Ako kasi nag-aya ngayon kaya mas malaki ibibigay ko. Ganito kasi set-up namin magkakaibigan.
"Tara na," aya ni Louise. Tumango na lang ako at kinuha phone at pitaka ko sa lamesa. Palabas na kami nang Hub at naghihintay ng tricycle para may masakyan tong dalawa. Ilang hakbang lang kasi dorm ko dito at iisa ng kwarto ang dalawang to naman sa ibang dorm. Kay maglalakad na lang ako.
BINABASA MO ANG
Refusing to Feel
Short StoryManhid siya. At least, yun yung paniniwala niya tungkol sa sarili niya. Ayaw niyang makaramdam. Ayaw niyang masaktan. At ayaw niyang makasakit. Pero paano kung dumating ang panahon, at ang tamang tao para sa kanya? Cover by: DAHSSI