Cassie's POV
Dalawang araw na simula nang ibigay ng Ashley ang number kay Franco. Dalawang araw na rin text ng text sakin ang gago. Kahapon gustong makipagkita ng gago sa akin pero tumanggi ako. Coffee daw kami. Seriously? Anong akala niya sa akin? Nadadala sa ganyan? Eh pag exam lang ako madalas magkape eh, pag kelangan kong magpuyat. Otherwise, thanks but no thanks.
Nag aya ba naman alas nuebe na. Kanina gusto naman niyang sabay kami maglunch. Nagkataon kasi na pareho kaming bakante ng ala una. Tumanggi na naman ako sa dahilang umuwi ako para matulog. Gabi pa kasi ang sunod kong klase. Tamad akong tumambay sa school.
Nagvibrate ang phone ko at alam kong sya na naman to. Kakatapos lang ng klase ko. Kung pwede ko lang sanang idrop ang 6 to 8 pm na klase, ginawa ko na. Pero major sya eh. At graduating ako. No choice ako. "Uuwi ka na?" tanong ni Louise.
Tumango ako. "Kayo?" balik tanong ko.
"Susunduin ako ni Paul. Manonood kaming sine," sagot ni Lauren. Tumango na naman ako.
"Uwi na kami ni Ashley. Di pa namin nababawi tulog namin," sagot naman ni Lou.
"Hah? Ba't kayo puyat?" nagtataka kong tanong. Kakasimula pa ng sem, puyat na tong dalawa?
Napabuntong hininga si Lou. "Bored tong isa kagabi at mahina net sa dorm. Ayun, nag-ayang magkape sa labas. Ala una na kami nakauwi."
Napatawa ako. Kung nagcoffee shop sila, meaning, napagastos na naman si Louise. Medyo malakas sya kumain ng cakes eh.
Sabay kaming tatlo lumabas sa likod na gate ng school. Si Lauren nasundo na ng hinayupak kong pinsan. Ewan ko ba't natagalan nila ang isa't isa. Ayaw ni Paul sa babaeng umiinom. Ayaw ni Lauren sa masyadong seryoso na lalaki. Second year na sa law school si kuya Paul eh.
Nagvibrate ang phone ko kakalabas pa lang namin. "Gusto mong magsine?" Si Franco na naman. Alam ko namang pinagkakatuwaan lang nila ako magkakaibigan eh. Ba't di pa to tumitigil?
Pero sa kasamaang palad. Bored ako. Masyado pang maaga para matulog na ako. Alas onse pa klase ko bukas. "Anong panonoorin natin?" reply ko.
Tumawag ang kumag. Excited lang? "Anong gusto mong panoorin?" tanong niya. Wala man lang hello?
"Ano bang showing ngayon?" balik tanong ko. Sana lang magkasundo kami sa papanoorin.
Sasagot na sana ako nang makita kong nasa kotse lang pala siya sa tapat ko. Ibinaba niya ang bintana ng kotse at pinutol ang tawag niya.
Sumenyas siya na lumapit ako na agad ko rin namang sinunod. Pumasok ako sa passenger's seat at agad niya rin namanpinaandar ang sasakyan. Nakarating kami sa mall na di nawawala ang ngisi sa mga labi niya. Di rin naman siya nagsasalita. Nang makarating kami sa fourth floor ng mall kung nasan ang sinehan, napagdesiyunan naming manuod ng Doctor Strange. Nilibre talaga ako ng kumag. Gusto ko sanang ako na magbabayad sa akin pero ayaw naman niya. Ayaw kong magkautang na loob sa kanya, sa totoo lang.
Natapos ang pelikula nang di kami masyado nag-uusap. "Gusto mong magdinner muna?" tanong niya. Sa totoo lang, gutom na ako. Di nakakabusog ang popcorn. Pero ayaw ko naman sabihin sa kanya sa dahilang naiilang na ako. Baka ano pang isipin niya.
"Di na. Nabusog na ako sa popcorn," pagsisinungaling ko.
"Talaga?" tila nang-aasar niyang tanong. Tumango ako, kahit uwing uwi na ako para makakain. Magtatake-out na lang siguro ako. Di naman siguro ako ihahatid nito. "Sige, pero daan muna tayong drive-thru bago kita ihatid ah. Bibili lang ako nang makakain."
"Ah, di na. Magjijeep na lang ako. Baka malayo pa sa inyo, magabihan ka pa masyado." Wow. Mukha talaga akong concerned no?"
"Di, okay lang. Malapit lang naman unit ko unit ko dito." Napatango na lang ako. Magpapasali na lang ako sa bibilhin niya sa drive-thru.
Nang matapos na kami sa drive-thru, bigla siyang bumaling sa akin. "Gusto mo na ba talagang umuwi? Maaga pa naman." Pag tingin ko sa relo ko, nakita kong alas nuwebe pa nga. Nasanay akong alas dose na o ala una natutulog. Hapon pa usually klase ko eh. "Inuman, gusto mo?" tila natatawa niyang tanong. Nang-aasar ba to?
"Sige ba. Saan?" sagot ko naman. Natigilan siya sa tanong ko. Akala niya di ko siya masasabayan sa inuman?
"Sa unit ko na lang. Studio type lang yun pero may terrace naman. Bili na lang tayo ng maiinom sa convenience store." Tinaasan ko lang siya ng kilay pagsabi niya na sa unit niya pero tumango lang ako kalaunan. Kaya ko naman sarili ko. Alam ko rin naman kelan tumigil pag di ko na kaya. Nagpark siya sa unag convenience store na nadaanan namin. Sa loob lang ng sasakyan ako naghintay. Siya na bahala anong iinumin naming. Paglabas niya, nakita ko agad na ang binili niya ay Captain Morgan. Namili talaga siya nung may tama talaga.
Agad rin naman kaming nakarating sa condo niya. Medyo makalat pero okay lang naman. Sa terrace naman kami. May maliit na lamesa run at dalawang upuan. Mabuti at naisipan niyang bumili ng yelo.
Malapit nang maubos ang laman ng bote nang maramdaman kong tinamaan talaga ako. Minsan lang rin naman kasi ako uminom ng captain morgan.
Bigla naging gwapo si Franco sa paningin ko. Lasing na siguro talaga ako. Kelan pa ako naattract sa fuckboy? "Okay ka lang Cass?" tanong niya.
Tumango ako kahit parang hilong hilo na ako. Tumayo ako par asana magbanyo pero muntik akong natumba at napakapit sa lamesa. Mabuti na lang nasalo rin niya ako.
Nakatitigan kaming dalawa. Pareho kaming nangangamoy alak at yosi. "Franco..." bulong ko. Unti unti nagkakalapit mga mukha namin hanggang sa maglapat ang mga labi naming.
Hinapit niya ako palapit hanggang sa walang parte ng katawan namin ang hindi nagtama. Tinulak ko siya papasok sa unit niya at pinaupo siya sa kama. Umupo ako sa kandungan niya at nagtaa ang mga kaselanan naming. Napangisi ako nang naramdaman kong tayong tayo na siya.
"Sigurado ka ba dito?" pabulong niyang tanong. Tumango na lang ako at hinayaan siyang isa isahing alisin ang pagkakabutones ng uniporme ko.
Author's note:
Sa mga nag-aaral pa, wag to tularan hahahaha. Di ko alam bakit naging ganito kinalabasan ng chapter na to. This was supposed to be innocent. Anyare? Hahahaha kahit ako umiinom, never akong nakipag-inuman sa lalaki sa bahay, apartment o condo niya nang mag-isa kaya hindi ko alam saan ko to kinuha hahaha.
BINABASA MO ANG
Refusing to Feel
Short StoryManhid siya. At least, yun yung paniniwala niya tungkol sa sarili niya. Ayaw niyang makaramdam. Ayaw niyang masaktan. At ayaw niyang makasakit. Pero paano kung dumating ang panahon, at ang tamang tao para sa kanya? Cover by: DAHSSI