Chapter One

438 19 10
                                    


Erika


"Ms. Erika Pangilinan!"


Tumayo ako sa tawag na iyon. Nag apply kasi ako na secretary ng hinayupak kong ex-boyfriend na si Nathan Yu. Tss! Sigurado namang ako ang makukuha.


Tiningnan ko yung iba pang mga applicants. "Sorry na lang, dahil uuwi kayong luhuaan."


Bago ako pumasok ay nakita ko pa yung pangalan na naka imprint dun sa gold bar sa gilid ng pintuan. 'President Nathan Yu' Huh! One day, pangalan ko na ang nakaukit dyan.


Natigilan si Nathan ng makita yung resume ko lalo na nang humarap na ko sa kanya.


"E-erika?!"


Nag bow ako. "Good afternoon, President Yu."


"H-how? W-why? Where have you.. I thought.." utal-utal nyang sabi. Mukhang syang tanga! Hindi siguro sya makapaniwala na makakita ng multo ng nakaraan.


I faked a giggle.


Finally nung maka-recover sya, inalok nya na rin akong maupo.


"Tingnan mo nga naman.. What are the chances?" Hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha ni Nathan. "Kamusta ka na? It's been, what? Five years?"


Heto matagal ka ng sinusunog sa impyerno! And correction! It's 5 years, 2 months, 3 weeks and 4 days! Bugok ka talaga!


Nag nod at ngumiti ako. "Ang tagal na rin pala, no?"


"C'mon.. Let's go out.." Dali-dali nitong sinuot yung coat nya. "We need to catch up.. Let's celebrate.."


Sus. Ang dali lang pala nito. Para lang akong nagbibigay ng lollipop sa bata.


"Pero paano yung interview ko? Tska yung mga applicants sa labas?"


"The HR can handle that. Besides you're hired." Nakipagkamay sakin si Nathan. "Welcome to The Toy Factory."


Ngumiti ako. Simula na ng paghihiganti ko.




Angela


"Bye po Teacher Angela!"


"Bye!" Kinawayan ko yung mga estudyante ko. "Ingat sa pag-uwi ha."


Pre-school teacher at principal ako sa Angelus School. Sadyang nakakaubos ng enerhiya maging guro. Gayunpaman, walang katapat na halaga ang fulfillment na makapaglinang ng kaalaman ng mga bata.

You Give Love A Bad NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon