TULA PARA SA BARKADA (VARMAJJELA)

14.4K 18 7
                                    

                          Tula Para Sa Barkada
                        (dedicated to Varmajjela)

Masisimula sa pakikipagkilala, pakikipagkamay
Mauuwi sa biruan at tawanang walang humpay
Magkakapalagayan ng loob, hanggang magkasundo
Unti-unting mapapansin na ang mga sarili ay nagtatagpo

Paglipas ng mga araw ang tunay na ugali ay lilitaw
Magkakaasaran, pikunan, awayang ayaw pang bumitaw
Pag-uwi ng bahay ay makukulong sa kwarto, lahat iiyakan
Ilalabas mga damdaming kumakawala dahil sa kaibigan

Kinabukasan 'pag nagtagpo'y biglang magyayakapan
Magsisisihan pa nga dahil sa kasalanan at kalokohan
Na wari'y walang katapusan kung kanilang iyakan
Pagkatapos ay biglang magbabati itong magkakaibigan

Paglipas ng panahon pagkakaibigan nila'y tumitibay
Wala na ngang makakapaghiwalay kahit pa putol na tulay
Lumayo man o lumipat ng tirahan, pauli-ulit ding magbabalik
Ang pitong magkakaibigan ay nagtatagpo at nasasabik

Sa muling pagkikita ay sasariwain ang mga nakaraan
Mga biruang may kasamang asaran at saka hagikhikan
Mga pagsubok na pinagdaana ay tatawanan na lang
Sabay sasabihing "kay tagal na rin pala, 'di na mabilang"

Sa tuwing nagtatagpo ay lagi pang nangangako
Walang iwanan kahit pa tayo ay magkakalayo
Magkukulong pa sa kwarto para mag-open forumn
Tapos mag-iiyakan pa habang tayo'y in column

Sasabihin pa "kahit malayo, kaya natin yan,bru!
Yung pagka-miss sa isa't isa, okey lang,bru!
Basta pagtanda nating lahat ang pagkukulang
Siguraduhing mapupunan kundi ay may sisemplang"

Pag matanda na tayo magpaplano ng bakasyon
Kahit simple basta 'pag wala ang isa may kutos 'yon
Kahit pitong tumba-tumba lang sa dalampasigan
Ang ating uupuan habang tayo'y nagkukwentuhan

May kasabihan nga "LIFE BEGINS AT FORTY"
Pero mga bata pa tayo, wala pang thirty
Tuloy-tuloy lang sa buhay, walang bibitaw
Lalo na sa barkadahang wagas at tunay

Ano man ang kahihinatnan ng ating buhay
Pero ang ating pagkakaibiga'y walang iwanan
At  isa lang ang masasabi ko sa inyo
Mula sa puso ko, VARMAJJELA; MAHAL KO KAYO!

****************************

To: VARMAJJELA

                   Bru! Sorry ha wala lang akong magawa,e. Inspired lang dahil dun sa story hehe.
pag pasensyahan nyo ang nakayanan kong tula. Alam nyo naman ang utak ko pag gumana tuloy tuloy na..........tas ayoko ng i-edit pa. Okey na yan ha?

                  I love you guys!
                  Basahin nyo yung story ha..................
                  Kahit ilang ulit pa; lalo na pag namimiss nyo ang barkada.
                  Para sa atin ito mga bru!

From: Me(lam nyo nah........)

TULA PARA SA BARKADA (VARMAJJELA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon