You Give Love A Bad Name

1.5K 27 9
                                    

Author's Note: This concept is running through my head for quite some time now. Gusto ko rin talaga i-challenge yung sarili ko gumawa ng drama and mature story. ;D

Votes & comments are highly appreciated! :} Watch the trailer too! :>

___________________________________________________________


Angela


Kanina ko pa pini-play sa utak ko kung paano ko lalambingin ang asawa ko na huwag munang pumasok sa work today. We hardly spend time together. I miss him so much.


Inayos ko yung knot ng tie nya. "Honey, pwede bang wag ka na lang muna pumasok? The company can function without you for a little while.." Ngumiti ako ng matamis. "Let's drive to Tagaytay kahit ngayong weekends lang?"


Hinawakan ni Nathan ang magkabilang pisngi ko saka ako hinalikan sa noo. "You know I can't do that, honey. I've got loads and tons of work to do. Running a business is never easy."


Sinuot na nito yung vest at eye glasses nya.


Napasimangot ako. "Pero, dati naman.."


"Angela.."


He called me by my name, he's serious. I let out a sigh, finally giving up.


Nagkaroon ng malaking harang sa relasyon naming mag-asawa simula noong mamatay ang anak naming si Anna. Pero ang masakit.. Kahit hindi nya sabihin sakin, ramdam na ramdam ko na ako ang sinisisi nya sa pagkamatay nito.


Halos mabaliw ako ng mamatay si Anna. Alam ng Diyos, hindi ko yun ginusto. Kung pwede ko nga lang ipalit ang buhay ko.. Sana ako na lang yung namatay.. Baka sakaling hindi naging miserable si Nathan.


Hinawi ko yung kurtina. Tinanaw ang pagsakay sa kotse at pag-alis ng asawa ko. Pumatak ang luha sa mata ko. Hindi lang ako nawalan ng anak, nawalan rin ako ng asawa.




Erika


"UTANG NA LOOB!" Pakiramdam ko magigiba na tong barung-barong namin sa tuwing dadaan yung tren sa riles.


Inis akong bumangon at bumaba.


Nadatnan ko namang nagsasawsaw ng pandesal sa kape ang kasintahan kong si Rael habang nakataas pa ang paa sa lamesa. Butas pa yung kupas nyang shorts!


"Good morning my loves!" masigla pa nitong batin sakin.


Napaangat ang kilay ko. "Ano namang good sa morning?"


"Erika my loves naman, umagang-umaga dragon mode ka.. Tinataboy mo yung swerte palabas ng bahay eh."


Natuon yung atensyon ko dun sa palabas sa tv.


"The Toy Factory achieved another milestone as it yet again opened another branch. Headed by Mr. Nathan Yu, it's indeed one of the fastest rising toy enterprise in the country."


"Itutuloy pa ba natin yung plano?"


Humarap ako kay Rael. "Ano ba namang klaseng tanong yan? Wala ng atrasan 'to. Kapag nakapasok na tayo sa mundo nila.. Aakitin ko si ulit Nathan, liligawan mo si Angela.. Dudurugin natin ang relasyon nila." Binaling ko ulit yung tingin ko sa tv. "Hindi magtatagal, tayo na ang magiging hari at reyna ng mga laruan!"


Matapos ang ginawa nila sakin.. Hindi ako makapapayag na habang sila nagpapakasasa sa yaman, samantalang ako mahirap pa sa daga.


Ngumisi ako. "Aakyat ako at itutulak ko sila pababa."



You Give Love A Bad Name

Copyright ©  2014 by PigOink8

You Give Love A Bad NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon