CHAPTER 1

921 31 1
                                    

All eyes set on me.

"So she's the new Vampire Princess."

"Yep. So ugly."

Gossips all around me as I walk through the corridor of my new school.

Travis tighten his jaw and closed his fist.

"Wag mo na silang pansinin Trav." Pagpipigil ko sa kanya ng muntik niya na itong lapitan.

"Aren't you affected?" Tanong niya. He raised his eyebrow.

"Why would I?"

 Binilisan niya ang lakad niya.

Hinabol ko siya sa paglalakad. "Hatid mo ko sa klase ko." Nakangiti kong sabi.

Tiningnan niya lang ako ng masama. "Inuutusan mo ba ako?"

Napaatras naman ako. "H-hindi, sabi kasi ng mama mo, bantayan mo daw ako eh." Nakayuko kong sabi.

Bumuntong-hininga siya at saka nagsalita, "Yep you're right. Sinabi niya ngang bantayan ka.. Pero di niya sinabi na ihahatid kita sa klase mo." Mabilis siyang nawala.

I sighed.

This thing started last week. The day that I became a vampire.

Travis and I were.. enemies.

Yeah. Lagi niya akong kinokontra sa lahat ng bagay. Kahit sa maliit na bagay, lagi niyang ginagawang komplikado at sa huli, ako ang mali at siya ang tama.

I'm Chandria Hernandez. 

I never had the chance to beat him in any way. Lagi siyang panalo at ako ang talo.

Last week, gabi na ako nakauwi dahil sa ibang school projects na kailangan kong tapusin dahil isa akong scholar. I'm an orphan. Walang gustong umampon sakin noon. Kung meron man, ibinabalik nila ako pagkaraan ng ilang araw dahil sa may kung ano daw akong ginagawa na hindi nila maintindihan.

Nang tumungtong ako ng 18 ay umalis ako sa orphanage at nagsimula ng sarili ko.

So ayun na nga, late na ako umuwi ng gabing yun. Wala ng mga tao sa kalsada at nararamdaman ko ang paghaplos ng malamig na hangin.

Tiningnan ko ang buwan at kung may anong pwersa na pumipilit saking tingnan ito. Bilog ang buwan at nakararamdam ako ng kapayapaan.

Ilang saglit lang ay namatay sindi ang ilaw sa paligid ng kalsada.

Sa isang poste ng ilaw sa di kalayuan ay may nakita akong lalaki na hinihingal habang nakasandal sa poste. Nang mamatay ang ilaw at sumindi ulit ay nawala na ang lalaki.

Tatakbo na sana ako nang may kung anong biglang humila sakin sa isang madilim na lugar.

Nagpupumiglas ako habang humihingi ng tulong.

Ilang saglit ay nagkaroon ng konting liwanag at nakita ko kung sino ang may hawak sa akin.

John Travis Montague. (Mon-ta-gi)

"Travis?" Paninigurado ko.

Ngumiti siya at nakita kong ang pangil sa ngipin niya. Namumula ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko.

"I'm on a hunt."

"A-ano naman ang hinuhuli mo?"

Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko, dinilaan ito at saka bumulong, "Human.. and their.. Blood."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Living With A Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon