Nauna na akong pumasok sa school. Ang bagal kasi maligo ni Travis e. Di na ko nakapagpaalam. Lagot ako dun mamaya. T_T
Dapat daw maaga akong pumasok ngayon sabi ni Lyndon. Di pa kasi tapos yung project namin sa isang subject samantalang bukas na ang pasahan nun. Pag hindi daw kami nakapagpasa ng project, sabi nung professor namin isisingko nya daw ang grade namin. Ayoko namang mangyari yun, last year ko na 'to e. Ayoko ng umulit, Minor subjects nalang naman 'tong tinatapos ko e. Tapos na rin ang thesis ko. Uno lang naman ang grade ko dun. *smirks hahahaha.
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa meeting place namin sa school.
Nagulat naman ako kasi si Lyndon palang ang nandun. "Nasan yung iba?" Nilapag ko yung bag ko.
"Mga tulog pa ata." Umismid siya. "Mga iresponsable talaga. Matagal na dapat tapos 'tong project na 'to e." Umupo siya.
Kapag kasi magkakaroon kami ng usapan sa paggawa nitong presentation, laging sinasabi ng mga kagrupo namin na bukas nalang daw. Kasalanan nila 'to e. Baka magalit na naman sakin si Travis. Gusto niya kasi sabay kami laging papasok---
"Kaya ka pala nagmamadali." May bumulong si likod ng tenga ko.
Hinarap ko siya. "Tatapusin lang namin yung project-----"
Tumingin siya kay Lyndon na nakaupo habang nakaharap sa laptop niya. Nakatalikod siya sa amin kaya malamang hindi niya alam na nandito si Travis. "I see."
May sarcasm sa tono niya kaya alam kong galit siya. "It's not what you think. May iba pa kaming kagrupo, na-late lang----"
Ngumisi siya. Akala niya siguro may something samin ni Lyndon kasi kaming dalawa lang ang magkasama. Punyeta talaga yung mga kagrupo namin! Papatayin ko talaga sila! Ugh.
Hinawi niya ang buhok na nasa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko. Seryoso ang mukha niya. And seriously, nakakatakot talaga. Kahit sobrang angelic ng mukha niya, napakademonyo niya kapag nagalit.
I stand still. Hindi ako gumagalaw. Masyado pa kasing maaga kaya wala pang tao dito. Baka mamaya bigla niyang patayin si Lyndon.
"I own your life." Nakatingin siya ng diretso sa mata ko. He was like trying to manipulate me but he just can't. "..at ako lang ang magsasabi ng mga bagay na dapat at hindi mo dapat gawin."
"Walang nagmamay-ari sakin, Travis."
Ngumisi na naman siya. "Lalayuan mo yang lalaking yan o papatayin ko siya. Better make good choices." Hinalikan niya ako sa pisngi at saka bigla nang nawala.
Sakto namang pagdating ng mga walang kwentang kagrupo namin.
--------
7pm.
"Punta tayo sa bahay. Hindi ko kayang tapusin 'to mag-isa." Sabi ni Lyndon.
"Hanggang anong oras ba?" Tanong nung iba.
"Kahit hanggang 9 or 10 lang. Bukas na ipapasa 'to guys. Wag naman kayong maarte, wala na nga kayong naitulong e." Diretsang sagot ni Lyndon. Mukhang naiinis na talaga siya.
"Di ako pwede. May pupuntahan akong party." Reklamo ni Claire.
"Di rin ako pwede. Grounded ako." Reklamo lang sila ng reklamo.
"Hindi ko ilalagay ang mga pangalan niyo dito sa presentation guys. Good Luck. Tara na Chandria."
Naglakad na palayo si Lyndon. Hinabol ko siya.
"Uy Lyndon, hindi ako pwede." Napahinto siya sa paglalakad at hinarap ako.
"Hindi pwede Chandria. Hindi ko 'to kayang mag-isa." Hinawakan niya ang kamay ko. "Ihahatid kita sa inyo."
BINABASA MO ANG
Living With A Vampire Prince
VampirosI'm literally living with a cold-hearted guy. Am I going to survive?