Naglalakad na ko pauwi galing sa trabaho ko. Nakakapagod pero kailangang gawin. Malapit na ko sa bahay namin. Isang madilim na eskinita na lang at makakauwi na din ako para makapag pahinga.
"Miss! ano! sexy talaga ahh! haha"
Aong ginagawa nila dito? Yung mga lalaki kanina nakakatakot sila ngayon muka silang mga nakainom.
"Ang yabang mo pa kanina! Ha! oh bakit lumalayo ka?"
Napapaatras ako dahil unti-unti silang lumalapit sa'kin.. Ano ng gagawin ko? Natatakot ako sa pwede nilang gawin sakin.
"Ganito na lang sexy, pag pumayag ka sa gusto naming gawin bibigyan ka namin ng pera. Eto oh may limang daan kaming nanakaw kanina hahaha"
Kahit naman wala ng halaga ang buhay ko sa mundong ito hinding hindi ko naman ipagbibili ang sarili ko sa halagang limang daan. Hindi ba nila alam ang salitang respeto? Wala ba silang mga nanay at kapatid na babae? Anong klase sila!
"Kuya ganito na lang din, sa inyo na iyang pera nyo at uuwi na ko ng tahimik sa amin. Kunwari na lang hindi nyo ko nakita at kunwari na lang hindi tayo nagkausap. Okay ba iyon?"
"Hindi pwede sexy ano ganun na lang yun hahaha wala ka din namang magagawa eh"
Lumamit ang isa sakanila sa akin ng dahan-dahan. Paatras naman ako ng paatras hanggang mapaupo ako sa isang gilid ng basura. Ganitong-ganito ang nangyayari sa mga napapanood ko sa palabas. Walang magawa ang babae at patuloy lang na iiyak habang nagmamakawa na tigilan na sya. Pwes ibahin nyo ko hindi ako mamamatay sa kamay lang ng mga to. Hindi ang ibang tao ang papatay sa akin!
"Sinasabi ko sa inyo tigilan nyo na ko!" sinipa ko sa tiyan ang lalaking lumapit sakin. Natigilan sya at napahawak sa tiyan na sinipa ko. Nataranta naman ang iba at nilapitan din ako para sampalin.
"Gago kang babae ka ah!" sabay tadyak sa mukha ko habang pilit na hinuhubaran ang blouse ko. Wala na kong maramdaman nung mga oras na iyon, sapak, tadyak, himas at kung anu-ano pa ang ginawa sakin ng mga walanghiyang lalaking iyon at dun ko na lang naisip na totoo palang napaka hina ko. Alam kong sa kalagayan ko ngayon ay sirang-sira na ko at alam kong maya-maya lang ay ang natitirang kapiranggot na pinanghahawakan ko ay masira na din.
Umiyak lang ako ng tahimik at pumasok na lang ang lahat ng mga naging problema ko sa buhay mula noon hanggang ngayon. Wala man lang akong magawa para sa sarili ko. Siguro eto na talaga ang pagkakataon na hinihintay ko na mamatay. Hindi ko alam na sa ganitong sitwasyon pala. Wala ba talagang kwenta ang buhay ko? Bakit pa ko nabuhay sa mundong to?
"Ganyan nga sexy, huwag ka ng lumaban dahil wala ka namang mapapala"
"Ano tol simulan mo na naiinip na ko!" rinig kong sigaw nung isa
"Baka may makarinig at makakita satin tingnan mo muna!"
"Patulugin mo na lang kasi yang malading yan!"
Sinapa nila ako ulit sa muka at pinagtatadyakan sa tiyan. Naidura ko pa ang dugong lumabas galing sa bibig ko at umiikot na ang paligid ko. Ang huling narinig ko na lang ay
"tol eto ang langit"
***
Nakarinig ako ng mga ingay sa kung saan, mga nagiiyakan at mga nagmamadaling tao. Nasan na ko? Eto na ba ang langit? o baka naman impyerno. Kung ganun bakit malamig? Pilit kong iginalaw ang katawan ko pero ang sakit pa din ng buo kong katawan at hindi ko maidilat ang mga mata ko. Tuluyan na ba talaga akong namatay?
"Gising ka na ba iha?" rinig kong sabi ng isang boses lalaki. May mahinahon syang boses at masasabi kong boses mabait kung mayron mang ganun.
"Huwag ka munang gumalaw iha at hindi ka pa magaling" sabi nya ulit ng pilit ko uling bumangon. Nagmulat ako ng mata at nakita ko ang isang lalaking naka coat ng puti. Isa pala syang Doktor. Hindi pa nga talaga ako namatay at nasa ospital lang dito sa emergency room.
"Doc pano ho ako napunta dito?" tinngnan ko sya at sa tingin ko ay nasa late 40's na siya.
"bago ko sagutin ang tanong mo, ako muna ang magtatanong. Anong nararamdaman mo?" at hinanda ng kunin ang stethoscope para tignan ako.
"Hingang malalim"
"Hindi ko lang po maigalaw ng maayos ang katawan ko pero maliban dun maayos naman po ako." sagot ko dito
"mabuti naman kung ganun, chineck narin namin ang mga buto mo kung may nabalian at oo may bali ka sa bandang kaliwa kaya huwag mo muna masyadong gamitin yan at magpahinga ka.
"Salamat po dok, pero tanong ko po ulit. Pano po ako napunta dito?"
"Dinala kita dito iha" sabi nya ng may ngiti at umalis na
***
Kasalukuyan akong nasa kwarto dito sa ospital at nagpapahinga ulit. Nalaman ko na Dotcor Alejandro pala ang pangalan nya. Dinala nya ko dito matapos nya kong iligtas sa mga walanghiyang lalaki na sinubukan akong pagsamantalahan. Kwento nya pa sakin na naglalakad daw sya sa eskenitang iyon ng may napansin syang mga anino ng lalaki sa dulo. Hinahanap daw kasi nya yung anak nya at may nakakita na nadaan daw yun sa eakinita kung saan sa labas ng ospital. Biro pa nga nya ay tsismoso daw sya kaya lang sya nagpunta dun haha. Nakita nyang huhubaran na daw ako ng pangibaba kaya sumugod na sya at nakipag suntukan din. Tinakot lang nya ang mga lalaki na may paparating ng pulis kaya daw mabilis silang nagsitakbuhan. Ayun, dinala nya ko dito sa ospital kung saan ay doktor pala sya. Maraming nakwento sakin si doc kahit na mag ta-tatlong araw pa lang ako ito. Madaldal kasi sya at mabait. Kung ganun lang sana kabait ang ama ko dati siguro ay kahit papano may dahilan pa ko para sumaya.
Nalaman din ng nanay ko na nandito ako at unang beses kong nakita na lumuha sya ng dahil sakin. Kahit naman pala papaano ay hindi nya pa din ako nakakalimutan. Akala ko ay wala na talaga syang pakialam. Ang laki ng pasasalamat namin ni nanay kay doc dahil sya na din daw ang gagastos ng bill sa ospital. Nagbiro nga ulit sya na dahil daw pogi sya kaya libre na daw sakanya yun ng ospital.
"Miss Elise, inumin nyo na po itong gamot nyo" pumasok pala yung nurse
"Salamat po, saka po pala pwede ba kong magikot-ikot dito sa ospital? nababagot na po kasi ako eh" sa loob ng tatlong araw ay nakailata lang talaga ako at nakatungnga sa loob ng puting kwartong to. Mababaliw na ko sa pagkabagot. Si nanay ay dumadaan lang pag gabi dahil kailangan nyang magtrabaho para samin. Naka leave din ako sa school at pinayagan naman ako. Mabuti din pala at nangyari sakin yun para maiwasan ang isa pang pasakit sa buhay ko. Ang mga kaklase ko.
"Pwede naman teka ikukuha lang kita ng wheelchair" ngumiti sya at lumabas.
Pagkabigay nung wheelchair sinabi kong ako na lang ang sana mag-isa ang aalis dahil kaya ko naman. Pumayag naman sila at sinabi na lang na bumalik ako kaagad.
Gusto kong pumunta sa mataong lugar. Masyadong tahimik kasi at ayoko namang mag-isip ng kung ano dahil baka iba lang ang maisip ko.
Inikot ko muna ang floor kung nasan ako at saka bumaba. Tinulungan na lang ako nung guard na makababa gamit yung elevator.
Nandito ako sa hall malapit sa canteen. Madaming tao dito at medyo maingay. May mga batang nagtatawanan kasama ng lola nilang nasa wheelchair din. May mga nagtatanong sa information at kung ano ano pa. Pumunta na lang ako sa canteen at bumili ng maiinom at tinapay, tahimik ko lang silang titignan lahat ng may mabangga akong bata. Napaupo ito at umiyak. Natataranta na ko dahil hindi ko naman sya matulungan tumayo dahil kahit ako ay hindi makatayo sa wheelchair na to.
"Bata ayos ka lang ba? Sorry hindi ko sinasadya"
"Ate "sob* ang sakit *sob*" iyak nung batang babae
"Sorry talaga bata" binigay ko na lang sakanya yung binili kong tinapay.
Tinanggap nya ito at ngumiti na sabay takbo papalapit dun sa kuya nya ata. Narinig ko na lang ay "Kuya may food ako!"at "Ang kulit kulit kulit mo talaga~!!!"
Napangiti na lang akong umalis at bumalik sa kwarto ko. Para syang yung kapatid ko, si Ella
***
BINABASA MO ANG
Escaping Reality
Short StoryPrologue Minsan sa buhay ng isang tao dadating at dadating talaga yung puntong gusto mo ng sumuko. Na ikaw mismo ang aayaw sa sarili mo. Na ikaw mismo ang aayaw sa buhay na nararanasan mo. Gigising ka na lang sa pangaraw-araw na ginawa ng Diyos na m...