*muling nagbalik*

68 2 0
                                        

Nang kinalimutan kita
Akala ko'y wala na
Akong nararamdaman pa
Kapag tayo'y muling magkita
Ngunit Hindi pala.

Nang muling tayong nagkita
Ako'y napatulala
Nanlaki ang mga mata
Tibok ng puso ko'y tumigil bigla
Tila ba gusto pakita.

Tila ba nagbalik ang aking paghanga
Na inakala ko'y wala na
Bakit pa kasi muling pa tayong nagkita
Mabuti sana kung sa
Pagkakataong ito'y may pag-asa na.

Bakit ba di kita makalimutan
Ano ba ang aking nagustuhan?
At ayaw kitang pakawalan
Kahit na wala akong karapatan.

Bakit hanggang nagyon ikaw parin
Ano ba ang ginawa mo saakin
At hanggang ngayo'y ang mahal ay ikaw pa din.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hugot Ko,itula MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon