Love? Ano ba yan? Makakain ba yan?
Lahat ng tao may kaniya-kaniyang definition ng love.
Madami rin namang iba na Hindi naniniwala.
Kase ng dahil sa love may nasaktan, may nawalan, may nagdusa at umiyak ng sobra.
Pero lahat ng Tao, kailangan makaramdam ng love, kase kapag di mo to naramdaman, di mo rin magagawang mahalin yung sarili mo. Wag tayong pangunahan ng takot na baka masaktan lang tayo kapag nagmahal tayo. Kase Hindi naman lahat ng nagmamahal nasasaktan.Kaya dapat, lahat ng Tao na nakapaligid sa atin na nagmamahal, at mga Tao na dumarating para mahalin tayo, dapat pahalagahan natin. Kase kapag di natin sila pinahalagahan, unti-unti silang mawawala sa atin.
Tapos sa huli na lang natin matatanto kung gaano sila kahalaga aa buhay natin.
" Sana sinuklian ko yung pagmamahal niya para di siya nawala. Sana di ko siya pinagtabuyan." yan yung mga salita na laging napasok sa isip ko tuwing Gabi na matutulog ako. Tuwing Gabi naaalala ko lahat ng mga sinakripisyo at sinugal niya para sa kin. Kung paano siya nagbago para sa akin pero binalewala ko lahat ng yon. Naiiyak na lang ako. Sana minahal ko siya, sana nasabi ko sa kaniya na mahalaga siya. Sana di ako pinangunahan ng takot ko, sana di ako nagpadala sa emosyon ko. Sana, sana, sana. Ang daming sana na napasok sa isip ko. Pero isang sana lang yung hinihiling ko, Sana Maulit Muli. Para mabalik ko yung mga panahon na ako pa rin yung mahal niya. Ako pa rin yung mundo niya. Ako pa rin yung nag-iisang babae para sa kaniya. Sana Maulit Muli para matama ko lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa kaniya. Para mabawi ko lahat ng sakit na binigay ko sa kaniya.
Para ako na lang yung nasasaktan at Hindi siya.
BINABASA MO ANG
Sana Maulit Muli
أدب المراهقينMay mga oras sa buhay natin na ayaw nating matapos. May mga oras naman na gusto nating tapusin agad. May mga oras din na gusto nating ibaon sa limot. Pero may mga bagay na gusto nating maulit muli. Mga oras na sobra nating pinagsisihan. Masasabi mo...