Puso ko'y muling sumigla
Mula ng makita't makilala ka
Muling nagkaroon ng pag-asa
Ang puso'y dati'y nag-iisa
At natutong umibig ng di naghihinala.Bawat panalangin ko'y nagkatotoo
Na sana'y may seseryoso
Sa aking puso
Na naghihintay sa taong tulad mo
Mabuti nalang nagkakilala tayo.Lungkot ko'y mawala
Mula ng natagpuan kita
Tila ba ikaw ikaw na nga
Ang siyang magpapaligaya
Sa isang tulad ko na
Dati'y nag iisa't umaasa.Takot ko'y iyong binura
Inudyok mo na muling suminta
Binuhayan mo ng pag-asa
Lumba'y koy pinalitan mo ng saya
Muli mong pinaalala
Na ang bawat isa
Ay may karapatang sumaya.**************
Kaway kaway sa mga nkaranas na nyan..

BINABASA MO ANG
Hugot Ko,itula Mo
PoesiaGuys itong mga poem na ito is base sa mga naranasan nating mga nagmahal. _itoy ginawa nya kase meron cyang pinaghuhugutan .ahm 2years na naging crush nya ..pero Hindi naging sila.so parang naging inspirasyon.nya ung naging crush nya.para gawin ito...