*katapusan ng aking pag-ibig*

61 2 0
                                    

Oo!minahal kita ngunit Hindi panghabambuhay,
Ikaw ang nais makasama sa buhay
Ngunit paano?di naman tayo bagay
Kahit anong aking gawi'y di parin pantay.

Kung kaya't dapat na kitang kalimutan
Ipagpatuloy ko man puso ko ang masasaktan
Buti sana kung pareho tayo ng nararamdaman
Sapagkat ng inibig kita'y akin ng pinaghandaan.

Tinitibok ng puso ko'y ikaw
Madilim Kong buhay ikaw ang nang-ilaw
Ikaw ang nais makasama araw-araw
Ngunit iba ang nais mong kukumpleto sa iyong araw.

Ano pa silbi ng aking pagmamahal
Kung iba naman ang iyong mahal
Mabuti pay itigil ko nalang ang alay Kong pagmamahal
At hayaan Kong makasama ang iyong mahal.

Naisip Kong dapat ko ng tigilan
Sapagkat ako din lang ang masasaktan
Kaya't pag-ibig ko sayo'y dapat ko ng wakasan.

Hugot Ko,itula MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon