Paalam Sa Aking Kabataan

996 2 0
                                    

From HAERONHERC'S Book of POETRY

Allrightreserved Nov. 22, 2013

                 Paalam Sa Aking Kabataan

Ako ay bata pa, ngunit hindi musmos
Sabi nila ako ay matanda na, ngunit 'di ko maintindihan
Ang puso ko ay naguguluhan
Sa kung ano ba talaga ako
Bata pa ba o Matanda na?

Gusto ko pang maglaro,pero may obligasyon na
May mga kapatid na dapat alagaan pa
Mga gawaing bahay katulong ni inay
Laging inuutusa o napapagalitan pag-uwi ni itay
Ako ay bata pa ang sabi ng iba,ngunit may obligasyon na dapat gampanan

Ako ay nag-iisip, sa kung ano ba talaga
Buti andiyan si ate sa akin ay gumagabay
Noon ganito din daw kaniyang nararamdaman
Nang siya ay katulad ko,laging nalulumbay
At ang payo niya, ito'y akin ding malalampasan

Ako daw ay nasa gulang sa pagitan ng pagkabata tungo sa pagdadalaga
'Wag daw ako mag-alala,sadyang ganito lang talaga
Lilipas din ang araw at aking mauunawaan
Sa bawat panahon na lilipas ako daw ay magsaya at 'wag malulumbay
Bawat katanungan ay magkakaroon ng kasagutan

Darating ang araw ako'y mamamaalam sa aking kabataan
Haharapin ang bukas mayroong lakas na taglay
Upang sa hinaharap ay matutong lumaban
Sa mas malalaking pagsubok ng buhay
Hindi matatakot,ako'y magtatagumpay

Paalam aking kabataan, paalam na sa'yo
Subalit alaala ko'y aking iingatan
Sa kaibuturan ng puso' itatago ito
At pagdating ng araw aking bubuksan
Upang maging gabay at pag-asa sa buhay.

*********

Na'share lang ulit..........wala magawa e.

TULA PARA SA BARKADA (VARMAJJELA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon