Escape 3

8 1 1
                                    

Matagal tagal na din simula nung naka alis ako sa ospital. Magaling na din ako at nakakalakad na. Konting galos na lang sa muka at braso ang pinapagaling ko pero maliban don maayos na talaga ako. Sa katunayan ay namimili nga ako sa palengke ng mga lulutuin para sa hapunan namin ni nanay ngayon.

"Ale magkano po dito sa isang tangkay ng kangkong?" balak kong mag sinigang na lang dahil paborito namin yun ni nanay.

Nagikot-ikot pa ko dito sa palenke at pumunta sa bilihan ng karne.

"Kuya, pabili naman po ng isang kilong karne dito pang sinigang" sabi ko ng biglang may nagsigawan. Nagkakagulo ang mga tao dahil may lalaking nagnanakaw daw ng bag at itinakbo ito. Nagsiksikan tuloy kami at muntikan ko pa ngang mabitwan ang mga pinamili ko.

"HOY MAGNANAKAW IBALIK MO YANG BAG KO!" sigaw nung ale habang hingal na hingal sa pagtakbo. Ang mga tao naman ay may kaniya kanyang reaksyon. Wala man lang ni isang tumulong dahil may hawak na patalim yung lalaki. Nasan na ba ang mga lalaki ngayon kapag kailangan?

Binayadan ko na ang karne na binili ko at didiretso na sana ng mabangga ako ng isang babae para mapunta sa gitna. Dadaan na sa harapan ko yung magnanakaw at wala ata ako sa tamang pagiisip dahil pinatid ko ito.

"Woohhhh!!!" pag checheer pa sakin mg mga tao. Mga walang kwenta.

Nadapa yung magnanakaw at napatingin sakin ng masama. Parang awa kailan lang ay kalalabas ko sa ospital ayaw ko ng maulit pa.

Pero para yatang may sariling utak ang mga kamay ko dahil kinuha ko ang pang katay ng karne dun kay kuya. Itinutok ko ito dun sa magnanakaw at winasiwas.

"Wooohhh kaya mo yan ate!"

"Lavaaan lang ng lavaaan!"

Ibat ibang reaksyon ang narinig ko at wala na kong maintindihan pa sa iba. Ang alam ko lang patay ako.

Nilapitan nya ko ng dahan dahan at sinubukang agawin ang hawak ko. Iniwas ko ito at winasiwas ulit sa kanya.

"T*ngina mo kang babae ka!" Sigaw nya dahil muntikan ko na syang matamaan sa muka! Kahit ako natigilan ng ilang segundo dahil natakot ako. Hindi ko naman kayang pumatay ng tao no.

"Ibigay mo na yang bag ng ale! Maawa ka naman! Magtrabaho ka kung kailangan mo ng pera"

"Wala kang pakialam miss, tumabi ka kundi sasaksakin kita!" Nakalimutan ko may hawak din pala sya kaya nga lang mas malaki ang akin.

"Tatagain naman kita!"

"HIYAAAAA!!!" sabay kaming susugod sa isat isa ng biglang may pumito. Mga pulis pala. Minsan iniisip ko kung talagang sinasadya nilang dumating lagi ng huli dahil mapa palabas man o libro lagi silang late.

Hinuli na sya ng mga pulis at pinulot ko na din ang mga pinamili ko. Ano nanaman ba itong napasok ko. Lagi na lang masasamang tao ang nakakapalitan ko ng usap.

"Maraming salamat iha. Utang na loob ko sayo to" sabi nung ale na mukang mayaman pala kaya siguro nanakawan.

"Wala po yun, walang problema" kung pwede ko lang sabihin na wala naman akong choice dahil naitulak lang naman ako sa gitna.

"Ano bang pwede kong gawin para naman mapasalamatan kita ng maayos?"

"Ayos lang ho talaga sa susunod na lang magiingat po kayo marami pa namang masasamang loob ngayon" maraming mga tao na pwedeng makapanakit sayo

"Ganito na lang ililibre na lang kita ng meryenda ayos ba yun? Hindi mo talaga alam ang laki ng utang na loob ko sayo dahil may mahalagang bagay dito sa bag ko na mas mahalaga pa sa pera iha"

Napagisip isip kong gutom na din ako at hindi naman masamang tumanggi sa grasya kaya pumayag na ko.

"Sige po kayong bahala"

***

Nalaman kong Catherine ang pangalan nya attita Cath na lang daw ang itawag ko sa kanya. Kahit na nasa late 40's na sya ay muka pa din syang nasa 30 plus lang. Maganda sya at mukang mayaman talaga. Namamalengke daw sya dahil hilig nya ang pagluluto at gusto talaga nyang sya ang bibili ng mga ingredients sa palengke dahil mas fresh dun. Dinala nya sa isang mamahaling coffee shop. Ang gamda ng interior at masasabi mong sosyal ang mga tao.

"Anong gusto mong kainin iha?"

"Kung ano na lang po sainyo" nahihiya ako. Ano ba tong klaseng napuntahan ko. Ang pangit ko para dito.

"Tingnan mo na lang tong menu at mamili ka, hindi naman ako masyadong mahilig sa matatamis eh" sabi pa nya ng nakangiti. Ang bait naman nya.

Tinignan ko ang sinasabi nya at nagulat ako sa mga presyo. Pang 2 araw na naming ulam ang mga presyo ng pagkain at inumin.

Tinignan ko sya at nakita kong hinihintay nya lang akong umorder kaya namili na lang ako kung ano maituro ko dahil hindi ko din naman alam ang mga iyon.

"Nakakatuwa naman iha, yang inorder mo pa talaga ang paborito ng anak ko. Kung nandito lang yun nakuu paniguradong bibili ng dalawa yun." Natutuwa nyang sabi.

Blueberry cheescake at caramel frappuccino kasi ang napili ko.

"Edi ibili nyo na lang po sya para pasalubong hehe" sabi ko na lang

"Kung pwede lang eh kaso magkalayo kami ngayon dahil magkahiwalay kami ng papa nya. May kasalan ako sa kanya dahil iniwan ko sya. Silang dalawa ng kapatid nya. Kaya din sobrang takot ko ng manakaw ang bag ko dahil nandoon ang kaisaisang picture ng mga anak ko" Naluluha na sya habang nagkukwento at hindi ko din mapigilan maging emosyonal dahil doon.

"Sigurado po ako na naiintindihan nya ang lahat" nasabi ko na lang

Marami din palang mga tao ang may pinagdadaanan.

***
Matapos ang nangyari ay nauna na din sya. May kailangan pa daw syang gawin at nagiwan na lang ng contact number sakin. Tawagan ko na lang daw sya pag may kailangan akong kahit na ano.

Hapon na ng makabalik ako sa bahay at nadatnan ko na si nanay na nagwawalis.

" oh bat ngayon ka lang?"

"Ang dami po kasing tao sa palengke. Ang hirap mamili." Ang dami ko ng kasalanan kay nanay. Ang dami ko ng hindi nasasabi sa kanya simula noong muntikan akong magahasa. Hindi ko sinabi sa kanya yun dahil ng makita ko syang umiiyak ay nalaman kong mahal nya pa din ako kahit na iniwan kami ng tatay. Ang alam lang nya ay nasangkot ako sa gulo at napagtripan sa kanto.

" oh sya ihanda mo na yang mga pinamili mo at maglalabada pa ko dyan sa kapit-bahay natin" sabi nya at iniwan ang walis sa gilid.

Ihinanda ko na ang mga sangkap at nagsimulang magluto. Kung may maipagmamalaki ako siguro ay itong pagluluto. Ako lagi ang nagluluto dahil hilig ko ito at masarap daw ang luto ko.

Binuksan ko muna ang maliit naming telebisyon at nanood habang hinihintay maluto ang sinigang.

"One of the best singer and actress in the industry commits suicide because of her recent break up with her long time non showbiz boyfriend?"

Hindi ko alam kung maiinggit ako dahil sa wakas tapos na din ang sakit na nararamdaman ng singer na yun o hinde dahil para sakin isa talagang napakababaw na dahilan ang pagpapakamatay dahil lang sa isang lalaki.

Kung may nakakarinig siguro ng konsepto ko sa buhay ay maraming maiinis sakin. Sa logic ba na mayroon ako pag dating sa dahilan kung pano ka dapat mamatay. Siguro kung naririnig lang ako ng mga tao iisiping nababaliw na ko at wala akong takot sa Diyos. Siguro mapanghusgang mga salita nanaman ang maririnig ko at masasakit na salita na naman ang mararamdaman ko.

Pero sana kahit ganun, may umintindi pa din ng pinagdadaanan ko kahit na hindi talaga nila maintindahan.

Pinatay ko na ang t.v at bumalik na sa kusina.

Sana mayroon mang isa, kahit isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escaping RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon