CHAPTER 3

518 20 3
                                    

"We're married."

Argh. Kainis naman tong Travis na 'to. Hindi man lang nagawang magdeny.

Eto ako ngayon at pinauulanan ng tanong ng mga kaklase ko.

"Kelan kayo kinasal?"

"Paano ka niya niligawan? Kyaaah~~."

"Bakit magkasama na kayo? Di ba kayo masyado pang bata?"

Nakakabingi. Kainis.

Wala naman sa kanilang vampire. Wala akong naaamoy.

"Ahmm.. wag niyo na tanungin. Hehehe." Napakamot ako ng ulo. Ano isasagot ko?

Si Travis naman, ayun, nandun sa kwarto. Ako na daw bahala dito. Wala daw siyang pakialam basta wag ko daw siya guguluhin. May gagawin daw siyang sikretong malupit. Wag ko na daw tanungin kung ano yun dahil kahit lumupasay pa daw ako sa sahig eh hindi niya sasabihin. Bwisit talaga.

"Eh pano na ko? Paano na tayo?" Pabirong sabi ni Lyndon.

Mabilis pa kay Flash, biglang nasa likod na ni Lyndon si Travis. Nakita naman siya ni Trisha.

"Di kita nakitang bumaba ah?" Oops. Bakit ba naman kasi ginagamit niya kapangyarihan niya eh may tao dito. Parang tanga talaga.

Tumabi sakin si Travis at inakbayan ako. "So, sinong umaangkin sa asawa ko?" Nakangiti siya. Halatang napakaplastic.

Narinig niya siguro yung sinabi ni Lyndon.

"Siya!" Sabay-sabay nilang sabi habang nakaturo kay Lyndon.

Nakakatawa naman expression niya. Hahaha!

"Joke lang yun pre. I hope you don't mind." Nakangiti siya habang sinasabi yun. Pero iba yung dating eh.

Nagsusubukan sila ng tingin ni Travis. Bakit?

Alam ko namang ayaw ni Travis na may umaangkin sakin pero alam niya namang biro lang yun eh. Bakit sineseryoso niya?

"Punta lang akong kitchen guys. Gawa lang ako ng meryenda." Paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita." Presinta ni Lyndon.

"Sige---"

Bigla namang sumingit si Travis at umepal. "Ako na. Tutal ako naman ang asawa." Nakangiti na naman siya. Yung halatang plastic at nanggagago.

Nababadtrip talaga ako dito kay Travis. Sana kasi hindi nalang siya lumabas eh. Edi sana walang tao dito.

Nakakaamoy ako ng dugo eh. Di pa kasi ako sanay.

Parang nagugutom ako.

"Oh sige." Halatang pilit ang ngiti na binigay niya.

Pumunta ako sa kusina. Nakasunod naman si Travis.

"Umakto ka naman bilang asawa." Sabi niya sakin.

Wow ha? At sa kanya pa talaga nanggaling.

Naghahanda ako ng sandwich. Ni hindi man lang ako tinutulungan. Nagpresinta pa siya, kase daw siya ang asawa. Wow. Eh kung tulungan niya kaya ako?

"Ayoko eh." Biglang sabi niya.

"Hoy ang epal mo. Wag ka ngang nambabasa ng isip dyan!" Biglang sabi ko. Kainis. Di tuloy ako makapagsikreto.

"Di ko binabasa. May respeto naman ako sa privacies mo no. Sadyang madali lang basahin dyan sa mukha mo yung nasa isip mo." Diniinan niya pa talaga yung 'privacy' na word. Kesyo ayaw daw niya basahin ang isip ko kasi baka daw malaman pa niya kung paano ko siya pinagnanasaan eh mandiri pa daw siya sakin.

Living With A Vampire PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon