Ang bilis ng Oras. Parang kelan lang nalaman kong buntis ako. Ngayon malapit na akong Manganak.Kompleto ang Check up ko nag pa ultra sound din ako at ilang araw na lang may mini dwight na akong kasama sa buhay.sa tagal ko na dito sa cagayan may mga naging kaibigan na din ako..at isa din sa mga bestftriend ko ay ang mid wife ko at soon to be god mother daw ng baby ko at sya si Bea while yung isa naman ay si maya ang nag iisang anak ni Aling Martha na siyang landlady ko at madalas silang nakatambay dito sa bahay ko..
masyado akong nahirapan this passed few months dahil sobrang sensitive ako sa feelings ko
nanonood kami ngayon nila Bea at Maya nang bigla akong nakaramdam ng pag hilab sa tyan ko.kaya napa hawak ako dito habang papikit pikit ng mariin hanggang sa sunod sunod na until i feel something broke at my lower part and i feel myself wet and then it hits me.manganganak na ako!!.
"Ahhh! Maya,Bea! manganganak na ako!!".Sigaw ko.
"ANO!! tara na dadalhin ka na namin sa hospital!".nag papanic na sigaw ni Maya kaya binatukan siya ni Bea.
"Wag ka ngang mag panic! hindi pa naman lalabas si baby agad eh! kaya may oras pa tayo para kunin ang mga dapat kunin nang makarating na tayo sa hospital! Oh siya alalayan mo sya papuntang kotse ako na ang mag dradrive.teka yung sinabi ko ba sayo Celle na ihanda mo sa iisang bag lahat nang dadalhin natin sa hospital pati gagamitin na pera hinanda mo na?".Calm na utos at tanong niya samin.. tumango ako at tinuro ko ang nursery room na dinocoratan namin at dali dali niyang kinuha wala pang ilang minuto ay nakuha na niya.. yep talagang tinakbo niya at inalalayan na nila ako.
"Teka!! yung Susi!!" sigaw ni maya kaya sinapak siya ulit ni bea pero mahina lang. huwag kayo kasi talagang sadista ang babaeng yan.kahit nasasaktan ako di ko talaga maiwasang mapa hagikhik.dali dali niyang kinuha ang susi ng kotse at susi ng bahay ko at nang maisakay na ako ni Maya at saka naman natapos ni Bea na ipadlock ang bahay ko at dali dali nilang pinaandar ang kotse ko habang ako namimilipit sa sakit at si maya na halos mamutla na at si bea na kampante at relax na relax lang gusto pa sanang sumama ni aling martha pero wala daw mag babantay sa mga bata makikibalita na lang daw siya..
* * * *
"Nakikita ko na ang ulo Ms.Brien! One.. Two.. Three Pushhh!!"."Ahhhhhhh".
"hingang malalim Ms.Brien and Pushh".
"Ahhhhhha ha ha ha *sob* ayaw ko na huhuhuhu".iyak ko
"Ok ms. one push at ibigay mo na ang lahat nang makakaya mo.isipin mo na lang na pag katapos nito you will saw your little angel".comfort ng doktora na pangiti ako at binigay ko na ang lahat ng makakaya ko at binulungan ko ang baby ko mula sa isip ko na lumabas na siya at wag na niyang pahirapan si mommy dahil gusto ko na siyang makapiling.
"Ahhhhhhh".sa huling ire ko ay siyang labas na ng baby ko.
"uwah uwah uwahh".iyak ng baby ko napa luha ako sa tuwa.
"Congats its a healthy,cute and adorable baby boy". announce nito..ngingiti na sana ako ngunit nauwi sa ngiwi dahil bigla na naman akong nakaramdam ng sakit at napa iri ako ng wala sa oras na siyang ikinagulat ng lahat kaya biglang nag kagulo sa loob.
"Hija sige ire pa nakikita ko na ang ulo".panik nito kaya umire ako hanggang naka rinig ako ng isa pang iyak ng bata.bago ako mag passed out rinig kong sinabi ng doktor na isang healthy baby boy din.
* * * *
nang magising ako ay nasa private room na ako at katabi ko ang dalawang bestfriend ko."B-Bea,M-Maya".tawag ko sa kanila at agad silang lumapit sakin at pinainom ako ng tubig.i was about to ask kung nasan ang mga baby ko pero biglang dumating ang dalawang nurse na dala dala ang babies ko.
"Hello Mommy.. Here's your Adorable twins"malambing na sabi ng isang nurse at linapag nila sa tabi ko ang dalawang baby.
ingat na ingat ko silang hinawakan.. masuyo ko silang hinalikan at napaiyak.. tears of joy ika nila.. kamukhang kamukha nila ang daddy nila.mula sa tangos ng ilong,pula ng labi at kulay ng mata which is kulay gray.kutis,kulay ng buhok at pilik mata lang ata ang nakuha nila sakin.
seeing my sons now? finally all the pain and sadness is all worthy.this angels of mine is my light.Oa na kung Oa pero im madly inlove with them.. mas mahal ko sila kesa sa lahat ng mga nakapaligid sakin,mas mahal ko sila kesa sa magulang ko,kesa sa lalaking mahal ko,at kesa sa buhay ko.. im willing to kill anyone that will hurt my sons.
"Maam. Ano pong ipapangalan niyo sakanila".tanong nila.. i looked down at my babies and smile at them lovingly.
"Dwilight Mikael and Dwayne Michael Brien".Magiliw kong sabi.
"Welcome to the world Baby Light and Baby Ayne".Masaya kong sabi sakanila.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Impregnant Me
RomanceIcelle Mikaela Brein and his bestfriend found out that his beloved boyfriend is cheating behind her back and because of the pain.mistake come out and accidentally his Bestfriend Impregnant her.what will she do?