Escape 1

21 1 0
                                    



Ang hirap pala talaga ng buhay ng tao.. Akala ko noong bata pa lang ako ay isang napakalaking problema na ang hindi pagbili sa akin ng laruan ng nanay ko. Akala ko noon gugunaw ang mundo ko kapag hindi ko nabili ang pink na lobo na inaasam asam ko. Akala ko din noon na ang simpleng hindi pagtabi sa akin ng nanay ko sa pagtulog ay nangangahulugan na hindi na nya ako mahal. Akala ko lang pala ang lahat kasi iba ang realidad. Iba na ang magiging takbo ng mundo kapag nagsimula ka ng magkaroon ng isip. Kapag nagsimula ka ng hindi umiyak kapag hindi nabili ang gusto mo. Kapag ikaw na mismo ang bibili ng lobo sa mas nakakabata sayo at kapag nagsimula ka ng hindi magduda sa pagmamahal ng nanay mo dahil lang sa hindi pagtabi ng isang gabi sa pagtulog sayo. Ganun lang pala talaga ang buhay... Ganun lang kadali at kahirap. 

"Elise maaga pa ang pasok mo sa school gumising ka na" narinig ko na naman ang boses ni nanay, ibig sabihin umaga na at kailangan ko ng pumasok sa paaralan.

"Opo nay eto na" bumangon na ko at nag-ayos na papasok. Habang naglalakad ako papasok ay matatanaw mo ang nagtataasang buildings at maiingay na kotse. Napakalaking siyudad at iba-ibang klase ng tao ang makikita mo dito. Busy ang lahat at may kani-kaniyang gawain.

Napapaisip nga ako lagi sa tuwing dadaan ako dito eh. Nakakakita kasi ako ng magagandang bagay. Mga magkakaibigan na nagtatawanan at mga mag kasintahan na na napaka sweet tignan pero ang sakit din sa mata tss.

Napaka pait ko sa mundo dahil alam kong napakapait din naman ang kapalaran na binibigay nito sa akin. Patas lang kumbaga. Husgahan nyo ako kung husgahan pero hindi nyo alam ang pait na nararanasan ko ngayon. 

Alam ko ang ibig sabihin ng iba na pakiramdam na pasan nila ang mundo. Sobrang bigat ng lahat ng bagay at parang wala ng saysay ang lahat. Hindi sa simpleng pakikipag hiwalay ng boyfriend mo ang dahilan para matapos ang lahat. HIndi ako katulad ng iba na halos magpakamatay na dahil lang sa isang walang kwentang rason. Para sakin ang buhay ang pinaka mahalagang regalo na ibinagay sayo. Noon yun, dahil nagbago ang lahat ng ito ng dumating ang sunod-sunod na problema sa buhay ko. Gusto ko ng ma---

*BEEEEEEEEEEEEEEEEEP*

"MISS! GUSTO MO NA BANG MAGPAKAMATAY?! BAKIT KA TUMATAWID?!  NA KA GO ANG MGA SASAKYAN!" sigaw nung driver.

Muntikan na pala akong masagasaan. HIndi ko napansin. Sayang.

Umalis na lang ako na tulala sa harapan ng sumisigaw na driver. Ayoko ng dagdagan ang problema ko. 

Papasok na naman ako sa impyernong paaralan na iyon. Nandito na ko at nandyan na din sila. Alam kong any moment ay pagkakaisahan na naman nila ako. Sanay na naman ako. Araw-araw na pambu-bully ang nararanasan ko dahil sa kanila at walang nakakaalam noon kahit isa sa pamilya at mga guro ko. Hindi dahil sa takot ako sa kanila kundi takot ako na mawala ang scholarship na mayroon ako ngayon. Nagsimula lang naman ang lahat ng ito ng malaman ko na lokohin ako ng nagiisang bestfriend kong si Heidi. Bestfriend ko simula ng magkaisip ako at tumuntong sa paaralan na to. 

Itinuring ko syang parang tunay na kapatid. Tinuring na kadugo at binigay din ang mga bagay na mayroon ako. Syempre tanga eh. Sisters by heart daw kasi. Niloko ako sa pagaakalang sa'kin talaga sya kampi at sa pag-agaw lang naman sa first love kong si Ace. Si Ace naman na akala ko ay totoong mahal ako pero niloloko lang pala ako dahil sila talaga ng ex-bestfriend ko. Hindi ko alam bakit nila nagawa sakin yun dahil alam naman nila na wala akong tiwala sa mga lalaki dahil sa pag-iwan ng magaling kong ama saamin dati.

Sabagay nakalimutan ko na din naman yun. Past is past sabi nga nila, kaso kahit anong pilit ko na takbuhan at kalimutan ang nakaraan ito mismo ang naghahabol sa akin. Hindi dahil sa hindi pa ako nakaka move-on, kung hindi dahil sila mismong dalawa ang araw-araw na sumisira sa buhay ko. 

Araw-araw wala silang ibang ginawa ni Heidi kung hindi ipamuka sa akin na napakasaya nila samantalang eto ako at gusto ng mamatay. Hindi nila alam na wala na kong paki alam sa kanila at tinatawanan ko na lang sila sa loob ko dahil muka silang mga tanga. Pare-parehas kaming mga tanga.

"Baby! tignan mo oh~ nandito na naman 'tong malandi na to haha" ang arte sino kayang malandi na sumulot at nanira ng relasyon?

"Hayaan mo baby wag mo na lang pansinin masisira lang araw natin" sabi naman ng nagpasulot

Naghalikan pa sila sa harapan ko na parang wala sa eskwelahan. Akala naman nila masasaktan ako tss.

Nagkaklase ang teacher namin sa harap. Last subject na namin at akala ko wala ng malas na mangyayari sa'kin, nagkakamali ako dahil ng hanapin ng teacher namin ang key to correction para sa exam nakita nila na nasa akin. Tinuro nila ako na may kinuha daw at sinabi nilang akala nila ay wala lang 'yon. Nagulat na lang ako dahil nasa loob na ng bag ko ito at nakatupi ng maliit. Kahit sino ay maniniwala na ako nga ang kumuha noon kapag nakita iyon.

"Elise! Anong ginawa mo?!" napagalitan ako ng teacher ko dahil naniwala sya na ninakaw ko nga ito

"Ms. Li alam mo pong hindi ko magagawa yan" wala na rin akong gana na ipagtanggol ang sarili ko. Namamanhid na siguro talaga ako.

"I know pero siguro dati yun! Ngayon hindi na! Sinong matinong scholar ang makikitang nagnakaw ng mga sagot para sa exam? Wala ka na bang utak ngayon at kailangan mo pang magnakaw?!!"

gusto ko sanang sabihin na "wala na po akong pakialam at nararamdaman" kaso syempre hindi pwede.

"Makakarating ito agad sa mga magulang mo! at kailangan mong papuntahin sila kung hindi ay mawawalan ka ng scholarship. I'm so disappointed to you Elise"

Natatakot ako. Akala ko wala na talaga akong tuluyan na mararamdaman. Nung narinig ko na baka mawalan ako ng scholarship ay bigla akong natakot. Alam kong magagalit sakin ng sobra si nanay. Alam kong ito na lang ang inaasahan nya para makaahon kami sa hirap. Ano na lang sasabihin nya sa'kin?

Pagod na pagod na ko. Hindi pa nga ako nagtatrabaho sa part time job ko pero heto ako at halos lantang lanta na. 

Dumederetso na ko sa trabaho ko bago umuwi ng bahay. Taga kuha lang naman ako ng order ng mga customer dito sa isang karenderya isang kanto mula sa'min. Maliit lang ang sahod ko pero kahit papano naman nakakatulong sa pang-baon ko minsan. Hapon ang labas ko sa school pero nakakauwi ako ng bahay mga hating-gabi na. 24 hours kasi sila Aling Mingming at kadalasan kasi ay sa gabi ang mga customer nya. Akala mo naman ay restaurant, dinaig pa nga ang totoong restaurant.

"Elise! kunin mo yung order nila dun sa may dulo oh" 

Agad-agad na kong nagpunta dun at nakitang puro lalaki pala ang customer na kakain. Kung bibilangin mga nasa pito sila.

"Miss! Pa order nga!" sabi nung isang lalaki. Sa tingin ko ay mga kasing edaran ko lang din sila. Kaso halatang mga tambay sa kanto at walang ibang ginawa kundi mambasag ulo. Judgmental Elise tss..

"Ano pong order nila?" tanong ko

"Pwede bang ikaw na lang? haha"

"Pasensya na ho pero muka ba kong pagkain sainyo? Karinderya to at hindi club! mawalang galang lang pero makakaalis na kayo" oo nga't wala na kong pakialam sa sarili ko pero ang natitirang hiya ko sa sarili ko ay kailanman hinding hindi ko tatanggalin.

"Aba matapang si sexy! Gusto ko yan! hahaha" at nag apir-an pa sila.

Sa totoong lang tama pala talaga ako na wala silang magawa sa buhay nila. Mga bastos!

Tinalikuran ko na lang sila at hindi na pinansin. Sinabihan ako ni Aling Mingming na ayusin ko ang pakikitungo ko sa mga customer kung hindi ay aalisin nya 'ko sa trabaho. Bakit ba lahat na lang ng tao sa paligid ko mga walang paki alam sa'kin?

Anong bang ginawa ko para maranasan lahat ng ito?







Escaping RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon