ULAN

469 1 0
                                    

From HAERONHERC's Book of POETRY

Allrightreserved Nov.22,2013

                 ULAN

Ako'y nalulungkot tuwing umuulan
'Di ko malaman kung anong dahilan
Bigla nalang nararamdaman ang kalungkutan
Sa puso ko'y nag-uugat itong damdaming 'di mabigyan ng kahulugan

Mga alaalang buhat sa nakaraan
Aking nagugunita tuwing umuulan
Hinahanap mga kamag-anak, kaibigan
Mga kaklase at kalaro noong kabataan

Bigla tuloy naisip ko computer ay buksan
Mga kaibiga'y hahanapin sana'y matagpuan
Mga alaalang nakatago ngayo'y nabubuksan
Inihahatid sa akin dulot nitong ulan

Marahil ay ganun talaga 
upang 'di malimutan mga alaala
Minsan ay dapat balikan pa
Upang sa hinaharap ay maging maligaya

Ang ulan ay dinala sa buhay
Upang maalala ang nakaraan
Wika nga '' ANG HINDI LUMINGON SA PINANGGALINGAN AY HINDI MAKARARATING SA PAROROONAN''

Ang tulang ito ay ibinahagi ko lang
Upang maibsan aking kalungkutan
Na idinudulot sa puso ko tuwing umuulan
Subalit hanggang ngayo'y 'di ko pa rin maintindihan

Salamat po!

TULA PARA SA BARKADA (VARMAJJELA)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon