Cassie's POV
Oh God! Ba't ang sakit ng ulo ko? Ba't ang sakit ng buong katawan ko? I looked around me and saw I was in unfamiliar surroundings. Kaninong kwarto ba to? And why the fuck am I naked? Narinig ko ang agos ng tubig mula sa banyo yata na di nagtagal ay namatay rin.
Shit! The memories from last night suddenly came flooding back. Nagsine kami ni Franco. Then nag inuman sa condo niya. At nang pareha na kaming lasing, we had sex. No point dressing it up. Lumabas si Franco mula sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya.
Napatingin ako sa ibang direksyon. Damn, he was hot. Pero sabagay, palagi siguro to sa gym nitong condo niya. "Good morning," tila nahihiya niyang sabi. Awkward bes. Sobrang awkward. Ngumiti lang ako nang alanganin. Double deck ang kama niya. Kumapit ako sa hagdanan para tumayo dahil medyo nahihilo pa ako. Nakatapis lang ako ng grey niyang kumot.
Nag iwasan na naman kami ng tingin. Shit! Medyo masakit talaga ang katawan ko. "Pwedeng makigamit ng banyo?" tanong ko. Tumango lang siya. Dahan dahan akong naglakad patungo sa banyo. Paglingon ko, nakatago siya sa likod ng pintuan ng cabinet niya. Dali dali kong iniwan ang kumot niya sa labas ng banyo at pumasok. Inadjust ko ang tubig sa medyo mainit. Wala akong choice na gamitin ang panlalaki niyang shampoo at body wash.
Paglabas ko nakabihis na siya ng uniform but instead of the standard khaki pants, nakaslacks siya ng black. Nakatapis ako ng extrang tuwalya niya. Medyo ramdam ko pa rin ang kirot sa pagitan ng hita ko pero di ko na pinansin. "Aaahm, pwedeng pahiram ng t-shirt?" nahihiya kong tanong. Damn it Cassie! Ba't mo ginagawang big deal ang nangyari sa inyo?
Binuksan niya ulit ang cabinet niya at kumuha ng isang long sleeved na polo shirt at isang itim na shorts na sobrang ikli. Meron ding isang simpleng white cotton panty. Madalas ba siyang nagdadala ng babae dito at bumili siya ng panty na pambabae para masuot ng kung sinong one night stand niya? At bakit parang di ako kumportable isipin yun? Now is not the time for me to be irrationally jealous.
"Sa ate ko yan," nakangisi na niyang tanong. Nabasa niya ba ang nasa isip ko? "Nag-iiwan siya ng damit dito in case kelangan niyang mag overnight sa syudad. Bago rin yang underwear niya. Nakailang beses na kasi siya nakalimot magdala kaya bumili na lang siya ng reserve dito," paliwanag niya nang nakangisi pa rin. Anong akala niya, may pakialam ako kung baka sa babae niya ang damit na isusuot ko?
Tumango na lang ako sa paliwanag niya. Hinablot ko ang aking bra na nakabitin sa isang upuan at bumalik sa banyo. Mukhang panlalaki tong polo shirt. Paglabas ko ng banyo, nakaupo lang siya sa kama na tila naghihintay na matapos ako. "Sa ate mo ba tong polo shirt na to?" nakakunot noo kong tanong.
Umiling siya. "Akin yan. Underwear lang iniiwan ni ate dito." Parang ayaw kong maniwala sa dahilang yun. Mukhang di talaga siya kapanipaniwala eh. Pero tumango na lang ulit ako. "Bagay ka pala sa damit ko. Medyo maikli nga lang sayo." Lumapad ang kanyang ngisi sa pagkakasabi dun. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
Bago ako naligo, nagkakahiyaan kami, di alam paano pakikitunguhan ang isa't isa. Natapos lang ako naligo, nakangising aso na siya.
Bumalik ako ng tulog pagkahatid sa akin ni Franco sa dorm. Mabuti na lang at hapon pa klase ko. Di ko na masyado pansin ang sakit ng katawan ko.
Pumasok ako nang medyo may kirot pa rin sa pagitan ng hita ko pero pilit kong binalewala yun. Sabi pa ng doctor ko dati, mataas daw pain tolerance ko. Di ko na raw napapansin na malubha na pala sakit ko. Ang sabi ng iba, di daw sila nakakalakad matapos ang unang beses nila. Pero ako, pinilit pa ring pumasok sa klase.
Tanghali na nang simula na naman akong kulitin ni Franco ng mga text at tawag. Kelangan daw naming mag-usap. Nang magreply ako upang itanong kung tungkol saan ang pag-uusapan namin, tungkol daw sa nangyari kagabi. May kailangan pa ba kaming pag-usapan tungkol dun? Simple lang naman nangyari. Ba't parang mas ginagawa niyang kumplekado? Di na ako nagreply pagkatapos. Bahala siya sa buhay niya.
Alas sais na lagpas nang matapos klase ko. Nang tingnan ko ang cellphone ko may lagpas bente na missed calls at messages. Lahat nagtatanong kung okay lang ba ako, pumasok ba ako at kung nasaan ako. Di ba nalolobat tong gagong to? Meron din akong messages sa fb messenger at viber ko. Bawal ang facebook dito sa school kaya panigurado data gamit nun. Di pa ba nauubos data niya?
Pagkalabas ko nang room, nakita ko siyang nakasandal sa pader, masama ang tingin sa akin. Binalik ko ang tingin na yun sa kanya. "Paano mo nalaman dito classroom ko?" tanong ko.
"Tinanong ko si Dex. Mabuti na lang alam niya. Close ba kayo?" tila naiinis niyang tanong.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung oo, anong pakialam mo?"
"Sagutin mo na nga lang ang tanong," inis na inis niyang sabi.
"Hindi kami close. Kung ang gusto mong malaman ay bakit alam niyang dito classroom ko, baka siguro dahil madalas kaming magkita nang ganitong oras sa ganitong araw. Sila ang sunod gagamit nitong classroom. May tanong ka pa?" naiirita kong tanong.
Sumunod siya sa akin habang pababa ako. "Cass, kelangan nating mag-usap. Ba't di mo sinasagot ang mga tawag ko kanina o magreply na lang man sa mga text ko."
"Wala na tayo dapat pang pag-usapan Franco. Bakit di mo maintindihan yun?" tanong ko naman.
"Di ikaw yung tipong naghahabol. I get that. Pero Cass, aminin mo, it was your first time right?"
"Yeah. So what?" Pucha, kung makapagsalita parang walang ibang nakakarinig.
"Wala lang ba sayo yun?" tila di makapaniwala niyang tanong. Blanko ang tingin ko sa kanya. Di ko naman masasabi na wala lang talaga yun sa akin pero kung gagawin ko naman siyang big deal masyado, sasaktan ko lang sarili ko.
"Unless di ka gumamit ng proteksyon, at takot kang may nabuo, pwede bang wag na nating pag-usapan to? Pero alam kong praktisado at sanay ka na. Di rin ako ganun kalasing kagabi para di mapansing gumamit ka nga ng condom. So please, pwede ba, kalimutan na lang natin ang nangyari? Wala kang dapat panindigan. Total, di naman ikaw ang nawalan. "
Author's Note:
Tatapusin ko muna siguro to at ang Refusing to Fall bago ako mag update sa Conveniently Married at The Boss' Babies.
}}��8Vd�9
BINABASA MO ANG
Refusing to Feel
Short StoryManhid siya. At least, yun yung paniniwala niya tungkol sa sarili niya. Ayaw niyang makaramdam. Ayaw niyang masaktan. At ayaw niyang makasakit. Pero paano kung dumating ang panahon, at ang tamang tao para sa kanya? Cover by: DAHSSI